PROLOGUE

770 Words
“Let’s get this over with,” ani ni Calix pagkatapos ang biglaang pagsulpot nito sa pintuan ng aking inuupahang tirahan umagang-umaga.   Dagli akong tumayo mula sa pagkakahimlay sa aking malambot na kama at inayos ang aking buhok. “Huh?” medyo inosente kong tanong.   “Ano ba ang dapat nating tapusin, Calix?” Kinumpleto ko na ang aking katanungin. Sa totoo lang, hindi ko kasi ma-gets ng maayos iyong sinabi niya.   ‘Yung tinutukoy ba niyang tatapusin namin ay ang arts project na kailangan na naming ipasa bukas?” Bago ‘yun ah. Hindi naman kasi siya kadalasang concern sa mga ganitong bagay sa paaralan pero hindi mo rin naman masasabing pariwara siyang estudyante. Besides, isa siya sa mga tinataguriang ‘genius’ sa loob ng klase. ‘Yun nga lang, medyo may pagkatamad.   Bigla akong napatigil sa kung anu-anong iniiisip ko nang bigla siyang nagsalita… salita na hindi ko inaahasang maririnig ko mula sa kanyang mga labi… salitang dumurog sa aking puso ng pinung-pino. Ang sakit. Sobrang sakit.   “Herena, it’s not working for us,” ani nito na hindi makatingin ng diretso sa aking mga mata. Hindi nanaman namin ito pagtatalunan. Not again…   “Hey,” palit kung inabot ang kanyang braso para hawakan at pakalmahin siya. “Di’ba pinag-usapan na natin ito. Naiintindihan ko naman. I understand na--”   Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko at muli siyang nagsalita. Ngayon ay medyo pasigaw na. Hindi ko maiwasang magulat ng bahagya. “No, you don’t! Hindi mo naiintindihan!”   Hindi ko alam...hindi ko alam kung tama ba ang interpretasiyon ko sa mga naglalarong emosiyon sa kanyang mga mata. Galit… sakit, lungkot?   Bahagya akong napabitaw sa kanya at napahakbang palikod. Ito ang unang beses na nag-freak out siya ng ganito at hindi ko maiwasang mabigla.   Napansin niya ata ang naging reaksiyon ko at pinilit niyang babaan ang tono ng kanyang pananalita hanggang sa magtunog itong kalmado. “Not a glimpse Herena. Hindi mo naiintindihan ang sitwasiyon,” ani nito habang pilit na tinatago ang nangingitim niyang aura sa napakagwapo niyang mukha. Gosh! Isang napakagaling na artist nga naman ang Tagapaglikha. This man in front of me was just so much of a masterpiece.   Ang tangos ng kanyang ilong at ang ganda ng natural na kurba ng kanyang kilay. Ang mga mamula-mula naman niyang labi ay mas lalong nae-emphasize dahil sa maputing nitong kutis. Kulay itim ang kanyang buhok na kumo-compliment sa baby blue eyes na kulay ng kanyang mga mata.   ‘Ano ba, Herena? Hindi ito ang tamang oras para pagpantasiyahan mo siya,’ paggigiit ng aking isipan. Oo nga naman.   “It was for your own good. I want you to be out of danger. My name Dexigrous alone, spells danger!” muli nanamang napapasigaw na salaysay nito sa akin. Oo nga naman! Ikaw lang naman ang nag-iisang Calix Cole Dexigrous, a great Mafia son whom I am dangerously in love with.   Damn it! Ano bang mali doon?!   Base sa galaw ng kanyang mga mata parang nahuhulaan ko na kung saan ito patutungo.   “This is mafia… and we are still young to handle that. Sana maintindihan mo,” kibit-balikat nitong sabi. Ramdam ko ang matiim na pagtingin niya sa aking mga mata upang tignan ang magiging reaksiyon ko… ngunit sa bigat ng salitang bintawan niya, hindi ko halos makayanang maibuka ang aking mga bibig para sumagot man lang. Wala akong maisagot. Wala akong maiisip.   “I guess this is goodbye,” huli kong narinig pagkatapos ng pagdampi ng kanyang malambot na labi sa aking noo.   “I love you. Goodbye...”   Simula noon ay hindi ko na siya nakita sa campus. Lumipat ata siya ng school. Hindi ko na rin siya ma-contact gamit ang kanyang cp.   Umalis siya ng walang bakas. Iniwan niya ako ng tuluyan. Nakakabaliw mang isipin ngunit pilit akong gumawa ng paraan para mahanap siya nang malaman ko man lang kung okay lang ba siya at tanungin kung pwede bang harapin naming dalawa ang problema.   Sa huli, wala rin akong napala sa paghahanap. He is a Mafia son for Pete’s sake. Hindi ko talaga siya mahahanap kung pipiliin niyang mgtago mula sa akin kaya tinigilan ko na.   But upon realizing the cause of our breakup, muling umusbong ang pag-asa sa aking puso. Iniwan niya ako hindi dahil sa hindi niya ako mahal, bagkus, ay dahil sa mahina ako para tumbasan ang katauhan niya bilang anak ng isa sa pinkamakapangyarihang mafia. I should start eliminating the side of me that is not appropriate for him -my weakness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD