(Chapter 22)
Ang maangas na mukha ni Cindy ay nawalan ng tapang. Nang marinig niya ang sinabi ni Beth ay para bang may kung anong pag asa ang namuo sa puso niya.
"Sumagot ka, Beth! Nasan ang anak ko? Totoo bang buhay pa siya?" Tanong ulit niya kay Beth.
"Basta! Oo buhay siya. Kaya kung ayaw mong itago ko pa lalo ang anak mo ay itigil mo na ang lahat ng ito!"
"Hindi! Hindi ako naniniwala! Sinasabi mo lang yan, para makatakas kayo!" Sigaw ni Cindy.
"Cinderella, itigil mo na ito parang awa mo na!" Pagmamakaawa ni Rose.
"Wow! Cinderella talaga? Naalala nyo pa yang bansag nyo saakin noon ah!? Sa itsuta kong ito, muka paba akong Cinderella ah?" Galit na wika ni Cindy.
Lumapit si Rose sa babaeng inaagnas.
"Pinagsisisihan na namin ang ginawa namin, Cindy. Sige, pakawalan mo na ang anak ko. Para matigil ka, ako nalang ang patayin mo!" Matapang na saad ni Rose.
"Sigurado ka?" Tanong ni Cindy na may ngiti sa kanyang labi.
"Rose, hindi mo kailangang gawin yan!" Pampipigil ni Beth.
"Mommy halika dito. H'wag kang makialam diyan!" Aya ni Neth sa ina niya at saka niya hinatak ito.
"Mag desisyon kana, Rose. Malapit na ang oras ng anak mo! Ala una na ng gabi. 23 minutes nalang nalalabi at mamamatay na ang anak mo..." nakangiting wika ni Cindy at winawagay-way pa nito ang kuko sa leeg niya na mismo ay katawan talaga ni Marie.
Tumingin sa likuran si Rose kung saan nandun ang mga dating kaklase. Tinignan niya ang mga ito ng may halong ngiti. Ngiti na tila ba'y nagbabandya na siya'y magpapaalam na. Matapos nun ay humarap na siya sa nakakatakot na itsura ni Cindy."Okay na. Nakapagdesisyon na ako. Pakawalan mo na ang anak ko at ako nalang ang patayin mo."
"H'wag Rose!" Sigaw ng kapatid niyang si Anne.
"Madali akong kausap, Rose. Masusunod ang hiling mo." Sambit ni Cindy. Winagayway ni Cindy ang kanyang isang kamay at sa isang iglap ay lumutang si Rose. Napapasigaw nalang ang lahat ng tao sa loob ng bahay sa nangyayari kay Rose.
Mayamaya pa'y may lumitaw na naman na itim na butas sa gilid ng dingding ng bahay ni Rose. Humangin na naman ng pagkalakas-lakas sa loob. Lahat sila nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa itim na butas.
Unti-unting hinihigop ang katawan ni Rose ng itim na butas. Sigaw lang ng sigaw ang mga dati niyang kaklase. Pero bigo sila dahil tuluyan nang nilamon ng itim na butas si Rose.
"Jusko! Ang kapatid ko!" Nagsisigaw na sabi ni Anne. Hindi niya kayang mawala ang nag iisa nalang niyang kapatid.
"Natatakot na ako! Ayoko na dito!" Wika ni Neth habang ang higpit higpit na pagkakayap niya sa kanyang ina.
"Napaka-mapagmahal na ina ni Rose. Biruin mo binuwis ang buhay para lang sa anak. Tsk! Tanga talaga!"
"Teka, pakawalan mo na ang anak ni Rose. Pinatay mo na siya kaya sumunod ka sa usapan!" Sigaw ni Lyndrez.
Ngumiti ng matalim si Cindy. "Kala nyo ba ay ganun ganun nalang ako. Kala nyo ba'y mapipigilan nyo pa ako? Hindi na ako tanga gaya noon. Nagbago na ako! Kahit ilan pa kayong magbuwis na buhay para kay Marie ay wala na makakapigil sa kamatayan niya. Hahahaha!"
"Walangya ka talaga!" Sigaw ni Lanie.
"Mas walangya kayooo!" Nanggigil na sigaw ni Cindy.
"Ikaw ang mas dimonyo! Sa itsura mo ngayon, nababagay lang sayo ang pagiging dimonyo! Tama lang na pinatay ka namin noon. May sa demonyo ka lang talaga at nakaligtas kapang hayop ka!" Sigaw ni Sharmaine.
"Kahit noon at kahit ngayon ay ganyan ka parin, Sharmaine. Masyado ka paring matapang hanggang ngayon! Nakakagigil ka! Ang sarap mong ibaon sa lupa ng buhay!"
"Kala mo ba natatakot ako sayo! Pinatay mo na ang anak ko kaya wala nang saysay pa ang buhay ko dito sa mundo. Siya nalang ang nagpapasaya at nagbibigay sigla saakin. Kung pinatay mo na siya dapat pinatay mo narin ako. Alam mo Cindy, dapat pala noon mano mano na kitang sinaksak sa leeg para hindi kana nakaligtas sa pagmakatay mo! Nakakagigil ka talaga...noon man magpahanggang ngayon ay nakakairita ka talagang babae ka! Bwisit ka talaga sa buhay namin."
"Tapang talaga! Kasi naman ang Bobo nyo kasi. Papatay lang kayo ng tao, hindi nyo pa sinagad!" Asar na wika ni Cindy.
"Sa lahat ng mangkukulam, ikaw ang nakakagigil!" Sa sobrang gigil ng ate Anne, na kapatid ni Rose ay napilitan siyang humawak ng flowers vase at saka niya hinagis sa mukha ni Cindy. Bago pa man matamaan si Cindy ay binalik na niya agad ang anyo niya sa katawan ni Marie.
Sa huli ay nagulat sila ng ang tinaman ni Anne, ay si Marie. Ang nakalutang niyang katawan ay biglang nalaglag sa sahig.
Napatingin si Lanie sa orasan. "My god! 1:23 na ng gabi."
Nilapitan nila si Marie. Duguan ito at basag ang bungo. Nagulat lang si Anne. Hindi niya inaakalang ang pamangkin niya ang kanyang tinamaan.
"Jusko! Napatay ko ba ang pamangkin ko?" Natatakot na tanong ni Anne.
Hinawakan ni Lanie ang puso at pulso ni Marie, ngunit wala na. Hindi na ito tumitibok at hindi narin siya humihinga.
"Kinalulungkot kong sabihing, wala na siya. Patay na si Marie..." malungkot na wika ni Lanie.
"Marie! Pamangkin ko! Kasalan ko ito..." Sigaw ni Anne at saka nag iiyak. Lahat sila ay napaiyak narin.
"Ate Anne, wala kang kasalanan. Ginawan mo lang yun dahil kay Cindy ka galit. Si Cindy talaga ang dapat na tinamaan. Si Cindy ang dapat sisihin. Siya ang pumatay kay Marie."wika ni Liezel saka tinapik tapik ang likod ni Anne.
"Teka, Nasan na siya? Nasan na si Cinderella?" Tanong ni Carmelita.
Lahat sila lumingap-lingap sa buong paligid, ngunit ni anino ni Cindy ay wala na silang nakita.
"Dapat na tayong umalis dito..." biglang sabi ni Sharmaine.
"Tumawag na muna kayo ng puneralya. Sige, mauna na kayo Sharmaine at tutulungan pa namin si Ate Anne. Kailangan niya ng makakatulong sa pag aayos sa burol ni Marie." Wika ni Lanie.
"Ang kapatid ko? Nasan si Rose. Saan siya dinala ng dimonyong 'yun?" Nag iiyak na tanong ni Anne. Walang sumagot sa kanila dahil walang may alam kung saan nga ba dinala ni Cindy si Rose kasama narin ang matandang babae ng nilamon din nang itim na butas.
"Hindi ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko ngayong gabi. Daig pa ni Cindy ngayon ang isang dimonyo! Napakawalangya niya!" Wika ni Lyndrez.
"Si Neth. Kailangan mo siyang ingatan. Siya nalang ang natitira..."babala ni Lanie kay Beth.
"Yung sinasabi mong anak ni Cindy. Totoo bang buhay pa siya?" Biglang tanong ni Carmelita kay Beth.
"Saka ko na ikukuwento sainyo. Mag pahinga na muna tayo. Masyado na akong napagod sa mga nangyari ngayong gabi," sagot ni Beth.
"Parang...parang hindi ako makahinga!" Biglang wika ni Neth habang nakahawak ito sa kanyang dibdib.
"Beth, si Neth..." sambit ni Maricris sabay turo sa paanan ni Neth.
Nagulat nalang si Beth sa nakita niya sa paa ng kanyang anak. Doon ay tibuan na siya ng takot. Takot na si Neth na ang susunod kay Marie.
Sa sobrang takot ay nag sisigaw na si Beth.
"Hindiiiiiiiii!!!!"