(Chapter 6)
Pauwi na si Lanie galing sa lamay ni Maricar. Habang naglalakad siya ay nagulat si Lanie, ng kalabitin siya ng isang babaeng tinayaan niya sa jueteng, kaninang tanghali.
"Lanie! lanie! Tumama ka sa jueteng! 09, 40 ang lumabas!" Masayang sambit ng babaeng mang j-jueteng.
"Talaga!? Yes! Naku salamat naman! Nakakatuwang balita yan!" Sambit ni Lanie na tuwang tuwa. Naisip niya kaagad si Melanie. Yung lumabas na number sa paa nito.
"Swerte yung sapatos na sinukat ng anak ko. Yung number na lumabas sa paa niya ang tumama!"
"Ha? Anong sapatos?" Tanong nung babae.
"Wala! Oh ito ang isang daan. Balato ko na sayo yan!"
Maya-maya ay tatlong bumbero ang mabilis na dumaan habang nag aabutan sila ng pera.
"Naku mukang may sunog ata ah!" Sambit nung babaeng mang j-jueteng.
"Oo nga. Saan kaya yun?"
"Mukang malapit ata sainyo. Sige na ate lanie, mauuna na ako at gabi na."
"Sige sige, salamat ulit at pinanalo mo ako. Matutuwa nito ang mga anak ko."
"Nanay, Aalis lang po ako sandali." Sambit ni Caren habang nag aayos ng sarili.
"Saan naman ang punta mo ng ganitong gabi?"
"Ay oo nga pala. Hindi ko pa nga pala nasasabi sainyo na namatay na po yung classmate kong si Maricar. Pupunta po kami ng mga classmate ko ngayon sa kanila."
"Ano? Ang bata naman niya para mamatay! Ano naman ang kinamatay niya?"
"Ewan ko po. Ang sabi po ni Melanie, Wak-wak daw ang tiyan niya nung makita siya. Muka daw pong uminom ng maraming tubig, dahil nung makita nila sa banyo ay may subo-subo po daw si Maricar na host ng gripo, Kaya ayun sumabog po ang tiyan."
"Ay grabe! baka nagpakamatay! Nakakaawa naman yun. Teka ano ba apilido nung maricar nayun?"
"Maricar Navelgas po."
"Navelgas? Teka parang pamilyar yang apilido na yan. Maricris ba ang pangalan ng ina niya?"
"Opo! Kilala nyo po ang mama niya? Si tita Maricris?"
"Oo. Classmate ko siya. Saware ba'y anak ni Maricris ang namatay? Naku Teka, sasama ako sayo. Magbibihis lang ako. Mabuti nasabi mo saakin ang apilido niya. Kawawa naman si Classmate." Agad-agad na gumayak si Carmelita at sumama siya sa anak niya sa burol ni Maricar.
Habang papalapit si Lanie sa street ng bahay niya ay nakakatanaw na siya ng apoy at mga usok.
"Naku, mukang malapit ata saamin ang sunog!" Sambit niya habang todo tingin sa apoy sa may itaas. Nagmadali narin si Lanie dahil kinakabahan narin siya.
Habang tumatakbo si Lanie ay sinalubong nalang siya, bigla ng isa sa kapitbahay niya.
"Naku ate lanie, ang bahay nyo nasusunog! Saka ang anak mong si Melanie wala na. Kasama siyang sumabog sa Tangke ng kalan nyo."
"Ano?! Niloloko mo lang ako mercy. Wag mo akong biruin ng ganyan! hindi nakakatuwa!"
"Lanie, seryoso ako. Halika, nasa bahay namin si Rico, iyak ng iyak!"
"Mercy naman eh. Ayoko ng ganitong lokohan." Pilit na ayaw maniwala ni Lanie sa balitang natanggap niya. Tumulo narin ang luha niya sa kanyang mata habang tumatakbo.
Hanggang sa matanaw na niya sa di kaluyuan ang tupok at punong puno ng apoy na bahay niya.
Napatigil at napatulala nalang si Lanie ng makita niya ang bahay. Naupo siya sa kalsada at saka nag hihiyaw sa pangalan ni Melanie.
"MELANIE! ANAK KO!!!" Halos pagtinginan siya nga mga tao. May karamihan din sa mga kapitbahay niya ang dumamay sa kanya. Nilapitan siya ng mga ito at niyakap, habang ang iba nama'y himas-himas ang likod niya.
Nagulat si Maricris ng makita niya si Carmelita sa burol ng anak niya.
"C-carmelita?" Gulat na wika ni Maricris. Matagal tagal narin kasi silang hindi nagkita.
"Condolence, Maricris." Nagyakapan ang dalawa.
"Buti napapunta ka. Paano mo nalaman bahay ko?" Gulat na tanong ni Maricris.
"Dito sa anak ko. Nagpaalam kasi siya kanina na aalis siya ngayong gabi. Tinanong ko naman kung saan at Sinabi niyang sa patay. Laking gulat ko nalang ng sabihin niyang Maricar Navelgas ang sinabi niya. Naalala kita dahil navelgas ka diba. Ayun, lalo akong nagulat ng sabihin niyang Maricris ang pangalan ng nanay ng classmate niyang si Maricar. Kaya naman agad-agad akong gumayak at sumama dito sa anak ko."
"Hello po tita. Condolence po." Bati ni Caren.
"Ikaw Caren, Nanay po pala itong si Carmelita, hindi mo manlang nababanggit saakin. Tignan mong matalik kong kaibigan ito nung highschool pa kami." Wika ni Maricris.
"Oo nga. Naalala ko tuloy sina Lanie, Liezel, Sharmaine,Lyndrez, Beth at Rose. Kamusta na kaya sila?" Sambit ni Carmelita.
"Ay sayang, di pa kayo nag abot ni Lanie. Kakauwi lang niya." Wika ni maricris.
"Ay sandali, Maricris. Alam mo bang namatay na din ang anak ni Liezel?" Tanong ni Carmelita.
"Oo. Nakwento narin saakin ni Lanie."
"Eh Yung iba pa nating mga kaibigan nun. Nagpunta narin ba dito?" Tanong ulit ni Carmelita.
"Ikaw at si Lanie palang ang pumupunta. Saka ala narin kasi akong balita sa kanila eh."
Nakita ni Diana na nakangiti si Joan habang kumakain ito ng apple."Ang saya mo ata, ate joan?" Bulaslas ni Diana.
"Hahaha! Ang saya lang na madami ng nakakapag suot ng sapatos."
"Ano bang sapatos yun? Pwede bang pabili din ako?"
"Gusto mo ba?"
"Pag maganda, sige. Pero pag diko type, ayoko! hehehe!"
"Saka hindi rin pwede sayo yun. Tapos na ang papel ng sapatos sa pamilya nyo. Sa iba naman."
"Ha?" Naguguluhan na naman si Diana sa mga sinasabi ni Joan.
Nang madinig ni Rico ang ina niyang umiiyak ay agad itong lumabas sa bahay ng kapitbahay nila at agad niyang hinanap si Lanie. Nang makita niyang nakahandusay sa kalsada ang ina niya ay agad nadin niya itong niyakap.
"Wala na si Ate! Patay na si Ate Melanie!" Sambit ni Rico saka ito umiyak ng malakas.
"Ano bang nangyari, Rico?" Tanong ni Lanie sa anak niya habang pinupunasan nito ang luha ni Rico.
"Ewan ko po. Basta paglabas ko nalang kanina sa kwarto, may apoy napo sa kusina natin. Hindi na nakalabas si ate dahil may sakit siya at mahina. Hindi siya nakalabas dahil mabilis na gumapang sa buong bahay ang apoy. Awang-awa ako kay ate nung sumabog yung tangke ng kalan natin. Hindi ako makapaniwalang ala na si ate ko. Mahal na mahal ko ang ate Melanie ko." humagulgol na ng tuluyan si Rico. Pati ang mga kapitbahay nila ay nahawa na sa pag iyak ni Rico.
"Baka naman buhay pa siya. Tignan natin! Buhay pa ang anak ko. Buhay pa si Melanie." Pagmamamatigas ni Lanie at gusto pa nitong pumasok sa nasusunog na bahay.
"Delikado Lanie. May mga apoy pa at baka malaglagan ka pa ng kahoy sa ulo." Sambit ng isa sa kapitbahay niya.
"Papasok ako! Andyan ang anak ko. Buhay pa si Melanie!"
Ngayon, alam na ni Lanie kung ano ang pakiramdam ni Maricris ng makita niyang nakahiga na sa kabaong si Maricar. Ramdam nya na tila mababaliw din siya sa pagkawala ng anak niya.
Kinabukasan, Habang naglalakad si Caren sa Palengke. Isang babae ang biglang lumapit sa kanya.
"Ate, Baka gusto mo itong bilin. Murang-mura lang. Kapag sa Mall mo ito nabili, tiyak na lilibuhin ang magagastos mo. Tignan mo oh, ang ganda! Ang kinang! At bagay na bagay ito sa paa mo."
Nabighani naman si Caren sa sapatos na pagka-ganda-ganda. Sapatos na tila ngayon niya lang nakita.
"Ang Ganda nga! Magkano naman ito?" Tanong ni Caren.
"Isang Daan nalang para sayo!"
"Isang Daan? Ang mura ah! Teka, baka naman nakaw mo ito kaya binbenta mo saakin? Naku ayoko na! Baka ipahamak mo pa ako!"
"Hindi ah, Actually. Saakin talaga ito. Naglayas ako saamin. Sawa na ako sa buhay kong sunud-sunuran sa daddy ko. Gusto ko ng mamuhay mag isa. Kaya lang ala akong pera kaya napilitan na akong ibenta ito sayo. Sige na bilin mo. Need ko lang talaga ng pera."
"Sigurado ka? Sayo yan?" Paninigurado ni Caren.
"Oo nga. Akin nga ito. Pls ate bilin mo na."
"O, Sige na nga. Ito na ang 300 pesos. Sayo na yan. Dinagdagan ko na at ang ganda at mukang mamahalin talaga yung sapatos." Inabot na niya ang pera sa babae at inabot narin sa kanya ang sapatos.
Tuwang-tuwa si Caren sa sapatos na nabili niya sa murang Halaga.
Sapatos na ngayon lang niya nakita.
Sapatos na hindi niya alam na may dalang makakapahamak sa kanya.