(Chapter 4)
Malaking palaisipan ang nangyari kay Maricar. Halos hindi makapaniwala si Maricris na nakahiga na ngayon sa kabaong ang anak niya. Halos maga narin ang mata nito sa kakaiyak. Hindi muna siya iniwan ni Lanie dahil mukang sa tingin niya ay kailangan ng karamay ni Maricris ngayon.
Sa ngayon, pilit na pinapatahan ni Lanie si Maricris. Hanggang ngayon iyak parin ito ng iyak habang pinagmamasdan niya ang anak sa kabaong.
"Maricris, tinawagan mo na ba ang asawa mo at mga kamag anak mo?" Tanong ni Lanie.
"Hindi pa. Hindi ko magawang mag isip ng tama ngayon. Wala akong maisip kundi ang anak ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit siya nag ka ganun. Bakit siya namatay? Bakit ganun nalang ang nangyari?" Sa tingin ni Lanie ay mukang bibigay si Maricris. Tila ba masisiraan ito ng bait sa hindi matanggap na nagyari sa anak niya.
"Maricris, kailangan mong tanggapin na wala na ang anak mo. Wag kang ganyan dahil baka kung ano pang mangyari sayo. Dapat tawagan mo na ang mga kamag-anak mo, para may karamay ka. Lalo na ang asawa mo. Magagalit yun kapag pinatagal mo pang hindi sabihin sa kanya na patay na ang anak nyo."
"Isa pa yan sa iniisip ko. May sakit sa puso ang asawa ko. Tiyak ko na dadamdamin din niya ang pagkamatay ng anak namin kapag nalaman na niyang patay na ang anak namin. Lanie, bakit nangyari ito saamin? Bakit naging ganito?" Nagtuloy na naman sa pag iyak si Maricris.
"Anong ginagawa mo?" Nagulat si Joan ng pumasok bigla si Diana sa kwarto niya. Hindi manlang nilingon ni Joan si Diana. Nakayuko lang ito sa lamesa habang nagsusulat.
"Hoy ano ka kong ginagawa mo? Bakit ba simula ng mamatay si Ate Acelle, naging ganyan kana?" Lumapit na siya kay Joan at nakita niyang nagsusulat ito ng mga pangalan.
"Wag mo akong istorbohin. May mahalaga akong iniisip. Lumabas ka na!" Sinigawan lang siya ni Joan.
"Sino ba yang mga pangalan na sinusulat mo?" Nagtanong parin si Diana kahit pinapaalis na siya nito sa kwarto niya.
"Ito yung mga magsusukat ng sapatos."
"Sapatos? Anong sapatos yan Joan? Nagtitinda ka na ba ngayon? May negosyo ka na ba?"
"Ang dami mong tanong. Umalis kana sabi dito. Istorbo ka!"
"Napaka sobra mo na talaga ngayon, Joan! Bakit kaba nagkaganyan? Bakit ba tila ibang tao kana ngayon."
Nilingon na siya ni Joan at laking gulat ni Diana ng pandilatan siya ng mata nito.
Napaatras naman bigla si Diana ng makita niyang ganun na ang mukha ni Joan. Bigla ba siyang natakot sa binigay na tingin ni Joan.
"Bakit tulala ka ate Melanie?" Tanong ng bunso niyang kapatid.
"Wala! Bakit mo natanong?"
"Eh kasi kanina ka pa nakatitig diyan sa pagkain mo eh. Ayaw mo bang kumain? May sakit ka ba?"
"Wala akong sakit. May iniisip lang ako. Kumain ka na nga lang ng kumain diyan. Ang daldal mo!"
Maya-maya pa ay dumating na si Lanie.
"Oh, ngayon lang kayo kumakain? Gabi na ah!" Bungad na sambit ni Lanie pag pasok niya sa loob ng bahay.
"Eh kasi po si Ate Melanie, ang tagal bago igisa ang saridinas. Tulala po siya simula kanina. Siguro nag away sila ng boyfriend niya kaya ganyan siya. hahaha!'
"Tumigil ka nga diyan, Rico! Mamaya pa, sasampalin na kita." Binaling nalang ni Melanie ang tingin kay Lanie.
"Oh Mama, Kwento nyo na po yung nangyari sa anak ng classmate nyo."
"Ubusin nyo muna ang kinakain nyo. Medyo nakakadiri kasi ang nangyari dun. Sige na at magpapalit muna ako ng damit."
"Anong ibig nyong sabihin?" Pagtatanong ni Melanie.
"Basta. Ubusin nyo muna kinakain nyo." Sambit pa ni Lanie at pumasok na ito sa loob ng kwarto niya.
"Ano bayun ate?"
"Wala! ayan ka na naman. Daldal mo talaga!"
Pagkatapos kumain ng magkapatid ay nag kwento na si Lanie sa mga anak niya.
"Start na po." Sambit ni Melanie.
"Gumala kasi ako sa Classmate kong si Maricris. Classmate ko siya since highschool pa. Pumunta ako sa bahay nila kanina. Pag pasok ko dun, nagkwentuhan muna kami. Kaya lang napaisip si Maricris na ang tagal ng anak niya sa banyo. Sinabi din saakin ni Maricris na kakaiba ang mga nangyayari ngayon sa anak niya. Pinuntahan naman niya agad ang anak niya sa banyo nila para kamustahin yun. Kaya lang hindi ito sumasagot sa kanya kaya naisipan na ni Maricris na kunin ang susi. Tinanong ko siya kung ano nang nangyayari kaya lang, iba na yung mukha niya. Tila ba hindi na maganda nag nangyayari at hindi niya ako pinansin. tuloy-tuloy lang siya sa banyo. Sinundan ko narin siya dahil baka kako kung ano na talaga ang nangyayari. Nung mabuksan na niya ang pinto. Halos masuka ako sa nakita namin. Patay na yung anak niya. Wakwak ang tiyan nito at punong puno ng dugo ang banyo. Saka isa pa, may nakasaluksok ng host ng gripo sa bunganga nito."
"Ay grabe naman! Nagpakamatay po ba siya?" Tanong ni Melanie.
"Hindi nga namin malaman ni Maricris. Malaking palaisipan saamin kung ano ang nangyari sa anak niya."
"Hindi kaya may aswang sa kanila kaya wak-wak ang tiyan niya?" Sambit ni Rico.
"Wala anak. Kaya ganun nangyari sa tiyan niya. Uminom siya ng maraming tubig. Maraming tubig ang pumasok sa tiyan niya kaya sumabog yun, kaya na wak-wak ang tiyan. Para bang lobo na pumutok."
"Nakakatakot naman!" Nakangiwing sambit ni Melanie.
"Ito ang kinakilabot ko sa kinuwento saakin ni Maricris kanina. Sabi niya, bago mamatay ang anak niya. May nakita daw itong duguang at sunog na babae na nakahiga sa kwarto na anak niya. Nung una hindi daw siya naniniwala dahil baka namamalik mata lang ang anak niya. Ang saakin, Posibleng yun nagpakita sa kanya ang sundo niya. Yun ang na isip ko. Kasi ako, naniniwala ako sa mga sundo."
Kinabukasan, Maagang nagising si Melanie. 6:30 yun. Lalabas na siya ng pinto para bumili ng pandisal, Kaya lang nagulat nalang siya bigla ng makakita siya ng isang kahon sa tapat ng pintuan nila.
Agad niyang pinulit yun at tinignan ang laman. Halos manlaki ang mata ni Melanie ng makitang niya ang isang napakagandang sapatos.
"Omg! Kanino ito? Ang gandaaaaa!" Masayang masaya si Melanie sa napakagandang sapatos na tumumbad sa kanya ngayon umaga.
"Kaya magandang gumising ng maaga eh, May biyaya agad na natatanggap. Sino kaya nagpadala nito dito?"
Agad na nilapag sa baba ni melanie ang sapatos. Kapwa niya itong sinukat at manghang-mangha siya, na pakat na pakat ito sa paa niya.
"Ang galing! Para saakin talaga itong sapatos at kasyang kasya. Ang ganda sa paa ko. Para akong princessa hahaha!"
Mayamaya, Biglang humangin ng malakas sa loob ng bahay nila Melanie. Sa sobrang lakas ng hangin ay napatumba sa sahig si Melanie. "Anong nangyayari? Bakiy ang lakas ng hangin!" Sigaw niya.
Kasabay ng pagbukas ng pinto ng kwarto ni Lanie, ay biglang nalawa ang malakas na hangin. "Anong nangyayari anak?" Bungad na sambit ni Lanie na papunga-pungay pa ang mata.
"Bigla pong humangin ng malakas eh. Buti nawala na. Nagulo tuloy yung mga gamit natin." Pagtayo ni Melanie mula sa pagkakatumba niya kanina ay Bigla nalang siyang napahawak sa bewang niya.
"Aray!" Biglang sumakit ang bewang ni Melanie. Kasabay nun ay bigla-bigla nalang siyang dumighay ng ilang beses. Tila ba pumasok sa loob ng katawan ni Melanie ang mga hangin na pumasok sa bahay nila kanina.
"Okay ka lang ba anak? Ano bang kinain mo ng ganitong kay aga-aga at nabusog ka? Saka kanino yang magandang sapatos na suot mo. Ano bang kalanturan yan at umagang umaga eh, kung ano-ano ang pinag gagagawa mo?"
"Mama, Bakit tila bigla akong nanghina. I-upo nyo nga po ako. Hindi ako makagalaw. Nanlalata ako." Sambit ni Melanie habang nakahawak ito sa bewang niya.
"Bakit? May sakit kaba?" Sambit ni Lanie at agad naman nyang inakay ang anak niya at inupo sa silya. Hinubad narin ni Melanie ang sapatos. Nagulat lang si lanie sa sugat na lumabas sa dalawang paa ng anak niya.
"Ano yan anak? Bakit may sugat ka sa paa mo at mukang number pa ang nakaukit diyan? Nag pa tattoo kaba?" Tanong ni Lanie sa anak niya.
"Ha? Anong sugat?" Napatingin naman si Melanie sa paa niya. Nagulat na din siya ng makita niyang may sugat nga ang mga paa niya. "Ano ito? Saan galing ito?" Gulat na tanong ni Melanie.
"Hindi ba yan tattto? Baka naman diyan galing sa sapatos na sinukat mo? Nakapag tataka lang na may number 09 sa isa at 40 naman sa kabila. Matayaan nga sa jueteng at baka manalo ako."
"Kakaiba namang sapatos yan. Itapon nyo na nga po! Ano bayan, sinugatan pa ang paa ko! Sino ba kasing siraulong tao ang nagpadala niyan dito sa bahay? Gago siya pag nalaman ko kung sino siya, babambuhin ko siya sa ulo!"
Papasok na sa trabaho si Liezel ng makasalubong niya sa labas si Joan. Nagulat siya na ang aga-aga nitong gumising, na dati nama'y 10:30 pa ang kadalasang gising nito.
"Bakit naman ang aga mong nagliliwaliw?" Sambit ni Liezel kay joan na nakapamewang.
"May regalo lang po akong pinadala sa isang kaibigan." Sambit nito.
"Regalo? Bakit ang aga naman?"
"Wag nyo nang problemahin yun. Pumasok na po kayo at baka ma-late pa kayo." Pumasok na sa loob si joan at iniwan na niya sa labas si liezel.
"Baliw na talaga! Tsk!" Napapailing nalang si Liezel.
"Ineng, ineng, Gusto mo bang hulaan kita?" Nagulat si Caren ng harangin siya ng isang matanda sa quiapo.
"Wag na po. Hindi naman po ako naniniwala sa mga hula." Sagot niya sa matanda.
"Gusto mo sampulan kita, para maniwala ka."
"Paanong sasampulan?"
"Alam kong Tejo ang apilido mo." Nagulat si Caren na nahulaan nga ng matanda ang apilido niya.
"Ang galing ah!" Namangha si Caren.
"May kakaiba kasi akong awra na nasagip sayo ineng. Akin na ang kamay mo." Iniabot narin ni Caren ang kamay sa matanda.
Nanghawakan ng matanda ang kamay ni Caren ay napabitiw ito bigla sa kanya.
"Sinasabi ko na nga ba eh. Ineng, mag iingat ka sa mga Nagtitinda na makakahalubilo mo. Isang kakaibang bagay ang magpapahamak sayo. Mag-iingat ka. " Umalis nalang bigla ang matanda pagkatapos sabihin yun kay caren.
Nagtaka na lang si Caren sa sinabi ng matanda. Tila tinubuan din siya ng kaba sa nakita niyang reaksyon ng matanda kanina ng bitawan ang kamay niya.
Habang papaalis siya. Nakatingin parin sa kanya ang matandang nanghula sa kanya. Tingin na para bang binabalaan siya.