Chapter 20

4804 Words
Chapter 20 LIGAYA'S POV Tumingin na lang ako sa kalangitan at mariin na lamang akong napa-pikit ng mata na malanghap ang sariwang hangin. Kay ganda ng hapon na iyon para sa akin dahil pag sapit pa lang ng bandang alas kwartro ng hapon napa ubos ko na rin ang mga paninda kong mga bibingka at ilan sa mga kakanin. Tinali ko na lamang ang mahaba kong buhok gamit ang panali at niligpit ko na ang mga kakailanganin ko para sa ganun maka uwi na ako kaagad. Tinaas ko nang bahagya ang laylayan ng mahaba kong palda na suot at akmang kukunin na sana ang basket na agad akong natigilan na may kumuha sa kamay ko no'n na mabilis. "Sandali lang kas----" hindi ko na natapos ng sasabihin ko na kina-lingon na lamang kong sino ang kumuha no’n. Namilog na lamang ang mata ko na makita si Dakila na hawak-hawak na ang basket na kukunin ko sana. “Dakila.” Tawag ko sa kanyang pangalan. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko pa dahil ako lang ang mag-isang mag lako sa bayan. “Sinusundo ka.” Napa-awang na lamang ang labi ko sa sinabi niya. Ha? Ano? Sinundo? Bakit? Iniwan ko kanina si Dakila sa balay dahil ayaw ko rin mag pasama sakanya. Hindi ko lubusang akalain na pupunta siya dito sa bayan para sunduin lamang ako. “Hapon na kasi at wala ka pa balay natin kaya’t naisipan ko na lang na sunduin ka rito.” Masungit na mukha pa rin nito pero hindi ko maintindihan kong bakit napa ngiti na lang ako sa kanyang sinabi. “Mahirap na rin at baka gabihin ka at wala ka pa naman na kasama.” Sandali, aalala ka ba sa akin? Kahit matabang at paminsan walang pinapakita na emosyon si Dakila, nararamdaman kong nag aalala siya sa akin. “Tapos kana ba, sa pag titinda mo?” “Oo, napa ubos ko na kaagad ang mga paninda ko.” Tumango-tango lamang si Dakila sa sinabi ko. “Sabay na tayong umuwi.” “Dadaan muna ako doon, at bibili ng ulam natin para mamaya.” Akmang kukunin na sana ang basket kay Dakila para ako na ang mag dala no’n na kumunot-noo na lamang ang noo ko na nilayo niya iyon sa akin na ayaw ibigay. “Ako na ang hahawak niyan, Dakila.” Presinta ko na kukunin muli subalit nilayo na naman. “Dakila kas——“ “Ako na.” Pag puputol na lamang ng sasabihin ko at isang titig niya lamang sa akin ng seryoso kaagad umatras ang dila ko. Hindi ko maipaliwanag kong bakit, sa simpleng seryoso niyang titig sa akin, kaya niya akong patigilin. May aura siyang kakaiba na nakaka-takot na dapat huwag kanang umanggal pa kapag may ginusto siya. Ang kanyang mata’y naman sobrang dilim at lamig no’n na puno ng mysteryo sa akin. May ganun na aura si Dakila, pero mabait naman siya. “Ako na ang mag bibitbit nito, at napagod kana sa pag lalako mo.” Dugtong pa nitong muli. “Saan tayo, pupunta para bumili ng pang ulam natin? Doon ba?” May tinuro si Dakila sa kabilang parte na may nag titinda doon at bago pa ako maka sagot, nauna na siyang mag lakad at naiwan na lang akong naka tayo. “Sandali lang, Dakila.” Habol ko na lamang na tawag sakanya na sinundan ko na siya. Mag kasama na kami ni Dakila na bumili ng mga kailanganin namin na ulam para mamaya at binili na namin lahat para mamaya, wala na kaming maka-limutan pa. Hindi naman kami tumagal masyado sa bayan at pag katapos mamili, tinahak namin mag kasama ni Dakila pauwi sa aming balay. Hapon na no’n kaya’t mababa na rin ang araw na hindi na nakaka paso sa balat ang sinag ng araw sabayan pa ng masarap na simo’y ng hangin. May nakaka salubong kami sa daan na mga batang masayang nag lalaro at ilan naman doon ang ilan na mga kabaryo namin na nag lalakad. “Magandang hapon, Ligaya..” “Magandang hapon, Ligaya at Dakila.” “Magandang hapon, Dakila.” Iilan lamang iyan sa mga pag bati na maka salubong namin at masaya na rin akong natatanggap at kilala na rin nila si Dakila sa Nayom namin. Ngumiti kami pareho ni Dakil sakanila at sumusukli rin na pag bati sa mga taong nakaka-salubong namin sa daan. “Huwag mo nang ulitin ang ginawa mo kanina, Dakila.” “Ang alin?” Seryosong wika na naka pako ang mata nito sa daan. “Ang pag sunod sa akin sa bayan.” Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko kaya’t lumingon siya sa akin. “Bakit?” “Baka mawala o kaya naman maligaw.” Dugtong ko na lamang, nababahala ako na baka mawala siya. Hindi pa rin niya kabisado ang Nayon namin at natatakot rin ako na bigla na lang siya mapadpad kong saan at kong ano pa ang mangyari sakanya. Paunti-unti ko naman sinasama si Dakila sa bayan o kaya naman kong saan ako mag punta para sa ganun makabisado niya ang lugar, subalit may ilan pa rin na lugar sa Nayon namin ang delikado at hindi niya pa gaanong napupuntahan. “Malayo-layo at kung minsan paiba-iba ako ng pwesto sa aking pag titinda kaya’t huwag kanang sumunod sa susunod ha, Hintayin mo na lang ako sa bala—-“ “Hindi naman ako nawala kanina, diba? Nasundan pa nga kita.” Dugtong na wika. “Maliit ang Nayon na ito at imposible naman na hindi kita mahanap kung aking nanaisin.” “P-Pero kasi Dakil——“ natigilan ako na hawakan ni Dakila ang kamay ko kaya’t ako napa titig sa kamay naming mag kahawak. Naramdaman ko ang init no’n na mag pagaan sa aking nararamdaman. “Anong ginagawa mo, Dakila?” “Ginagaya ko lang sila.” Sabay lingon ni Dakila sa harapan namin na kina-sunod ko naman ng tingin. Diba sila Aling Beba at Mang Jeff iyon?” Tukoy na lamang ni Dakila sa matandang mag asawa na mag kahawak kamay na malampasan namin. Umawang na lamang ang labi ko at labis akong nagulat nang husto sa sinabi niya. Natandaan niya ang mag-asawa na iyon? Paano? Isang beses ko lang pinakilala kay Dakila ang aming mga ka-Nayon sa simpleng pag turo sakanila subalit hindi pa niya pa iyon nalalapitan at nakaka-usap ng personal. Kasama na rin si Aling Beba at Mang Jeffrey sa pinakilala ko kay Dakila, na sa rami ng tinuro ko sakanya natandaan niya iyon kahit matagal ko iyon pinakilala sakanya. Takang-taka talaga ako nang husto na ang talas ng kanyang memorya na maalala na lamang ang mag asawa na matanda na maka salubong namin. “Kwinento mo sa akin na matagal na silang mag asawa kaya wala naman atang masama na hahawakan ko ang kamay ng asawa ko.” Tugon na lamang na wika ni Dakila na nag katitigan kaming dalawa sa mata, na may ibang ningning na gumuhit doon. Pinamulahan na lamang ako ng pisngi sa sinabi ni Dakila, hindi ko maipaliwanag kong bakit nag karerahan na naman muli ng malakas ang kalabog ng aking dibdib na ngayo’y naka titig sa guwapo niyang mukha. Mas naging maangas pa ang kanyang dating sa paningin ko. Mariin na hinawakan na lamang ni Dakila ang kamay ko at nag lakad kaming mag kahawak kamay, at may namumuong kilig at ngiti sa aking labi. DOLORES POV Pinag dikit ko na lamang ang aking palad na patuloy na nag lalakad. Nilingon ko na lamang sa kaliwa't-kanan ko ang mga taga silbi sa amin, bahagyang binabati at niyuyuko ang kanilang mga ulo sa tuwing makaka salubong nila ako sa daan. Simula kaninang umaga, hindi ko maipaliwanag kong bakit kay gaan-gaan na lamang ang gising ko basta ang alam ko na lamang masaya ako ngayon. Sa aking pag lalakad, naka salubong ko ang katiwala kong tauhan na si Bughaw. Mariin na lamang siyang napa tigil sa harapan ko, niyuko ang kanyang ulo para may ibalita sa akin. "Handa na po ang lahat Binibining Dolores, gaya nang iyong pinag uutos. Kasalukuyan na nag hihintay ang mga panauhin sainyo sa hapag-kainan," napa-ngiti na lamang ako sa binalita sa akin ni Bughaw. Tamang-tama. Handa na pala ang lahat! Ito na ang aking pinaka-hihintay! "Maraming salamat Bughaw," niyuko muli ni Bughaw muli ang kanyang ulo at piniling pomosisyon sa gilid ko para bigyan ako ng daan. Pinag patuloy ko na lamang ang aking pag lalakad at ilang sandali lamang ramdam ko na ang pag sunod niya sa akin. Tinahak ko na lamang ang daan para papunta sa hapag-kainan at ilang sandali lamang naka rating na ako doon. Naabutan ko na lamang ang ilang ang mga Binibining matiwasay na nag hihintay sa akin sa hapag-kainan at naka patong sa lamesa ang ilang mga pag kain na aking pinahanda sa araw na ito. Umayos na lamang ako ng tindig, taas-noo na lamang na tinitinggala ng mga naroon na nag hihintay. Sa aking presinsiya na pag dating kaagad ko naman naagaw ang atensyon ng mga Binibining naroon kaya't sila napa-hinto sa kanilang ginagawa. Napa-hinto sila sa pag uusap-usap at sabay-sabay na kumilos na tumayo sa kanilang pag kakaupo sa sahig. Hile-hilera pang naka posisyon ang mga Binibini, na niyuko ang kanilang mga ulo para mag bigay pugay sa akin. "Magandang hapon Binibining Dolores," magalang at sabay-sabay pa na pag bati nito, na pinakita ang matamis na ngiti tanda lamang na pag respito sa akin. "Magandang hapon rin sainyo," bati ko naman pabalik. "Ako'y natutuwa dahil pinaunlakan niyo ang aking imbetasyon na pumaroon dito sa aming balay para mag kausap-usap. Kahit may kanya-kanya kayong pinag kakaabalahan, pinili niyo pa rin ang pumunta at mag pakita sa akin na labis naman na nakaka-taba ng puso," nag pasalin-salin naman ang mata kong inobserbahan at tinignan ang mga ito, na hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi ko. Kakabalik ko lamang sa aming Nayon kagabi kaya ako nasasabik talaga nang husto na maka sama ang ilan sa mga malalapit kong mga kaibigan. Nakiusap rin ako sa aking Ama na gusto ko ng munting pag titipon na magaganap sa aming balay, na sinang-ayunan naman ng aking Ama ang aking hiling kaya't heto mag kakasama kami. Inimbitahan ko lamang ang mga malalapit sa akin na mga Binibini at ilan roon ang matatalik kong mga kaibigan. Nakaka tuwa lamang pag masdan dahil pumunta ang mga ito sa aking imbitasyon. "Maupo na kayo," pasunod ko na lamang na naupo na sila sa kani-kanilang mga pwesto. Nag lakad na ako at piniling maupo sa pinaka gitna sa hapag kainan, na sa ganung posisyon malaya kong mapag mamasdan ang mga Binibini sa kaliwa't-kanan ko. Labing-isa kami naroon sa hapag-kainan. Limang binibini sa kaliwa ko at ganun rin sa kanan. Naka upo naman ako sa pinaka-gitna na pwesto Pinakita ko na lamang ang matamis na ngiti sa aking labi, na pinasadahan na lamang ang mga Binibini na naron at tuwang-tuwa ako nang husto na pinapanuod ko silang lahat na may ngiti sa kanilang mga labi. Sa aking tahimik na lamang na pag masid kaagad naman akong napa-hinto na lamang na tumigil na lamang ang mata ko sa pinaka dulong pwesto sa harapan ko lamang. Bakante pa iyon at hindi pa dumadating ang isa sa mga kaibigan kong inaasahan kong dumating ngayon. Asan na siya? Hindi pa siya dumadating? Namuo na lamang ang galit at pag kadismasya sa dibdib ko ng sandaling iyon ba parang pag babastos sa akin ang hindi pag sipot sa aking imbitasyon. Sa isang iglap lamang naging seryoso at hindi na maipinta ang mukha ko, na hindi maalis sa pwesto na iyon. "Binibining Dolores, may problema ba?" pukaw na lamang ng matalik kong kaibigan na si Marikit kaya't ako natigilan. Nilingon ko na lamang siya sa tabi ko na naka tingin sa akin at napansin nito ang pananahimik ko lamang. Tumikhim na lamang ako at umayos ng pag kakaupo. Niliwakan ko na lamang ang matamis na ngiti sa aking labi para ipakita na walang problema kay Marikit kahit sa loob-loob ko meron naman talaga. Ayaw kong mapasama sa kanilang lahat. Ayaw kong isipin at itingin nila sa akin na masama ang ugali ko. Dapat maging mabait ako sa kanilang harapan at kontrolin ko ang aking emosyon na lamang para sa ganun magustuhan nila ako. Tama, ganun nga. "Wala naman Marikit, ako'y may napa-isip lamang," pinagandahan ko na lamang ang matamis na ngiti sa labi ko at napanatag naman ako na para bang pinaniwalaan niya naman ang sinabi ko. "Kain na kayo, nag pahanda ako ng masasarap na mga pag kain," wika ko na lamang na tumingin naman sa akin ang lahat. "Mag pakabusog kayo at tayo'y mag salo-salo na dahil mamaya ipapa-tikim ko sainyo ang special na aking ginawa para sa pang himagas," pasunod ko na lamang at ginandahan ko pa lalo ang matamis na ngiti sa labi ko na kina-tuwa naman ng lahat. Sabay-sabay na silang nag salo ng mga Binibini sa hapag-kainan. Nag karoon lamang ng tawanan at kwentuhan habang kumakain silang lahat. Tumagal pa ang pag uusap nila ng mahigit isang oras at nakaka-tuwa lamang dahil napa lapit pa ako nang mga husto sakanila at nakakilala rin ng mga bagong kaibigan ko. "Maraming salamat talaga Binibining Dolores, nabusog kami sa masasarap na iyong pinahanda," Limara. "Gusto ko lamang ikompirma sa'yo na binanggit sa akin kanina ni Marikit, na lahat daw ng mga pag kain na pinalabas mo kanina lahat luto mo iyon?" namilog na lamang ang mata ni Limara at may ningning ang kanyang mga mata na tumingin sa akin. Natigilan naman ang ilang Binibini sa tanong ni Limara at lumingon sila lahat sa akin. Bahagyang hinihintay nila kong ano ang sasabihin ko at nakita ko sa kanilang mga mata na nakuha ko na ang interes nila. "Oo, ako nga ang nag luto ng mga ito," wika ko na lamang na mamangha sila sa sinabi ko na nag shape O na lamang ang kanilang labi na para bang hindi sila makapaniwala. "Mabuti naman at nagustuhan niyo ang aking hinanda para sainyo," "Talaga, gawa mo talaga ito? Kaya naman pala napaka-sarap," Bernila, "Napaka sarap talaga Binibining Dolores, mas masarap pa ang iyong luto kaysa sa aking Ina," Corazon. "Nakakamangha ka talaga Binibining Dolores, hindi lang sa napaka bait na anak ka ng Datu sa Nayon natin kundi may busilak rin na puso at may talento rin sa pag luluto," Limaya. Sarap na sarap akong tignan at pakinggan ang bulong-bulongan at pag puri nila sa aking pinahanda na mga pag kain. Makikita ko sa kanilang mga mata ang saya at pag kamangha na ang isang anak ng Datu may kakaibang talento sa pag luluto, na nagustuhan talaga nila ang aking gawa. Isa rin naman sa mga hilig ko ang pag luluto. Bata pa lang ako pumupuslit na ako na pumunta sa aming kusina lamang para panuorin ang aming taga silbi kong paano nila ginagawa ang pag luluto. Namangha ako nang husto at nag karoon ng interesado sa pag luluto na gustong-gusto ko rin silang gayahin kaya't sa pag daan ng mga taon na lumipas, unti-unti ko na akong nag aaral sa simple lamang na niluluto ang aking ginagawa hanggang nakuha ko na talaga iyon. Sa una hindi sinuportahan ng aking Ama ang ginagawa ko, galit pa siya noon dahil bilang anak ng Datu at susunod sa kanyang yapak dapat hindi ako gumagawa ng mga ganung klaseng bagay, na dapat tuonin ko na lamang ang aking atensyon sa ibang mga bagay kagaya nang kong papaano mapag aaralan ang pamamahala sa aming Nayon. Nang matikman niya ang gawa ko, wala na akong narinig pa na kong ano sa aking Ama kundi nagulat na lang ako na sinuportahan niya ang gusto ko. "Hindi talaga nakakasawa ang mga luto mo Binibining Dolores, mukhang hahanap-hanapin ko neto ang mga luto ko," dugtong naman ni Dalisay, isa sa mga inimbitahan ko. "Tama si Dalisay," sinang-ayunan naman ni Diwa ang sinabi nito. "Napaka sarap ng mga luto mo, nakaka lungkot lamang at mukhang ito na ang huli na matitikman namin ang gawa mo," "Huwag kayong mag-aalala, hindi lang ito ang unang matitikman niyo ang aking mga luto dahil dadalasan ko pa ang ating pag titipon laman----" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na may suminggit na lamang na dumating kaya't ako napa hinto. "Magandang hapon Binibining Dolores, pasensiya at ako'y nahuli," pawisan na nag mamadali ang bagong dating na si Hiraya. Nawala na lamang ang matamis na ngiti sa aking labi na mag tagpo ang titig naming dalawa at ilang mga Binibini sa silid na iyon, napako na lamang ng tingin kay Hiraya. "Mukhang nahuli ka ata Hiraya, kakatapos lang naming kumain," malamig na wika ko na lamang na napa-lunok pa ito ng laway. Mariin ko siyang inobserbahan na bakas ang pamamawis sa parteng leeg na mukhang tinakbo niya pa para makaabot. Huh! Ano naman kaya ang ginawa niya kaya't siya nahuli? "Ipag paumanhin niyo na lamang ang aking huling pag dating at ako'y may inasikaso lamang, Binibini." Magalang na paumanhin na lamang nito na nanuya na lamang akong ngumisi. "Maupo kana, Hiraya at huwag mo na kaming pag hintayin pa kagaya ng huli mong pag dating ngayon," matabang ko na lamang na wika na mapa kurap naman ng mata si Hiraya, napansin ata nito na pag iba ng aking boses. "Sige, ipag paumanhin niyo," dali-dali naman na kumilos si Hiraya at makikita ko sakanyang mata ang takot at pamumutla na lamang ng matalim kong titig sakanya. Malilikot na ang mata nitong humahanap ng magandang pwesto na bakante, kong saan siya uupo. Tahimik lamang akong naka-upo at sinusundan siya ng tingin at pansin ko ang pagka taranta nito na mapansin ata ni Hiraya ang matatalim kong pag masid sakanya. Hanggang makita na lamang ni Hiraya ang bakanteng pwesto sa harapan ko at doon siya naupo. Tahimik lamang naupo si Hiraya, walang lakas nang loob na tumitig sa akin dahil kilala niya ang ugali ko. Ayaw na ayw ko talaga sa lahat ang pinag hihintay ako. Nawala naman ang atensyon namin lahat kay Hiraya kaya't ang mga Binibining kasama ko kanina nag patuloy sa kanilang pag-uusap na nakikinig naman ako sakanila. Kinuha ko na lamang ang baso, isisimsim ko na sanang inumin kaso naging matalas ang aking pandinig na marinig ang salita ni Juanita na kinakausap si Hiraya. "Ano ang iyong dala, Hiraya?" Juanita. Naningkit ang aking mata na tumigil na lumapat na lamang ang labi ko sa baso, na kina-lingon naman ang dalawa na ngayo'y may bitbit si Hiraya na katamtaman lamang naka balot, subalit hindi ko alam kong ano ang laman no'n. Hindi ko naman napansin na may dala-dala pala siya kanina. "Ito ba? Binili ko lang itong pag kain sa bayan," Hiraya na mahina lamang na tinig. "Bumili?" singgit ko na lamang sakanilang usapan kaya't napa dako naman ng tingin sa akin si Hiraya. Tumahimik sa pag uusap ang mga Binibini sa hapag-kainan sa aking pag salita na lamang. "Iyan ba ang dahilan mo kaya't nahuli ka sa iyong pag dating? Alam mo naman Hiraya na mag papahanda ako ng pag kain sainyong lahat ngayong araw tapos dadala ka pa talaga ng pag kain sa balay namin?" mahina lamang ang boses ko subalit may laman iyon, na matahimik naman ang lahat. "Hayaan mo na Dolores, huwag mong sayangin ang iyong magandang araw diyan kay Hiraya," Marikit. "Ano ba ang binili mo?" dugtong ko na lamang na wika na para bang nililitis si Hiraya sa paraan na mga tanong ko. Wala na, sinira niya na ang araw ko! "Bibingka," mahinang sagot na lamang ni Hiraya na mapa-ngisi na lamang ang ibang Binibini sa hapag kainan sa kanyang naging sagot. "Bibingka talaga, Hiraya?" Maarte na wika ni Marikit na minamaliit ang dala nito. Hindi naman special ang dala niyang pag kain. "Hindi naman iyan masarap, base pa lang sa lalagyan tignan mo, oh!" gatong pang pang mamaliit na lamang ni Marikit na pinasadahan ng tingin ang hawak ni Hiraya na naka balot sa dahon ng saging. "Tama si Marikit, Hiraya.. Iilan na mga pag kain na nilalako sa bayan hindi naman masasarap kaya't iyan na bibingka na binili mo kong kanino man iyan, panigurado hindi rin masarap!" Bernila na pangisi-ngisi pa. "Hahaha oo nga," Corazon, na nag tawanan na ang mga Binibini sa silid na iyon. Niyuko na lamang ni Hiraya ang kanyang ulo na tila ba'y nahihiya na pinangunahan namin ng tukso ang kanyang dala at hindi na lang siya kumibo pa. Nararapat lang iyan, sa'yo! "Hindi mo lang naabutan kanina Hiraya, si Binibining Dolores. Siya lang ang Binibining may angkin na talento sa pag luluto sa Nayon natin.. Napaka sarap ng kanyang mga gawa at wala nang tutulad pang may hihigit kung gaano kasasarap ang kanyang mga gawa," pag mamataas ni Limara sa aking gawa kaya't lumawak na lamang ang ngisi sa labi ko. Nabuhayan at lumakas ang loob ko sa sinabi niya kong paano masarap ang aking mga gawa na wala nang mas may hihigit pa na luto kong sino man. "Sang-ayun talaga ako kay Limara. Si Binibining Dolores lang ang pipiliin kong may masarap sa pag luluto," Corazon. "Amin na nga iyan," inagaw ni Dalisay ang bibingka na hawak ni Hiraya na pangisi-ngisi pa ang Binibini na hindi maalis ang tingin sa bibingka. "Tignan mo ang teksto at pag kakagawa, mukhang hindi talaga masarap. Haha." Dugtong naman muli nito. "Tigilan niyo na iyan mga Binibini," saway ko sa mga ito ngunit sarap na sarap naman akong pag masdan na pinag kakatuwaan nila ang kaawa-awang si Hiraya. "Huwag niyo nang tuksuhin pa si Hiraya at baka umiyak pa iyan," gatong ko na lamang sabay lingon naman kay Hiraya na may lungkot sa mata nito at hiyang-hiya na talaga nang husto sa kina-uupuan. Ngumisi lamang ako sakanya at ramdam ko ang presinsiya ni Bughaw na naka tayo lamang sa likuran ko. "Bughaw, paki dala na nga dito ang hinanda kong pang himagas para matikman nila," "Masusunod po," wika nito at sunod ko na lamang narinig ang yabag ng paa nito paalis. Pinag dikit ko ang aking palad na nilingon muli si Hiraya na ngayo'y pinag kakatuwaan na siya nang husto na mga Binibini na kasama ko. "Mahatulan nga natin kong masarap nga itong bibingka na dala mo," wika pa ni Dalisay na kumuha na lamang ng tinidor at binuksan ang biniling bibingka ni Hiraya. "Huwag na Dalisay, pasalubong ko sa aking Ina iyan na bibingka," Hiraya na mababa lamang na pakiusap para tigilan na ito subalit hindi pa rin tumigil si Dalisay at ginawa pa rin ang balak. "Huwag na kasi at wala nang iba niya----" huli na at tinusok na ni Dalisay ang tinidor doon at tinikman na ito ng dalaga. Bumagsak na lamang ang balikat ni Hiraya na hindi niya na buo na maidadala sakanila ang bibingka dahil tinikman na ito ng kanyang mga kasamahan. Lumawak na lamang ang ngisi sa labi sarap na sarap naman akong pag masdan ang mukha ngayon ni Dalisay na hindi na maipinta ang mukha nito matapos matikman ang bibingka. Hindi ko na kailangan pang mag tanong kong ano nga ba ang lasa ng pag kain dahil mababasa ko rin naman base lamang sa expression lamang ni Dalisay na mukhang hindi nga iyon masarap. Mas masarap pa rin naman ang gawa ko at wala nang tutulad pa doon. Iniling ko na lang ang aking ulo at kukunin sana ang kubyertos sa aking pinggan subalit ako'y natigilan nang mag salita si Dalisay. "Masarap siya," wika nitong tumango-tango pa kaya't natigilan rin ang mga Binibining nag kukutya at nag tatawanan kanina. Nag lalaro sa kanilang mga mata ang katanungan at pag tataka kong ano nga ba talaga ang lasa no'n. Kumunot na lamang ang aking noo na binalingan si Dalisay na ngayo'y hindi na maipinta ang mukha sa saya na hindi mo maintindihan na hindi maalis ang matamis na ngiti sa kanyang labi. "Ano?" tanong kong nag tataka. "Binibiro lamang kayo ni Dalisay, hindi masarap ang bibingka na iyan panigurado.” "Masarap ang bibingka, Binibining Dolores." pag uulit na lamang na salaysay ni Dalisay na umawang na lamang ang labi ko. "Tikman niyo, napaka sarap talaga," inalok ni Dalisay ang bibingka sa katabi nito hanggang nag pasalin-salin ang pag kain sa mga taong naroon na tinikman nila. "Patikim nga," Corazon. Sumandok si Corazon ng tamang portion lamang ng pag kain sabay tikim. Namilog ang kanilang mga mata matapos nila matikman iyon na labis ko naman pinag tataka dahil pinag kakaguluhan na nila lahat iyon. Anong nangyayari? Ganun na lang ba iyon kasarap para pag kaguluhan nila? Isa lamang iyan na simpleng bibingka! "Ganito lang ako naka tikim ng masarap at napaka lambot na bibingka na natutunaw mismo sa aking bibig," Belinda, na nahuhumaling na ito sa sarap lamang. Kalokohan! mas masarap pa ang gawa ko diyan! "Oo nga, napaka sarap." Juanita. "Ngayon lamang ako naka tikim na ganito kasarap, mukhang mahihigitan na nitong bibingka ang sarap na pag kakaluto ni Binibining Dolore-----" hindi na natapos ang sasabihin ni Marikit na siniko na lamang ito ng katabi na si Limara para matahimik. Kinagat na lamang ni Marikit na kinagat niya ang ibabang labi, sabay yuko na tila ba'y nahihiya na lamang. Bumigat na lamang aking dibdib at hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari. Hindi ko na lamang pinahalata sa kanilang lahat na nabubuo na ang galit sa dibdib ko na tumalim na lang ang mata ko na pinag kakaguluhan nila ang tanginang bibingka na iyan. "Kanino mo ito nabili para sa sunod maka bili rin ako," hirit na wika ni Benilda. "Oo nga, kanino mo Binili?" Corazon. "Sabihin mo sa amin kong kanino, para maka bili rin kami," Dalisay. "Kanino, Hiraya? Sabihin mo na sa amin," pinag kaguluhan ng tinanong mga Binibini si Hiraya para sabihin at alamin kong saan binili ang bibingka na sarap na sarap silang lahat. Kinamot na lamang ni Hiraya ang buhok, hindi siya komportable na pinag kakaguluhan ng mga Binibini lamang. "Ang totoo kasi niyan, binili ko ang bibingka na iyan kay Ligaya," unti-unti na lamang nag pawi ang matamis na ngiti sa aking labi na marinig ang pangalan ni Ligaya. Ano? Gawa niya iyan? Naging mabigat na lamang ang aking pag hingga at tumalim pa ang mata ko sa galit kong paano na lamang nabaling ang atensyon nilang lahat sa masarap na bibingka na gawa ni Ligaya. Hindi ko na matiis na pakinggan na mas nahigitan niya pa ang aking luto! Uyam ko na lamang pinagalaw ang panga ko sabay tayo sa aking kina-tatayuan na mahinto ang mga Binibini sa pag uusap. Pinakita ko na lamang ang matamis na ngiti ko sa kanilang lahat kahit sa loob sasabog na ang bigat ng dibdib kong kinikimkim lamang. "Sandali lamang at pupuntahan ko si Bughaw. Mukhang hindi niya nahanap ata ang pang himagas na ipapatikim ko sainyong lahat. Ipag paumanhin niyo at ako'y babalik din kaagad." Paalam ko na lamang sa kanilang lahat. Hindi ko na hinintay pa na makapag salita sila at hinakbang ko na ang paa ko palabas ng hapag kainan. Pag talikod ko sakanilang lahat napawi na lamang ang matamis na ngiti sa aking labi at napalitan iyon ng galit at talim ng aking titig. Naging mabigat na lamang ang aking pag lakad na tinatahak na lamang ang daan na kusa na tumatabi ang mga taga-silbi dahil ayaw lamang salubongin ang galit ko. Tama lang! Umiwas kayong lahat sa akin. Naka salubong ko na lamang sa daan si Bughaw, hawak nito ang pang himagas na gawa ko kanina na dapat ipapatikim sakanilang lahat. Huminto siya sa harapan ko at nanuya na lamang akong naka tingin na lamang sa hawak niya. Naalala ko na lamang ang mga pinag sasabi ng mga Binibini kanina na mag dagdag galit sa dibdib ko. "Ipag paumanhin niyo at ako'y natagalan, Binibini. Dala ko na po ang ginawa niyong pang himagas na bibingk----" hindi ko na pinatapos pa si Bughaw nang sasabihin nang inis ko na lamang na tinabig ang kanyang kamay kaya't maririnig mo na lang ang nakaka bingging tunog ng lalagyan na nahulog sa sahig at kasabay no'n tumilapon na bumagsak na lamang sa sahig ang nag kalat na gawa kong mga bibingka. Nabigla at hindi na lang umimik si Bughaw sa aking ginawa at nanatili siya sa kanyang posisyon na naka tayo sa harapan ko. Naging mabigat na ang pag hingga kong pinasadahan na lang ng tingin ang mga bibingka na hindi na mapapakinabangan pang kainin. Inis kong sinuklay ang aking buhok gamit ang aking palad para kontrolin lamang ang emosyon ko. Hindi ko matatanggap na nagustuhan nila ang lintik na gawa mo, Ligaya! Ayaw kong nasasapawan ako! Dapat ako lang! Hayop ka talaga Ligaya! Kahit dito, ikaw pa rin ang bida? Hindi ako makakapayag ng ganito! Kinuyom ko na lamang ng mariin ang aking kamao at gumuhit na lamang ang mainit na aura sa pag katao ko ng sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD