Kabanata 8

1539 Words
Phoebe POV "Nakakaloka ka talaga bes,Ibig mong sabihin harapan na pinahiya mo ang kabit ng Asawa mo." Makakabit naman itong si Lara,Umalis na ako sa opisina ni Kenjie dahil may biglaan itong meeting.Dumating ang isa sa ka business man nito,pinakilala muna ako nito dito bago ako nagpaalam. Ihahatid pa sana ako nito sa mismo trabaho ko,ngunit hindi na nito nagawa dahil nga sa biglaan na meeting nito.Talaga palang napaka busy ng Asawa ko pag nasa opisina. "Ewan ko sayo!Lara bahala ka nga d'yan." Nagtatampo wika ko kay Lara,tumawa naman ito ng tumawa.Maya maya pa naging seryoso na din ito. "Ahh,Bes pwede ba tayo magkita mamaya?" Sasagutin ko na sana ang tanong nito ng bigla may call waiting naman ako at si Boss Oliver ang tumatawag. "Bes,Pwede ba mamaya na lang ulit tayo mag usap natawag si Boss.Bye!" Paalam ko kaagad kay Lara,Agad ko naman sinagot ang tawag ni Boss Oliver.On the way na ako papuntang Opisina at sigurado badtrip nanaman ito sa akin dahil na late nanaman ako ng labing limang minuto. "Boss,Oliver.Ahm,Malapit na po ako sa opisina.Sorry po late na naman ako." "Dito ka na dumeretso sa Casa Buena,May business meeting ako dito ngayon at kailangan kita dito Ms.Mojica." Agad akong nag U turn ng sabihin ni Boss Oliver na pumunta ako sa Casa Buena. Tamang tama malapit lamang 'yun sa lugar nila Kenjie. Kung tumawag lang ng mas maaga si Boss doon na sana ako dumeretso kanina.Hindi sana ako nagmadaling umalis sa opisina ng Asawa ko. "You always late,Ms.Mojica." Napayuko ako ng pagsabihan ako ulit ni Boss Oliver.Halata naman sa mata nito na namangha ito sa akin ng makita akong nakasuot ng ganitong damit.Bibihira lang kasi ako magsuot ng ganitong mga damit at 'di rin ako masyadong nag aayos pag pumapasok sa opisina Kaya siguro ito man ay nagulat sa ayos ko ngayon. "Sorry,Boss Oliver." Tumingin ito sa upuan na bakante at saka itinuro iyon.Agad naman ako umupo sa upuan itinuro nito. "Boss,Asan po ang ka meeting niyo?" Tanong ko dito,Busy ito sa pagtingin sa menu ng restuarant. "Sa susunod na lalabas ka yong maayos na damit ang isuot mo hindi yong ganyan." Napakurap-kurap ako sa sinabi nito.Tama ba ako sa narinig ko pinagsasabihan ako nito tungkol sa pananamit ko.Ano naman ang pakiilam ng lalaking itlog na ito sa ayos at pananamit ko.Siya nga hindi ko pinakikiilaman e.Pati Asawa ko mas gusto ang ganitong ayos ko. "Boss,Wala naman po masama sa suot ko ah." Pangangatwiran ko dito.Nag angat naman ito ng tingin sa akin.Saka ibinaba ang menu na kanina pa niya binabasa. "Look around. You see, all the men here are looking at you as if you are being undressed." Tumingin ako sa paligid at tama nga ito halos lahat ng lalaki ay nakatingin sa akin.Kaya naman napayuko ako,bigla ako napahiya kung makatingin kasi ang mga Gonggong na mga lalaking ito ay para na nga akong hinuhubaran. "Put it on before Mr.Suarez comes." Hinubad nito ang suot na formal suit at iniabot sa akin.Agad ko naman isinuot iyon kahit pa ang laki nito para sa akin. "That's better. Ohh,Mr.Suarez.Please set down." Napalingon ako sa tinawag nitong Mr.Suarez matanda na pala ito.Tumayo ako para makipag kamay dito ng ipakilala ako ni Boss Oliver.Ipinakilala ako nito sa pangalan ko lamang.Magiliw naman na ngumiti ang matanda sa akin,Kahit na matanda na ito nababakas pa rin sa mukha nito ang kagwapuhang taglay. "Nice meeting you, Mrs.Madred.Napaka ganda pala ng Meses mo Mr.Madred.Bagay na bagay kayong dalawa." Pakiramdam ko ay namula ako ng sabihin ng matanda na ako si Mrs.Madred gayong alam ko naman na wala pang Asawa si Boss.Tumingin ako sa mukha ni Boss, na nakatingin din pala sa akin.Tumikhim ito saka nagsalita. "So, about the proposal Mr.Suarez napag aralan niyo na po ba ang mga papeles na pinadala ko sa inyong secretary?" Napakunot noo ako sa sinabi ni Boss Oliver, kung bakit hindi nito itinama ang sinabi ni Mr.Suarez na Asawa ako nito.Tuloy lang sila sa pag uusap habang ako naman ay nag susulat lahat ng pinag uusapan nila ay inililista ko at paminsan minsan ay sumasabat din ako sa usapan nila pag tinatanong ako ni Boss,At ang isa pang nakakapagtaka hindi ako nito tinatawag na Ms.Mojica na palagi naman nitong tawag sa akin. Tinatawag lang ako nito ngayon sa mismo pangalan ko. "Impressing Mrs.Madred napakagaling mo naman.My point ang Asawa mo Mr.Madred,Actually nakakatuwa kayong dalawa bibihira ang mag Asawang nagtutulungan sa trabaho huh," Wika ni Mr.Suarez napatingin muli sa akin si Boss.At gaya kanina hindi nanaman ito nagsalita ng sabihin ng matanda na Asawa ako nito. Iimik na sana ako para sabihin na hindi ako Asawa ni Boss nang biglang magsalita muli si Mr.Suarez. "Hay Naku! Napaka babaero talaga nitong si Mr. Kenjie Osvaldo.Alam mo ba Mr. Madred kung sinu-sino mga babae ang nalilink sa batang 'yan.Muntik na nga niyang mabola ang nag iisang kung apo na si Krezel.Buti na lamang talaga at napagsabihan ko ng maaga ang aking apo kung hindi naku makakasama pa ang aking apo sa mga babaeng kinakama ng lalaking 'yan.Ang Balita ko napakaganda ng Asawa niyang si Mr.Osvaldo.Pero ito at hindi marunong makuntinto naghahanap pa rin ng iba.Tsk,Tsk," Gusto kong maiyak,ngunit pinipigilan ko ang aking sarili.Ayaw kung makita ng iba tao ang pag iyak ko lalo na ni Boss Oliver.Pagkasabi kasi ni Mr.Suarez napatingin agad ako sa dereksyon kung saan ito nakatingin.At kitang kita ko ang aking Asawa na si Kenjie na papasok ng restaurant na may ibang babae nanaman na kasama.At Halatang may namamagitan sa dalawa dahil na din sa paglingkis nang babae sa Asawa ko na ngayon ay abot tenga ang ngiti. "Oh,By the way.Mr.Suarez I will send you the signed ones tomorrow morning." Pag iiba ng usapan ni Boss,Buti na lamang at tinapos na nito ang mga sasabihin pa ni Mrs.Suarez.Ngumiti naman ang matanda at saka inayos ang nagusot niyang suit. "Yes,Mr.Madred.Thank you so much and Mrs.Madred nice meeting you." Wika nito sa akin at iniabot pa nito ang kanyang kamay sa akin at kay Boss.Buti na lamang pala hindi ko nasabi na Asawa ako ni Kenjie.Tumingin ako sa dereksyon kung saan nandoon ang pwesto nila Kenjie kasama ang ibang babae nanaman.Nakita kung nagsusubuan pa ang dalawa at panay bulong ni Kenjie sa babae.Nag message ako dito at nakita kung kinuha nito ang cellphone niya pero agad din nitong ibinaba.Bumalik ito sa pag bulong bulong sa babaeng kasama niya. "Here," Nagulat na lamang ako nang may isang panyo na ang nasa harapan ko.Noon ko lamang namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.Kinuha ko agad ang panyong kulay asul at saka pinahid ang mga luhang nasa pisngi ko. "Thank you Boss." Lumuluha kung wika kay Boss, Hindi ko akalain na bukod kay hikad may isa nanaman hikad ang kinakalantari ng magaling kung Asawa.Ang akala ko kanina Okey na Okey na kami panay pa ang sabi nito na mahal na mahal niya ako.'yun pala baka hindi lang niya sa akin sinasabi ang mga salitang iyon. "Instead umiyak ka d'yan kumain ka na lamang.Hindi iniiyakan ang ganyang klase ng lalaki. " Napaangat ako ng tingin ng magsalita si Boss.Ano kayang alam ni Boss tungkol sa Asawa ko.Alam kung hindi nito alam kung sino ang Asawa ko kaya nga Mojica pa rin ang ginagamit kong apelyido.'Yun din kasi ang gusto ni Kenjie na gamitin ko muna para daw hindi magtaka si Boss,Oliver.Hindi ko rin maintindihan kung bakit noong una ay gusto ako nito pumasok sa kompanya ng mga Madred.At sa tuwing nagtatanong ito tungkol kay Boss puro sa negosyo ang itinatanong nito sa akin.Ako naman ay panay kwento sa Asawa ko tungkol kay Boss. "I said eat,Huwag mong intayin na subuan pa kita Ms.Mojica." Sambit ni Boss,Tumingin ako dito at mukhang seryoso nga ito dahil may pagkain nang nakahanda sa kanyang kotsara para isubo sa akin.Kaya naman kinuha ko ang kutsara at tinidor at kahit umiiyak ay isinubo ko ang pagkain ini-order ni Boss,Alam kung masarap ang mga pagkain ito pero ang pakilasa ko ay maalat siguro gawa na din sa luhang pumapatak sa aking mata na naglalandas sa aking pisngi. "Ganyan ba kasama ang lasa ng pagkain inorder ko para maiyak ka Ms.Mojica?" Nang aasar ba itong si Boss,Bakit ba kasi hindi na lang siya kumain mag isa.Wala kasi siyang lovelife kaya hindi niya alam ang pakiramdam na nasasaktan.Hindi ko ito pinansin bahala siya sa buhay niya basta ako sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon. "Haizt,,Okey,Enough." Bigla na lamang itong tumayo at kinuha ang isang kamay ko kaya naman napatayo na rin ako. "Boss saan mo ako dadalhin." Nagulat ako ng bigla ako nitong higitin palapit sa kanya at bigla din ako nitong niyakap habang nakatayo na kami napa subsob tuloy ang mukha ko sa matipunong dibdib nito.Naamoy ko rin ang mabangong pamango ni Boss,Para akong pinakakalma ng amoy nito.Saglit pa akong napapikit para mas damhin ang amoy ni Boss nang mataohan ako kung bakit ko ito inaamoy bigla ako napakunot noo sa kagagahan kong taglay. "Baliw ka na ba Phoebe,Boss mo 'yan.Mahiya ka nga!." Sigaw nang isipan ko sa aking sarili.Pati ako'y biglang nahiya sa ginawa kung pasimpleng pag amoy dito. Itutulak ko na sana ito dahil mukhang nababaliw na rin ata ang Boss kung ito.Nang biglang kung marinig ang familiar na boses at hindi ako maaring magkamali sa boses na 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD