11

1371 Words
Nang aalis na si Gaspard at lilisanin na siya ay nagkataon din na tumunog ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Dali-dali naman niya itong sinagot. "Gaspard, asan kayo ng misis mo? Hinahanap kayo ng mga bisita dahil sa opening gift." Narinig naman iyon ni Madeline kaya sumama na siya kay Gaspard pabalik sa main lobby. Nang pagdating nila ay naroon ang mama at papa ni Gaspard kaya doon sila unang tumungong dalawa. Pabulong naman kinausap ng tatay nito si Gaspard, "Saan ba kayo nanggaling at kanina pa namin kayo hinahanap. Muntikan na kami mapahiya dito." Sumingit naman ang ginang na mama ni Gaspard habang kumakain ng pansit, "Hon naman, para namang di ka sanay, baka lang hindi sila nakapagpigil at nag quickie sa banyo." Kasabay nun ang pag kindat ng ginang kina Gaspard at Madeline. Muling umasim nananaman ang pagmumukha ni Gaspard at sinagot ang ina,"Ma, ubosin niyo na lang kainin yang pancit sa bibig niyo. Nang sa ganun eh humaba pa ang buhay niyo jivah! Malay niyo, baka bukas makalawa'y hindi na kayo sikatan ng araw dahil burikat kayo magisip." Bigla na lang nila narinig ang pangalan nila na binanggit ng host kaya lumapit si Madeline at Gaspard doon para magbukas ng gift. Matapos nila kunin ang isang box habang madami ang nanonood at pagbukas nila nun. Nagulat silang naglalaman ito ng isang d***o, vibrator at mankini at iba pang gamit ng pambakla. Sa sobrang inis ng ama ni Gaspard ay napatayo ito at nagtanong sa mga bisita ng pagalit, "Kanino galing yang regalo na yan. Hindi bakla ang anak ko. Papakulong ko yan! Guard, pakitingin sa cctv kung kaninong regalo nanggaling iyon." Nagsimula nang magbulong bulongan ang mga tao roon. "Dad, pati iyong tag walang isinulat." "Don't worry son. Hes gonna pay for this who ever the person behind this malicious gift! Stop accusing my only son as gay because he is not and I will prove you wrong. Ayoko na may tumatawag sayo na bakla at lalake ka. Kaya nga nakabuntis ka at ngayon ay nagpakasal ka na," anas ng matanda. Natahimik naman si Gaspard at medyo na guilty dahil alam niya mismo sa sarili niya na bakla siya pero kailangan pa rin niyang magpanggap para hindi madisappoint sa kanya ang kanyang ama. Hanggang sa nagulat na lang siya ng may narinig siyang parang laruan na gumagalaw. Pagtingin niya kay Madeline ay hawak hawak nito iyong ang isang vibrator galing doon sa mysteryosong regalo na parang ahas na gumagalaw-galaw at aliw na aliw pa si Madeline panoorin ito, "Ranz oh, ang cute ng laruan. Kunin na natin para kay baby para may laruan siya paglaki niya. Pwede din siya pang massage sa likod oh." "Bitawan mo yan bullsht ka, sinasaksak yan sa tumbong at pukelya boba! Hindi yan laruan pambata igno!" Sabay inagaw ito at itinapon sa kinalalagyan. "I know who freakin did this. No other than my cousin Enrico. He should pay for this for the embarrasement he caused." Pabulong na galit ni Gaspard. Matapos ng wedding ay dumiretso na ang dalawa sa bagong tahanan nila. Sa condo ni Gaspard. Medyo naman kabado si Madeline. Pagpindot ni Gaspard sa switch at bumukas ang ilaw ay sobrang namangha si Madeline sa loob. Maliit lamang ito pero napakaganda, puro mamahalin ang mga brand new furniture na tila lahat galing sa ikea. "Ghorl, this is now our new home. Oh diba, kahit hindi bigalou ay bongga pa din." "Grabe, ang ganda kahit maliit." "Yas, so this is the dining and the kusina. Dito mo hahanapin ang mga kailan mong pinggan, mga kutsilyo kung may kirara kang balak sa akech. Hanapin mo lang lahat ditech sa drawer. Tas ito refrigerator na may wifi. Ito din ang lutuan." "Saan ko ilalagay ang mga kahoy para makabuo ng apoy?" Lumipad nanaman ang itim sa mata ni Gaspard dahil sa umiral nanaman ang pagiging probensyana ng katabi. "Ghorl, ituro na lang sa'yo ni ate sam about that. Bukas na bukas na papuntahin ko siya dito kasama anak niya just to guide your innocent ang ignorant mind. Anyhow, dito naman iyong maliit na sofa at may candles. Kung hindi mo feel ang maliwanag n florescent. Alam mo na. Shala ako." "Anong Shala?" "Sosyal, oh jivah madame inuts." Habang umiikot ang mata ni Madeline sa paligid ay nagulat siya nang makita niya nakaprint sa napakalaking papel ang condition contract agreement for marriage nilang napermahan at naka-frame pa ito. "Ranz, ito ba iyong...." "Oo, pero tatakpan natin yan ng wedding portrait natin pag bibisita dito ang famfam especially sina mom at dad. Pero pag waley, ganyan na yan para hindi mo makalimutan ang rules natin okay? Maliwanag?" Tumango naman si Madeline. "Sige po." "Tara, akyat tayo sa itaas. Don't worry, maikli lang ang hagdan cause this is a condo. Hindi ka mapapagod kasi buntis ka pa naman. Andoon ang mga kwarto." Agad naman sumunod si Madeline sa taas hanggang sa makarating sila roon. "The room from the left is mine while the room from the right is yours. Isa lang ang CR kaya bawal magtagal pag maliligo, tatae o whatever you will do." Binuksan naman ni Gaspard ang pinto ng kwarto ni Madeline hanggang sa kumislap ang mga mata nito dahil napakaganda ng kwarto niya. May paintings na parang nasa ilalim ng dagat at imbes na may kama ay may crib na din at cabinet ng baby, pati bag ng baby at mga damit na bago ng baby ay kumpleto nakasabit doon. May tv din at mga children nursery songs. May ipad pro pa na mamahalin at de aircon pa. Parang mother and babies room ang interior design nito pati mga matatagpuan damit sa loob. Hindi napigilan ni Madeline at naiyak siya't napayakap sa asawa, "Salamat ng sobra. Hindi ito iyong inaakala ko na magiging kwarto ko. Napakaganda, sobrang sobra na ito at sa tv ko lang nakikita ang mga ganitong kwarto at mga bagay." Nang asim nanaman ang mukha ni Gaspard at agad inilayo ang sarili sa pagkakayakap nito, "Hindi ako may plano ng kwarto na to kundi si mom at dad. Masyado kasi sila excited sa magiging anak mo. Lalo na't sureness sila na junaniks ko nga talaga yang dinadala mo dahil sa DNA test. Dinagdagan ko lng ng kama mo at cabinet at iba pang bagay na kailangan mo kasi dito dapat ay babys room but since hindi tayo pwede magkatabi dahil sa agreement. I did this room to refrain from sharing rooms. Anyhow, tama na nga yang cryola mo na yan at doon naman tayo sa CR." Tumango naman si Madeline sabay pinahid ang kanyang mga luha. Sumunod naman siya sa lalake hanggang sa pinaandar ni Gaspard ang ilaw sa loob ng banyo. Maliit lang ito pero napakagara. "Ayan ang 3 in 1 na washing machine at dryer, ayon iyong toilet paper if ever na dudumi ka. Ayan naman iyong shower with heater na din kung gusto mo maligo ng mainit o malamig at kumpleto din tayo ng stocks ng colgates and toothbrushes. Separate ang cabinets natin kasi baka makigamit ka ng mga facial cream and wash ko and lastly ay may malaki tayong bath thub na pwede din jacuzzi." "Ranz, asan iyong balde? Di kasi ako marunong gumamit ng mga yan. Pati na din ang tabo. Panghugas pag dudumi kasi hindi ako sanay sa papel." "Ooohh! Parehas pala kayo ni mom. Don't worry, pa-request ko yan kay ate sam para pagdating niya dito ay magdala siya nun at maturuan ka niya kung paano gamitin ang lahat ng ito." Nang iiwan na siya ni Gaspard ay muli niyang hinawakan ang kamay nito na kinagulat ng lalake. Iyon pala ay may pahabol ito. "Gaspard." "What? 12 na! Bukas ka na maligo if di ka marunong gumamit ng shower." "Ok lang. gusto ko pa lang sabihin sayo na Wag mo din kalimutan magpadala kay ate sam ng palanggana ha!" Nang bumalik na sila sa kanya kanya nilang kwarto ay tila hirap makatulog ni Gaspard dahil hindi mawala wala sa isipan niya ang magandang mukha ng kanyang asawa lalo na noong naglalakad ito patungo sa kanya sa altar. Pakiramdam niya ay ibang iba ang tama ng pagka-starstruck niya. Kaya naman ay nanood na lang siya ng gay prons para hindi siya maapektuhan ng pagkahumaling sa asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD