26

1921 Words
Bago maligo si Gaspard ay pinaliguan nilang dalawa si baby Migz. Saka si Gaspard nagpaiwan sa banyo at si Madeline naman ay inaayusin at pinagdamit ang kanilang anak. Matapos ay inayosan agad ni Madeline ang kanyang sarili at nagsuklay at nagpaganda ng kaunti. Matapos ay inihanda na niya ang baby hip seat upang dalhin si baby Migs sa bisig niya. Nang pagkalabas niya ay bigla siyang natulala nang makasalubong ang asawa na kakalabas lang ng pinto ng banyo na tuyo ang buhok at nakapagpagupit at nag ahit ng bigote at kitang kita ang hubog at kakisigan ng katawan mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ni Madeline ay nakasalubong niya ang isang adonis na anghel. Natuyuan siya bigla ng lalamunan. Napakabango pa nito at nakatapis na tanging iyong ibaba ang natatakpan. “Hoy, bakit ganyan ang mukha mo at para kang nakakita ng multong bakla? Gaga! Bakit wala dito ang blower at kinailangan ko pang lumabas ng nakaganito! Para hanapin yon!" "Ah! Sorry Gaspard pero nasira ko," anas ni Madeline matapos magkaulirat. "Ok, whatever ghorl! Magaayos na ako." Pagpasok na pagpasok niya sa kanyang kwarto ay gulat siyang nakahanda na doon ang dadamitin niyang suit and tie na kulay pink. Napangiti siya dahil kahit pinagbawalan niya ang asawa ay tinangka pa rin nito pumasok upang ayusin lahat at ihanda ang mga dadalhin at susuotin sa opisina. Gaya ng relo at medyas miski ang sapatos. Kahit sa totoo lang ay hindi lang trabaho kailangan niya doon kundi iba ang kanyang pakay bakit siya didiresto sa building ng kanyang kumpanya. Bigla na lang siya napatalikod nang marinig niyang mas lalong lumawak ang bunganga ng kanyang pinto at si Madeline ito't dala dala paharap ng baby carrier si Baby Migs. Ang ganda din ni Madeline dahil maayos na tingnan ang kanyang buhok at may light make up at nakasuot ng jeans at jacket na mukhang may itsurang kolehiyala. Wari'y kung hindi niya dala dala ang anak ay hindi siya pagkakamalang nanay. "Ano? Okay ka na?" Hingal na tanong nito. Natuwa naman si Gaspard sabay isinuot ang kanyang degrado salamin at lumapit kay Madeline. Napaangat naman ang ulo ni Madeline sa kung ano man ang gustong gawin ng matangkad at gwapong baklang asawa. Nang bigla niya hinawi ang bangs nito at ipinatong sa tenga at inayos ang buhok, "There you go sweetie, ganda mo na plamis. So kilig talaga. Mukha ka ng tao. Mas maganda yan na lagi ka magayos. Siguro naman madami ka nang alam dahil nakakaisang taon ka na dito sa maynila at exposed ka na sa internet. Am I right buriks?" Nag pout naman si Madeline, "Mas mabuti nang hindi maging tao. Basta lang magmukhang bagay. Dahil bagay na bagay tayong dalawa dahil ganda ko at gwapo ka. Aaayyiiieee!!" Pangaasar ni Madeline hanggang sa tumawa siya ng tumawa ng malakas. Hindi mapigilan ni Gaspard na tumingin muli sa bibig nito na parang namemesmerize siya. Para siyang nawawala sa mundo pag nasisilipan niya labi nito at isama pa iyong nabusohan niya sa banyo. Hanggang sa nagulat sila na pati iyong baby nila na natawa din kaya hindi napigilan ni Gaspard na tumawa din dahil sa nanggigil siya sa anak niya. "Wait, ghorl! Ang korni na natin na 3 bears," pagpipigil ni Gaspard. "Dapat matuwa ka natuto na tumawa ng ganyan si baby Migs." "Oh sya, may data ka ba dyan. Pinasahan ko na atm you ng mga variables if you need money." Agad naman inilabas ni Madeline ang cellphone, "Yep, may online data na ako." "Wow, I like that ghorl. Girl scout and always handa ang bruha." "Para saan ba at gagamit ka ng internet Gaspard?" "To search for 5 star nanny na magaalaga kay Migs para maihatid natin siya." Hinablot naman at inagaw ni Madeline ang kanyang cellphone kay Gaspard na kinagulat nito, "What the hell are you doing!" "Hindi mo na kailangan nyan. May kilala akong libre. Tara na at puntahan natin siya. Parang kapatid ko na din siya." Hinila naman ni Madeline ang kamay ni Gaspard at lumabas na sila sa condo. Dumiretso sa parking lot at umalis. Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto na ang mamahaling kotse ni Gaspard. "Andyan ba kapatid ni Luningning?" Tanong ni Gaspard. "Oo, name niya Korina. Kasi pinangalan siya doon sa sikat na news anchor." Bigla namang dumating ang isang mukhang bouncer na babae. "Sabi mo Korina pero mukhang Jessica Soho," pabulong naman ni Gaspard. "Uyyy! Long time no see Madeline. And Omg! Ranz? Statue?" "Huh?" Pagtataka ni Madeline. "Statue Ranz????" Nagkatinginan naman si Madeline at Gaspard dahil hindi nila ito maintindihan. "Ano ba kayo, Statue in tagalog, ikaw ba yan. Statue Ranz?" Pangungumbensi ni Korina. "Aahhh! Ganun ba, akala ko kasi nagpaparequest ka ng sarili mong statue kasi handang handa kitang ipa-salvage anytime you want, tabachoy na baboy!" Pang uukray ni Gaspard at tumaas ang kilay niya at lumintik ang hinliliit na nakahawak sa manubela. "Huh, what do you say to me. Replay it again!" Galit na pasigaw ni Korina hanggang sa pinigilan siya ni Madeline, "Wag mo na siya pansinin. Hindi si Ranz yan. Kakambal niya iyan. Sige na, ito na si baby Migs. Anak namin ni Ranz. Gaya ng pinagusapan natin sa phone." Pinakalma naman ni Madeline ang kakilala at ibinigay niya ang baby at nagsinungaling para hindi na humaba ang kanilang usapan. "Omg! This baby cute is so much. I will adaptor this. By the way, mommy and ate luningning has brownout eyes. Don't worry ate tisay. i will took good care of my baby Migs like my own. Don't worry be happy." Nainis si Gaspard at umikot ang mata, "Umalis ka na bago kita hambalusin ng isang daang english text book dahil sa pilipit mong english at ginawa mo pang adapter si baby Migs. Kung makapag english, brown out eyes. Tingnan mo kili-kili mo brown out na din sa pagkaitim. Nyeta!" Parang referee ulit si Madeline at napababa ng kotse di oras para ilayo ang kakilala. Hanggang sa inihatid niya ito sa gate ng bahay nina Luningning kasama ang anak. Pinagmasdan naman sila ni Gaspard at naglipstick ng light habang walang nakakakita. Hanggang sa bigla siya nagulat nang bumalik si Madeline at umiiyak. Pagkabalik niya sa loob ng kotse ay nagalala na si Gaspard. "Omg! What's wrong! Ano ginawa sa'yo ng tabachoy na baboy na iyon. Gosh! Your make-up! Sayang!" Naghanap naman si Gaspard ng tissue sa loob ng kotse at dahan dahan niyang ipinahid sa mata ni Madeline at di nanaman niya namalayan na tumibok muli ng mabilis ang puso niya. "First time ko kasi mawalay sa bisig ni Baby Migs. Alam ko na OA ako pero mamimiss ko siya. Kahit limang oras lang pasok ko. Hindi ko mapigilan maging emotional. Bakit ganito Gaspard." "Ssshhh... don't worry. Hindi lang ikaw. Pati ako din." Hindi napigilan ni Gaspard at bigla niyang niyakap ang asawa at napaiyak din. "Please ghorl, don't cry for our baby Migs. She is okay. Kaw na nagsabi and we trust the family of Luningning. Kaya nga ni-hire namin siya bilang canteen owner. Sssshhhh.... just cry out loud on my shoulder," pagkukumporta ni Gaspard rito. Nakalipas ang ilang minuto ng pag iyak nito sa balikat ni Gaspard habang magkayakap sila ay bumitaw agad si Madeline sabay inayos ang sarili at nagsalita, "Tara na, baka ma-late ka pa." "No, it's fine. Mga cleaners lang muna mga pumasok sa building ng kumpanya. Sometimes iniisip ko tuloy, iiyakan mo din kaya ako pag ako mahiwalay sa'yo." Natawa naman si Madeline habang natanong iyon ni Gaspard. "Bakit naman, saan ka naman pupunta Gaspard? Tsaka bakit mo naman iniisip na hindi kita iiyakan pag nawala ka gaya ng pagiyak ko kay Baby Migs natin. Eh special ka din naman sa akin kasi ikaw ang tatay niya. Hindi siya mabubuo kung hindi din dahil sa'yo." Bumilis naman ang paghinga ni Gaspard sa mga sagot at katanungan nito, "Ofcourse, hindi natin hawak ang kapalaran natin. I am just reminding you of the agreement contract. I mean what if biglang may dumating na lalake na magmamahal sa'yo and your totally freed and be legally wed with someone you love. You know like leap of faith." "Ano ibig mo sabihin?" Seryosong tanong ni Madeline at kumabog bigla ang kanyang dibdib at kahit galing siya sa pagiyak ay muling nanubig kanyang mata. Tinutok niya ito sa kanyang asawa dahil gusto niyang malaman kung may nararamdaman na ito sa kanya. "I mean look at yourself. You are not that hard to be loved. Alam mo, kung lalake man ako. Liligawan talaga kita. Kasi lahat na ay nasa sa'yo. Mabait, mapagmahal, masipag, relihiyoso, mapagpasensya. Halos pinakyaw mo na lahat ghorl!" "Gaspard, lalake ka naman eh." "No, I'm not," muling pagtanggi naman ni Gaspard at napatingin sa baba sabay huminga ng malalim. "Aminin mo nga sakin, nahuhulog ka na ba? Wala naman kasing masama. Kasi magasawa naman tayo. Para hindi na tayo maghiwalay pa. Hindi lang para kay baby Migs." Napangiti naman si Madeline at muli tumulo ang kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan wag pumatak. "I am sorry but you're thinking it wrong. I am not inlove with you. But I really love and admire your motherhood and the bonds and the friendship we had through the years and your personality as a woman. But you are still not my type. That's why I am looking forward to whomever that lucky guy that will walk you again in the aisles. I think I am a bad person for giving you hope. Pero wala talaga ako nararamdaman sa'yo. Fooling my self will hurt your more." Hindi napigilan ni Gaspard at napahawak siya sa kanyang puso. Dahil pakiramdam niya ay napakasakit nun dahil sa tinagal tagal nilang magkasama ni Madeline muli sa anim na buwan pagkakakulong sa condo. Inisip na lang niyang parang big brother tv show na kaya siya nagkaka-feelings sa asawa dahil sa naka-isolate sila pero babalik din ang lahat sa dati. Pero pakiramdam niya pati siya siya nakaramdam ng bigat sa puso. "Wala kang dapat ipaghingi ng tawad. Masyado lang siguro ako assumera ano ka ba. Nagbibiro lang ako. Bakit ang seryoso mo bakla. Impossible ako magkagusto sa'yo ano ka ba. Diba napagusapan na natin yan. Wala ako gusto sa'yo kasi binabae ka. Hindi nga ikaw si Ranz. Ibang tao ka na." anas ni Madeline. Dinaan na lang niya sa biro na kunwari hindi big deal iyon sa kanya at nakikisakay kahit sa totoo ay umaasa siya at nasaktan muli dahil sa sariling ilusyon. "Hay naku! Why ba were so serious na. Dahil lang kay baby Migs nauwi nanaman sa mga walang kwenta! Ito epekto ng panonood lagi ntin ng korean drama. Tara na nga at ihatid na kita sa school niyo. Lets stay positive na lang and stay bestfriend forever while wala pa tayo love life." Pagkahatid ni Gaspard kay Madeline sa kanyang university ay pinaharurot niya ang sasakyan patungo sa kanyang kumpanya. Pagpasok na pagpasok niya sa kanyang kwarto ng kanyang opisina ay pinatawag niya agad roon si Filimon. Kaya sinugod din iyon ng matandang binabae. "Tanderrssss!! I miss yah!" "Ako din mama!" Bigla silang nagbiso-biso at nagtitili. Saka umupo sa swivel chair si Gaspard. "May ipapagawa ako sa'yo bakling! I feel like I am not sure. Parang nagkaka-feelings ako kay tisay kaya may ipapagawa ako sa'yo na very very important. I want to test my ability as a gay!" "Sure mama! I am ready!" Sagot ni Filimon na tila game na game sa mga plano nilang dalawa. "Wala na bang available call boys?" "No mama Gaspy, unless doon tayo kukuha sa may luneta." "Eww."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD