8

1179 Words
Madeline POV Masaya ako at dumating ang pinakaimportanteng araw sa buhay ko ngayon. Ang muling ikasal sa lalake minahal ko ng buong buhay ko. Marami ngang trahedya nangyari na talagang plano ng diyos. Nagtrabaho lang siya sa niyogan at nagpaalam nang umagang iyon hanggang sa hindi na siya sa akin nakabalik. Si Ranz, ang mahal na mahal kong asawa. At ngayon ay bibiyayaan pa kami ng munting anghel. Mabuti na lang at naisumbong sa akin ng bestfriend kong si Luningning kong paanu tangayin ng isang kotse na may bubong na grinder si Ranz. Sa awa ng diyos ay hindi siya na grind sabi ng matalik kong kaibigan. Dahil ganoon daw iyong bagay na ginagawang pino-pino ang mga baboy doon sa factory ng mayayaman sa aming bayan. Nakatulong din ang isa pang malapit na kaibigan na si Ivan dahil sa kanya ang hiniram na cellphone na gamit ni Ranz noong nasa barangay hall pa siya. Dahil siya ang anak ng barangay tanod sa amin sa Isla Lawin si Ivan. Siya din ang tumulong sa akin na hanapin ang lalaking nagngangalang Doctor MJ hangganv sa na trace namin na iyon ang kaibigan ni Ranz matapos bumalik ang memorya niya dahil sa litrato niya. Nahirapan akong libutin ang buong manila para lang hanapin ang asawa ako at masuwerte ako't nahanap ko din siya. Masuwerte din ako at mababait ang magulang niya. Pero hindi ko alam kung masuwerte pa din ako dahil nalaman ko na bumalik ang memorya niya at hindi siya ganap na lalake dahil parehas lang kami na lalake din ang hinahanap. Pero para sa ikatatahimik ng lahat ay makikisakay na lang ako sa setup na gusto niya para mas lalo ko pa siyang makasama ng matagal. Masakit pero kakayanin. Naalala ko nga noong ilang beses ko siya palayasin at pagtabuyan pero lagi pa rin siya bumabalik sa akin. Siguro ganoon na lang din ako sa kanya, magtitiis ako hanggang sa matutunan niya ako mahalin. Ibang iba iyong lugar kung saan siya nagmula kumpara sa probensya kaya medyo pa ako nangangapa. Pero masasanay din at hihintayin ko iyong araw na kaya na niya ako ipagmalaki dahil magiging katulad ko na siya na nakapagtapos ng pagaaral. *knock knock* Ako'y biglang nagulat nang marinig iyon at agad ko itinago ang diary ko kung saan binubuhos kong isulat lahat ng nararamdaman ko at ganap sa buhay ko. "Oh, bruha! Nakaligo ka na ba? Para ako na ang maglagay sa iyo ng make-up." Ayon nanaman siya. Parang laging galit tuwing kausap ako. "Opo Gaspard." Umupo naman siya sa harapan ko at hinila ang baba ko saka pinagmasdan ang mukha ko. "Gross, grabe ang kilay mo. Parang kilay ng mga pre-historic ladies. Ito uunahin ko juice ko lord. Wag kang makulit cause I'll pluck each of it." Agad niyang ginawa iyon at masakit. Halos maiyak ako hanggang sa natapos na niyang gawin ang ginagawa niya sa kilay ko at pumalakpak pa siya. "Perfect, wow! You look gorgeous. Really, I mean it." Hindi ko maintindihan ano pinagsasabi niya pero umuoo lang ako. Lagi niya ako kinakausap sa englis, mabuti at medyo may alam akong kunti dahil sa nakagraduate naman ako ng highschool. Para step by step. Isinunod naman niya ang paglagay ng pulbo sa akin. Inabot kami ng oras bago niya matapos dahil sobrang dami niyang inilagay sa mukha ko. Bigla na lang siyang natahimik pagkatapos niya gawin ng gusto niya gawin sa mukha ko at namula ang kanyang pisngi. "Ghorl, naiinggit na ako sa beauty mo ha! May dugo ka bang iba aside from a filipino blood?" "Opo, ang nanay ko daw ay isang colombiana. Dahil ayaw ng pamilya niya sa itay ko dahil isang missioner lang si inay habang mangingisda si itay ay iniwan na lang ako kay itay." "Interesting story. Kaya pala kakaiba ang beauty mo. May naging boyfriend ka na ba?" Tumungo na lang ang ulo ko. Nangako ako na kunwari move on na ako sa nakaraan namin. Siya lang naman ang kauna-unahan at kahuli-huliang boyfriend ko pero kailangan ko magsinungaling, "Wala pa akong boyfriend." Hindi ako nakapagpigil at nakaramdam ako bigla ng pagsusuka kay inalalayan ako ni Ranz. Biglang din may kumatok sa pinto kaya napatalikod kami hanggang sa mabuksan iyon. "Regina baby! Mabuti at dumating ka na gandaaaa!!" Hindi ko alam pero parang ang saya saya ni Ranz. Nakita ko sa mga mata niya. Lalo na iyong magandang babae na tinatawag niyang Regina. Agad silang nagyakapan ng mahigpit na parang hindi mapaghiwalay. Kaya nakaramdam ako ng selos. Sana kaanak niya ito dahil iba iyong kapit sa kanya ng babae. Hindi lang bilang kaibigan at iyong eksprisyon ng mukha ay parang may namumuong pagkagusto sa asawa ko. Bigla silang nagbitaw at mas nagulat ako nang hinalikan niya si Ranz sa lips. Parang winasak ang puso ko. Kahit mabilis lang iyon ay dapat di nila ginawa sa harapan ko. "Bading ka, bakit mo naman ginawa iyon. Sa harapan pa ng soon to be wife ko." "Masama ba? Smack lang naman iyon at normal sa mag bff gaya natin." "Sya nga pala ghorl. This is Regina another girl bestie of mine." Kinamayan naman ako nito pero iba sa akin makatitig ang babaeng iyon. Parang tinaasan ako ng kilay at iba iyong pakiramdam ko sa kanya. Hindi talaga maganda. Parang may gusto talaga siya sa asawa ko. "Onga pala Ghorl, obygini doctor siya. Tamang tama. Regina baby, nasusuka daw siya at inaatake ng paglilihi." "No worries, may gamot ako about dyan. Here take this." "Salamat." Tinanggap ko naman iyon para hindi ako atakehin ng paglilihi pag ikinasal na kami ni Ranz sa simbahan. "Oh sya, iwan ko muna you because I'll show Regina your wedding gown and shoe na ako ang nag design. And wait, maganda ba ang make-up ko sa kanya." "Super ganda bakla!" "Sympre sino pa ang mentor ko sa mga make-up kundi ikaw lang." Habang nakikita ko silang nagkukulitan. Pakiramdam ko nawawala ako sa mundo nila. Masyado silang close. Hinarap ko na lang ang mirror at gulat na gulat ako sa aking nakita. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang nasa repliksyon ng salamin. Ang ganda ko pala. Naalala ko tuloy noong kami pa ni Ranz. Siya lang ang nakakapuri ng mukha ko. Kahit hindi ako madalas nagpapaganda o stress sa paglalaba sa ilog ay lagi ko ramdam na ako pinakamagandang babae sa balat ng lupa dahil sa kanyang totoo at matatamis na salita. Hindi ko talaga alam ano nararamdaman ko ngayon. Kung tama ba na nagpakasal ako ngayon kay Ranz kahit ibang iba na siya o hindi. Sana dumating ang araw na kasing lapit na kami ng lapit ni Regina. Sobra ako nakakaramdam ng matinding selos. Hanggang sa hindi ko namalayan ay wala na pala sila sa akin tabi at nasa kabilang kwarto na para tingnan ang wedding gown ko. Sana wala silang ginagawa na makakapagpasakit sa aking damdamin. Makalipas ang ilang minuto ay saka sila bumalik. "Kaw na muna bahala mag ayos ng buhok ni Madeline because my dad just called me." Tumakbo naman si Ranz sa palabas ng pinto na nagmamadali at tahimik lang kaming nagkatitigan ni Regina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD