23

2436 Words
Agad dumiretso si Gaspard sa bahay ni Loraine ngunit wala siya naabutan nang makatanggap muli siya ng text galing sa w******p kung saan naroroon ang kaibigan na kinakailangan na niyang puntahan. Nagmadali namang pinaharurot ni Gaspard ang kanyang kotse dahil sa pagaalala. Hanggang sa matunton ang destinasyong ibinigay. Isa itong nilumang clinic nakatago pa. Halos alas dose at nasa tuktok pa siya ng gubat na hindi man lang alam ni Gaspard kung saang probensya. Bumungad sa kanya ang kasintahan ng kaibigan na si Tantan na naka-jacket at mukhang di mapakali't nilapitan ito. "Saan si Loraine? Anong lugar ito! Ano nangyari sa kanya?" Alalang tanong ni Gaspard sa lalake. "Tara sa loob," malungkot na hayag ng lalake kaya sumunod si Gaspard Pagpasok nila sa waiting area ay parang nilumaan ng panahon ang clinic na kahit mga upuan nito ay parang gawa sa inaanay na kahoy. Natagpuan niya ang babaeng kaibigan na luhaan kaya't napatayo din ang kaibigan ng makita si Gaspard at sinalubong ng mahigpit na yakap habang humahagolgol ito na hindi maintindihan ni Gaspard dahil pati siya ay tila bumigat ang dibdib sa di malaman laman na dahilan. Hanggang sa magbitiw sila. "Ghad, what happened to you bishiewaps, the last time we meet was when inuto natin iyong peke kong tatanga tangang asawa. And gosh! What the hell is this place. Parang haunted clinic lang ang place at nasa gitna ng jungle. Ew!" Medyo natawa si Loraine habang luhaan at tinapik ang kaibigan, "Kahit sobra akong kabado ay pinapatawa mo pa ako beshie. Tara upo tayo para explain ko." Sumunod ulit si Gaspard at pati ang bf ni Loraine na si Tantan ay lumapit sa kanila para sa mahalagang paguusapan kung bakit nandoon silang tatlo. "Gaspard, hindi ko na kaya. Aalis si Tantan bukas kasi kailangan na siya ng parents niya to continue his medical course. Ako din, at alam mo din kung gaanu kahalaga sa akin ang mga pangarap ko right?" iyak na sambit ni Loraine. "And so, diretsohin mo na ako. What's this all about ba. Bakit niyo ako pinatawag na dalawa?" seryosong pagtataka ni Gaspard. "I hope you don't mind Gaspard pare. Alam ko na tanging ikaw lang ang taong hindi kayang pabayaan ang baby ko. We know how you care for your friends and had a golden heart. Kaya ipapaubaya ko muna siya sa'yo," pagsingit naman ni Tantan. "What? I don't understand," lito ni Gaspard. "We are in this old clinic dahil buntis ako. Si Tantan ang ama at balak kong magpa-abort. This clinic is for abortion," hindi napigilan ni Loraine at muli siyang humagolgol at bumuhos ang kanyang mga luha. "Oh my god! Are you serious. Do you agree with her decision Tantan," gulat ni Gaspard na halos hirap niya i-sink in ang sinabi ng kaibigang babae. "Yeah, we already decided. We still love each other that's why we did and plan this. It was unwanted pregnancy at ayaw namin masira mga pangarap namin dahil lang sa bata." "Wait, eh hindi lang naman bata yan. Dugo't laman niyo iyan. Hindi ito tama. My ghad! This is ridiculous, bawiin ninyo decision ninyo. Look at Madeline. Pinaninindigan niya iyong pagbubuntis niya kahit alam niya na bumalik na ang memorya ko and I am not the person that he knows." "Because she was strong, Gaspard. Hindi lahat ng babae ay handang maging ina dahil mahirap. May pangarap ako, and I'm sure I'll disappoint my parents thats why this is the only way we can get rid of this scandal. Conservative ang family ko at mayaman at alam mo iyon. Please, Gaspard. Try to understand me not just as a friend but a sister. We've been there from childhood until now na malalaki na tayo." "I am sorry, I can't see you like this. You are killing your own baby for pete sake." Agad tumayo si Gaspard at nang babalik siya sa kanyang kotse ay hinabol siya ni Tantan. "Gaspard, pre!" "What! Kasalanan mo to. You two are too careless tapos pag may nabuo ay ipapalaglag niyo. Assh*le." "Wait, pakinggan mo ako. Please." Tumakbo si Tantan upang harangan si Gaspard wag makabalik sa kotse nito. "Look, pre! I tried to convince her not to abort the baby but damn! She warned me to kill her life and attempt suicide. Please, ayoko na mawala siya. Alam mo naman na lagi na lang siya nagtangka magpakamatay dahil sa akin at ngayon nagbago na ako. We don't expect this come. Please, I beg you. For the sake of your friend dahil uuwi na ako bukas. I need you para ikaw magalaga sa kanya while she is recovering the abortion operation if it succeeded." Lumuhod si Tantan sa harapan ni Gaspard at humagolgol din. Litong lito na si Gaspard at naiyak na din kaya napapayag siya. Binalikan nila si Loraine habang nakaupo sa gilid at nang makita niya muli ang baklang kaibigan ay bumalik ang ngiti sa kanyang mga labi at napatakbo upang yakapin muli si Gaspard habang emotional ding nanonood si Tantan. Pagkatapos nila bumitaw... "Payag na ako. Na sa bahay ka muna magpagaling at tumuloy para to keep it secret sa mga magulang you! Bruha ka!" "Thank you very much beshiewaps. How about your wife." "Kakapanganak lang niya noong first day of the month. Sorry, hindi ko kayo nasabihan kasi pati ako tinamaan ng sakit na dengui. Kala ko nga virus eh," ngiting kwento nito hanggang sa lumabas na iyong doctor. "Loraine Madrigal." Tinawag na niya ang pangalan kaya naghawak kamay si Loraine at Gaspard at nagyakapan muli. Pagkatapos ay niyakap naman ni Loraine si Tantan. "Maraming salamat sa inyo. Hindi ko kayo makakalimutan. Lalo ka na Gaspard. You're always there no matter what happened. This is only for good," anas ni Loraine. "I love you babe, take care always," sigaw ni Tantan at muli din bumalik ang ngiti sa kanyang labi. Habang naghihintay sila at inabot na ng alas dos. Biglang lumabas ang doctor na parang di mapakali. "Maraming dugo ang nawawala sa katawan niya. Kinakailangan niyo siya dalhin sa malaking hospital habang mas maaga pa." Nagulat si Gaspard at Tantan at napatakbo sila sa loob ng kwarto ng doctor at nakita ang babae na duguan ang ibaba at hinang hina. Mabilisan ito binuhat ni Tantan at tumakbo palabas si Gaspard upang paandarin ang kotse at isinakay nila. Pinabilis ng sobra ni Gaspard ang takbo ng kanyang kotse para lang umabot sila sa malapit na hospital ngunit nasa gitna sila ng kagubatan. "Please Loraine hold on. Please, wag ka mawala." Iyak na iyak na sambit ni Tantan. "You are strong, since childhood na ikaw lang nagtatanggol sa akin tuwing binubully ako dahil bakla ako. Please beshiewaps, malapit na tayo makarating sa hospital. Please don't leave us." Hagolgol ni Gaspard habang tuloy tuloy ang pagmamaneho. "Gaspard, please stop the car. I am seeing the light." "No, beshiewaps. Hindi!" "I am slowly seeing the shimmering light. I think I can't make it anymore. Please don't push it. Stop the car." Agad naman pinahinto ni Gaspard ang pagtakbo ng kotse at pumunta siya sa backseat sabay hinawakan ang kamay ng kanyang pinakamatalik na kaibigan na si Loraine habang duguan ito't nakasandal sa kasintahan. "Loraine, don't leave me. I need you, your family needs niyo. What about your dreams. Your boyfriend, tingnan mo si Tantan. Iyong lalakeng lagi ka pinapaiyak ay nagtino na tas ngayon ka pa bibigay," sambit ni Gaspard habang lumuluha. "Beshiewaps, I love Tantan with all of my heart. Same as to you. I love you both that I have to say that you have to love your wife as how we love each other. From enemies to friends to lovers. Hindi ka nagkulang sa akin, lagi ka nariyan kahit sa huling yugto ng buhay ko, hanggang sa huling hininga ko ay di mo ko pinabayaan. You need someone who has the same golden heart as you do And I can see that to Madeline. she is strong to carry a child in her womb compared to me. . You have loved different same s*x pero they keep giving you pain. I want you to be happy. Thank you for everything, tell mom and dad how much I love them." Hindi nagtagal ay binawian ng buhay si Loraine sa kotse mismo ni Gaspard kaya walang humpay na iyakan ang maririnig sa gitna ng gabi. ~~~ Pagkatapos dumating ni Gaspard sa condo ay dala dala niya ang isang pack ng beer habang duguan ang suot dahil sa pahid ng nasawing kaibigan. Pag akyat niya sa taas at pagpasok sa kanyang kwarto ay gulat siyang gising pa si Madeline na halos namamaga ang mata. "Oh, bakit gising ka pa?" masungit niyang tanong rito. "Hinintay kasi kita. Salamat at dumating ka." "Can't you see the time. Alas kwatro na." "Oo, alam ko. Ahmm... Gaspard, bakit duguan ang suot mo at parang umiiyak ka?" "It's none of your business, if you're thinking that I murdered someone. Then don't worry, kumatay lang ako ng manok para ipakain sa mga aswang sa probensya niyo," agad nilampasan ni Gaspard si Madeline matapos magbato ng mga sarkastikong dialogo. Dumiretso siya sa balcony at doon binuksan ang beer at tinungga habang umiiyak at sumandal sa may terrace. Inaalala niya ang kaibigan na pumayapa. Idinala na ni Tantan ang labi ni Loraine sa punerarya dahil hindi na niya kaya labis makita na huling beses na pala iyon na magsasama sila ng kaibigan. Doon lang din niya na-realize kung gaanu kahirap ang unwanted pregnancy gaya ng nangyari kay Madeline. Parang napaisip siya sa lahat ng binitawan na salita ni Loraine patungkol kay Madeline kung gaanu ito palaban at pinagpatuloy ang pagbubuntis lalo na't bata pa at maganda si Madeline ay mas pinili pa din niya buhayin ang mumunting anghel na iyon at magpakasal. Narinig niyang umiyak ang sanggol sa loob hanggang sa tumahan kaya napangiti siya. Hanggangsa marinig niyang mabuksan ang pinto ng balcony at iniluwa doon si Madeline. "Bakit di ka pa natutulog, wala kasama si baby." Ngumiti naman si Madeline, "Ok lang siya. Pinadede ko na kaya nakatulog. Ikaw, ang aga umiinom ka na." "Alam mo ba iyong pulis dati na pinuntahan natin. Iyong kukulong sana sa'yo dahil sa pagsasamantalahan mo ako." Ngumiti naman si Madeline, "Ahhh.. oo, iyong si Loraine." "Wala na siya." Hindi napigilan ni Gaspard at humagolgol siya ng sobra habang bumubuhos ang luha at tinungga muli ang beer. Nilapitan naman siya ni Madeline habang nagpipigil ng luha at iniisip na iiyakan din ba siya nito pag siya ang nawala. Hinimas niya likod nito at kinomporta, "Sige, ilabas mo lang ang sama ng loob mo, Ranz. Handa ako makinig." "She was gone kasi nagpa-abort pero naubosan ng dugo at hindi kami umabot ng hospital. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat because I let her do what she wanted. God is punishing me that I lost another sister." Nalungkot naman si Madeline, "Tahan na, naalala ko din noong nawala si itay. Ganyan na ganyan din ako. Walang humpay ang iyak. Pakiramdam ko pasan ko na ang langit kasi nagulat na lang ako at sinabi niyang may sakit siya at sa'yo pa niya sinabi. Natawa na lang ako kung gaanu ka kagusto ni itay para sa akin." Nairita naman si Gaspard sa sinabi nito, "Why do we have to talk about the past again, huh!" "Sorry." Iyon lang ang muling sambit ni Madeline kaya tumahimik sila at tinungga muli ni Gaspard ang beer na hawak. Hanggang sa nagsalita muli siya, "You know what. God is so unfair, kung sino pa iyong nagmamahalan na nagkabuntisan. They are the one who are sure of planning abortion. Habang iyong hindi naman nagmamahalan, sila pa iyong walang planu magpa-abort ng bata pagkatapos makabuo ng junakis." Hindi napigilan ni Madeline at tumulo muli ang kanyang mga luha dahil alam niya sa sarili niya na hindi aksidente ang pagdadalang tao niya kay Gaspard kundi kagustohan nilang dalawa iyon. "Alam mo Gaspard, tama ka. Pero hindi mo dapat sisihin ang diyos kasi may dahilan ang lahat." "Kaya ba hindi mo ako maiwan iwan?" Pagtataas kilay ni Gaspard. "Oo, hindi ko nga din maintindihan bakit kung sino iyong gustong gusto magka-baby ay sila pa nawawalan ng anak habang iyong mga nadisgrasyang nabuntis na sila pa iyong gustong gusto magpalaglag ng dapat ay blessing." "Huh, what do you mean b***h? Are you mocking my friend? I know she was wrong with her decision but you don't have the right to judge her." Pinandilatan niya ng mata si Madeline. "Hindi ko siya inaano. Dati kasi Gaspard. Noong may amnesia ka pa at ikaw si Ranz," agad naman bumuhos luha ni Madeline at gumaralgal ang boses, "Noong ikaw pa si Ranz. Mas may nauna pa sa anak natin. Pero nalaglag dahil sa sobrang trabaho ko dahil sa wala tayong pera at wala na si Itay na siyang bumubuhay sa atin." Nanlaki naman mga mata ni Gaspard sa narinig, "Oo, Pinagbubuntis ko siya noon Tatlong buwan nang makunan ako at mawala panganay na anak natin dahil sa sobra akong naapektuhan sa pagkawala ni itay at sa pagtatrabaho. Kami lang kasi magkasama sa hirap at hindi talaga kami pinaghiwalay ng panahon kahit wala akong ina. Kasabay din niya ang pagkawala ni itay ay sinurprisa mo ako ng kasal para di na ako mangulila at natuloy iyon. Tapos nangako ka sa akin na bibigyan mo muli ako ng anak para kalimutan ang unang nawala. Pinatigil mo ako magtrabaho para hindi na ako makunan muli. Ikaw ang nagalaga sa akin at hindi mo ako pinabayaan matapos ng matinding kadalamhatian at madilim na pagsubok na iyon kaya sobra mo nakuha loob ko at minahal din kita ng sobra, higit pa sa buhay ko. Nangako ka kay itay nang mawala siya na ikaw papalit sa kanya. Hindi ka nagkulang. Hanggang sa noong araw na mabuntis ako sa pangalawang baby natin ay tila tayo pinakamasayang magasawa sa buong mundo, hindi ko maipaliwanag kung gaanu tayo kasaya at paanu tayo magsisimula ng panibagi bilang isang maliit na pamilya kahit kahit kita natin sa probensya. Nagtrabaho, Mangingisda ka sa gabi at sa umaga ay umaakyat sa niyogan para may kunting kita para sa pagbubuntis ko. Kayod kalabaw. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na bumalik na memorya mo matapos malaglagan ng niyog sa ulo at iniwan mo na ako magisa. Kaya sinundan kita dito sa maynila at ginawa ko ang lahat. kasi asawa kita at nangako ka ng mabibigat na pangako na ikaw pa rin ang sasagip sa akin. At nalaman ko na lang ang totoo mong pagkatao na ganyan ka. Na isa ka palang binabae. Hindi ka naman nagkulang sa sustento kaya mas may malalim pa na plano ang diyos para sa atin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD