Third person:
Pagkatapos ng iilang oras ng paguusap at tataas na sana si Madeline sa kanyang kwarto ay bigla itong pinigilan ni Gaspard at hinawakan sa kamay.
"Wait, I'll go with you."
Agad naman nagulat ang kanyang mga magulang.
"Hijo, ang bilis naman. Buntis siya, baka maselan ang pagbubuntis niya at kakantuten mo na sia?"
Agad namang napasabunot si Gaspard sa kanyang ulo at lumipad ang itim sa kanyang mga mata.
"Mom, just stop. Yang preno ng dila niyo my ghad! Kahit nanay kita, puputolin ko talaga dila mo dahil ang laswa mo! Ugh! Wala kaming gagawin! Girl to girl talk lang."
Nainis naman ang tatay niya't sumingit, "Anong girl to girl? Ano to?"
"Ah! Dad naman. I mean iyong anak namin ay girl at paguusapan namin."
"Di ba two months pa lang siyang buntis."
"Nagpahula kasi ako sa quiapo ng gender reveal. Hahay! Si dad talaga. Sige na, need na namin tumaas. Don't worry, be happy at galaw galaw para di ma-stroke. Vavush!"
Hinila naman ni Gaspard ang kamay ni Madeline pataas ng hagdan nila.
Pagtungtong nila sa pangalawang palapag ay agad ito binitawan ng lalake at nagspray ng alcohol sa kamay.
"Oh sya! Asan ang kwarto na ibinigay sa'yo ni mudra? Dami guest room dito."
Itinuro naman iyon ni Madeline at agad sila pumasok doong dalawa.
Ni-lock naman ni Gaspard ang pinto nang kwarto at tinanggal niya ang amerikana niya nang nagulat siyang maghuhubad din ang babae kaya napasigaw siya.
"What the hell are you doing! Don't ever do that! Stop!"
Nahinto naman si Madeline at nalungkot, "Akala ko kasi may gagawin tayo kasi naghubad ka."
"Duh! Ghorl! I just removed my suit o amerikana dahil napakainit na. And for your information. Hindi tayo nandito para mag popyangan. Bakit ba hirap mo tanggapin na bakla ako at hinding hindi ako magkakagusto sa gaya mo na isang babae! My ghad."
Nagpout naman si Madeline at nagsalita muli, "Ano pala gusto mo sabihin o pakay mo bakit tayo nagkukulong ngayon sa kwarto."
"Because I did a condition na dapat mo sundan sa pagpapakasal natin."
Nanlaki naman ang mata ni Madeline, "Ano iyon."
"Okay, sit on that chair kitty so I could discuss it to you na bruha ka."
Pagkatapos nilang maupo ay agad naman kinuha ni Gaspard ang isang contract agreement sa kanyang office bag at inilapag sa table.
Tiningnan naman ito ni Madeline at mabagal niyang binasa.
"Oh, ghorl! Bakit ang bagal mo magbasa. May dyslexia ka?"
Nahiya naman tumingin si Madeline sa kanya, "Hindi, sa katunayan niyan eh hanggang highschool lang ang natapos ko."
Bumilog naman ang mata ni Gaspard, "Okay, if you think that's a big issue then pagaaralin kita. Now pay attention bruha! Ito ang mga patakaran pag kinasal na tayo. Look."
Lumapit naman si Madeline sa ituturo ni Gaspard sa Papel.
"First, walang s*x na mangyayari sa atin. But having s*x with others is okay because I'm gonna take home my boyfriends as long as I want. If may boylet ka at gusto mong kangkangan na o magpadilig na it's okay with me."
"Ranz, may boyfriend ka?"
"Oo nga dahil bakla ako."
"Nagbibiro ka lang ata. Diba ako lang mahal mo?"
"Kung hindi ka susunod sa condition agreement contract ko. Hindi ako magpapakasal sa'yo. Right?"
"Oo, pero bakit naman may ganyan?"
"Don't worry may isusulat pa naman ako magaganda dito. Hindi kita papahirapan just like what I said to you that I will make your life miserable like your entering hell gaya ng mga nababasa sa dreame platform. Instead, I am just goin to be nice to you. So mag agree ka na sa ganitong setup and were done."
Nalungkot naman ang mukha ni Madeline at napapikit, "Ok, payag na ako na dalhin mo ang boyfriend mo. Pero san siya matutulog."
"Great question. Were goin to live in my condo. There are 2 master bedrooms so the first one will be mine while the other will be yours."
"Ibigsabihin ba nun ay hindi na tayo magsasama matulog sa iisang kwarto?"
Lumaki naman butas ng ilong ni Gaspard sa sinabi nito, "Ofcourse because I am gay nga, kailan ba iyon mapapasok sa makipot mong kokote juice ko lord. Paanu na lang kung pagsamantalahan mo ako? Anyhow, let us jump na lang sa pangalawa which is pagaaralin kita. Oh diba bongga? Ako gagastos ng mga kailangan mo sa baby mo at sa hospital bills ng panganganak mo and if you need a maid. I can get one for you."
"Hindi Ranz. Sanay na ako sa mabigat na gawain sa bahay kaya di ko na kailangan ng yaya. Sobra sobra na kasi itong ginagawa niyo. Salamat. Tsaka hindi lang anak ko, anak natin Ranz."
Nag rolls eye ulit si Gaspard, "Whatever! Basta bahala ka. And the third. Wala na pakealaman ng kwarto. I will not mind your business or pumasok lang sa kwarto and the same with you ok. Knock before you enter kasi I love having my own privacy. Kung may kailangan ka lang ay saka mo ako tawagan. Is that clear. All the expenses will come from me. After I get the will testament, mag divorce tayo at hahatian kita ng mana ko kasi kung susuwertehin ako at mahanap ko ang love of my life, were gonna take a same s*x marriage sa states. Isn't that sweet?"
"Bakit naman ganun. Paanu na lang ang anak natin."
"Bakit ba masyado ka obsess sa anak mo? How can you be so sure na mabubuhay pa yan. If mabuhay, mahalaga na sinusustentohan ko. You can even find a man na love of your life dahil hindi lang naman ako lalake sa mundong ibabaw. The forth thing is everytime my family especially my parents will visit our place. Kunwari sa iisang kwarto ulit tayo para wala silang malaman na something about us. Don't ever mention about our condition contract agreement about marriage and never reveal to dad na bakla ako. Pati na din ang shupatid me. And last but not the least, never ever call me Ranz. Pag nasa bahay tayo. Mama, pag sa labas naman ay Gaspard. And don't you ever fall in love with me cause that will be too impossible for me to fall inlove back to you. Kasi kahit i-dissect mo pa ako, pusong mamon o bakla pa rin ang makikita Mo. I will just treat you like a little sister or girl bestfriend. Deal?"
Iniangat naman ni Gaspard ang kanyang pinkie finger. Wala naman magawa si Madeline kaya nangako na lang na tumupad sa kanilang usupan para mas lalo pa niya itong makasama ng maaga dahil mahal na mahal pa rin niya ang lalake.
Hanggang sa pirmahan na nilang dalawa iyong marriage condition agreement contract.
"I'll give this to my lawyer and walang bawiin. Come here. Biso biso tayo."
Ngumiti naman si Madeline dahil sa biso biso nila sabay nagyakapan sila. Doon lang ay gusto nang maiyak ng babae dahil sa ramdam ulit niyang magkadikit ang kanilang mga katawan gaya ng dati.