CLAIRE's POV Nakagat ko ang ibabang labi at hindi inalis ang tingin sa harapan. pinakiramdaman ko ang paligid at ramdam ko pa rin ang dalawang baril na nakatutok sa magkabilaang gilid ko. Kong sisigaw at papalag naman ako paniguradong patay ako dito. Pero kong kailangan nila ako, hindi naman siguro nila ako basta basta papatayin 'di ba? Hays! badtrip naman talaga, kong kelan ako nagmamadali dahil magluluto pa si manang Bel tiyaka naman may mga pangit na epal. Lagot ako nito kay manang Bel! Lagi pa namang galit iyon, mahirap kausap ang menopause! Tinaas ko ang kamay ko para kamutin ang noo ko pero mukhang naalarma naman ang dalawa dahil napatingin ito at mas lalong tinutok ang baril sa katawan ko. "Chill! kakamot lang ako... pati ba naman pag kamot bawal? masyado na kayo ha! napaka O.