Kasalukuyan kong nililinisan ang sugat ni Dame, hindi ako makatingin sa kaniya kasi kanina niya pa ako tinititigan, masyado kasing pabebe kanina nakaka asar. "Is he really gay?" napaikot naman ang eyeballs ko ng marinig ko na naman ang tanong niya, paulit ulit kasi naka sampong beses na siya sa tanong na 'yan. "Bingi ka ba Dame? kanina pa 'yang tanong na 'yan ah," nakasimangot na ako rito, kanina pa niya inuulit 'yang tanong na 'yan, parang narindi na nga ang tainga ko. Binalot ko na ang sugat niya nang matapos ko lagyan ng betadine. Aalis na sana ako ng hinatak niya ako pahiga at niyakap. "Dame mag ta-trabaho pa ako, " sabi ko at tinulak ng mahina ang dibdib niya pero di ako makaalis "Just stay, I'm your boss remember? so 'wag ka muna mag trabaho," "Eh kaya nga ako nandito kasi m