NAPAKAHAROT NG ASAWA ko. “Aba, Mr. Havard, kapag hindi ka pa tumigil ng panunudyo mo sa akin, hindi na kita ipagluluto kahit kailan.” “Sabi ko nga, titigil na ako. Shut up na talaga ako.” Hindi pa rin mabura ang ngiti sa labi. Ang hudyo, ang lakas kumain, mumo na lang ang natira. Ngayon naman ay uminom ng mango juice at nang maubos ay inilagay sa night table ang tray. “Come here,” sabi niya sa akin. “Bakit? Baka may pinaplano ka na namang kalokohan. Sinasabi ko sa ‘yo hin--- B!” Napahiyaw ako nang higitin niya ako at nag-landing ako sa ibabaw niya. Ngayon ay nakakulong na ako sa kanyang bisig at masuyo akong hinalikan sa aking labi. “Thank you for my breakfast. I love you, Pinky.” “Y-you're welcome,” bahagya pa akong nautal. Natawa naman ito ng bahagya. “Now, I’m ready for my de