SHHS 17 Dianne's Point of View "Nakita niyo na ba yung baklang nanalo sa Mr. SCU? Grabe ang gwapo pala talaga niya." "Oo nga eh. Ang manly na niya. Ano kayang meron noh?" "Nakaka-panibago nga eh! Pero ang gwapo niya talaga!" "Sobra! Feeling ko nagka-crush na ako sa kaniya eh." "Hoy nauna ako!" Yan ang iilang bulungan na narinig ko pag-pasok sa classroom namin. Noong isang araw ko pa naririnig ang issue na yan at may hinala na ako kung sino ang tinutukoy nila. "Si Michael ba ang tinutukoy nila?" Tanong ko kay Sara. Tumango naman ito habang inaayos ang salamin na suot. "Oo. Nakita ko siya kahapon, ibang-iba na ang itsura niya ngayon sa noon." Sagot niya. Hindi ko pa nakikita si Michael eversince matapos ang Mr. SCU. Magka-layo rin naman kasi ang classroom namin kaya hindi madalas