Chapter seventeen ELLIE’S POV’S Hindi na ako nagtagal pa sa stadium, pumunta kaagad ako sa clinic ni doctor Mariko matapos magamot ni Albie para gamutin mga sugat ko, lalo yung nasa likuran. Nauna na si Albie doon, pinauna ko na, hindi kami pwede magsabay, baka may makita syang iba kapag ginagamot ako ni doctor Mariko sa likod Nagdahilan na lamang ako kanina upang hindi ako makasabay sa kanya. “Makatagal ka kaya ng isang taon dito kamahalan?” tanong sa akin ni doctor Mariko “Araya ray, ang hapdi” “Ganito talaga dito, kailangan mo magtiis kagaya ng pagtitiis mong magpanggap bilang lalake” “Dahan dahan, aray! Ang sakit” Tumigil sya sa paggamot sa akin at umupo ng maayos “ Alam mo kamahalan, wala pa yan sa mga susunod mong pagdadaanan, halos lahat ng tao dito sa Memphis may peklat, m