Chapter nineteen ELLIE’S POV’S Sabado ngayon, at utos sa amin ng head master ay maglinis ng kwarto, lumabas ako kanina para kumuha ng mga gagamitin panglinis, nasa malayo pa talaga, sa may gate malapit Wala pa akong kasama magbuhat, yung kasama ko sa kwarto nandun lang nakaupo nakataas pa ang paa sa mesa. Wala talagang balak yun tumulong kahit kalian, pero body guard ko sya kaya kailangan niya akong tulungan, kaso hindi ko sya mautusan, minsan kapag hindi naman sya tinatawag, kusa syang lumalapit, at sa sitwasyon pa na naiipit ako minsan. Timing lagi si Jin dumating, minsan in a good way minsan naman bad way. Humiram ako ngayon ng pang agiw, pabalik na ako sa kwarto, wala paring pagbabago yung pwesto ni Jin, nasa tapat parin ng table nakataas ang paa habang hawak ang cellphone niya,