Chapter eleven ELLIE'S POV'S Hindi ko alam na mag tratraining pa muna sina Captain at Jin bago namin umpisahan ni Captain yung special training ko, ngayon nanunuod lang ako dito sa tabi habang nagsasanay yung dalawa. Parang naglalaro lang sila sa ginagawa nila. Mga bihasa nga naman "Oh Ellie, naiinip ka na ba?" tanong ni captain saken Nakahalumbaba kase ako habang nakaupo dito sa ilalim ng puno, at muka na siguro akong inaantok, kase yun naman talaga ang nararamdaman ko. Hindi ako sumagot sa tanong ni Captain "Kayo naman ni Jin.." sabi ni Captain saken Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko, tinulak pa ako para tumayo kase hindi ako tumatayo, nabigla kase ako sa sinabi niya, kami ni Jin ang magsasanay? Patingin tingin lang ako kay Jin na nakatayo habang hawak ang espada niya, mu