Chapter twenty two ELLIE’S POV’S Biglang pumasok si Captain sa kwarto namin ni Jin, mukang good mood si Captain habang palapit sa amin ni Jin Nag aayos na ako ng gamit, papasok na kase ako, ganun din si Jin, pero maaga pa kaya nagpapatagal ako syempre. “Madaya kayong dalawa, iniwan niyo ko” Hindi umimik si Jin, ako napangiti kay Captain, pasensya na, alangan hintayin kita hanggang matapos ka, edi sumama na ako kay Jin pauwi “Pero masaya naman ako, hahaha, ang sarap sa feeling” hindi naman ata marunong magalit si Captain, parang lang ah, pero bakit ang daming natatakot sa kanya, pati kay Jin? Napakajolly niya ngang tao, tapos kinakatakutan, hays, ganyan talaga ang mga tao kapag hinusgahan kana base sa panlabas hindi sa pagkatao mo Hindi parin naimik si Jin, nagpupunas sya ng sapatos