Chapter fifteen ELLIE’S POV’S Matapos sabihin ni Justine sa amin yung anunsyo sa bulliten board nagpaalam muna ako na may kukunin, iniwan ko silang dalawa ni Albie doon Pero ang totoo, gusto ko mapag isa, kinakabahan ako sa mangyayare sa akin, kung anong kakahinatnan ng isasagawa nilang TEN Alam ko na ang patakaran sa TEn kaya ako kinakabahan ng ganito matira ang mabuhay Bakit napanghihinaan ako ng loob ngayon, hayst Ellie wag kang ganyan mag isip, umiling iling ako para baguhin mga iniisip kong kanegahan, nakakalugmok kapag nakakaisip ka na mamamatay ka na sa araw na yun Iniisip ko kase na ito na ang huling araw ko, na hindi ko na makikita ang dati kong imperyo, na hindi na ako makakabalik ng buhay, unang sabak ko to sa TEN kaya ganito pakiramdam ko Kailangan ko magpakatatag, Ellie