Chapter 10.2 Ang daming nangyari ngayon pero ang sama ng pakiramdam ko. At tulad ng sinabi ko kanina, hindi naman sa masama as in may sakit. Badtrip lang talaga ako sa lahat ng nangyari ngayon. Makalabas nga para ma-cool down ulo ko. Nasa pinto na ako ng Main Cabin palabas, nang may nakita akong mga tao sa labas. Dalawa sila, isang babae at isang lalaki at dahil sa kulay ng kanilang mga buhok alam ko na pareho silang ice person. Nakasandal sa fountain ang lalaki at dahil sa lagi ko siyang nakikita, kahit side view lang nakikita ko, kilala ko siya. Si Jethro na naka-cross arms. Ang babae naman ay nakatayo sa harap niya na nakayuko ang ulo. Binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan at sumilip. Hindi naman sa chismosa pero medyo malakas ata ang pinag-uusapan nila kaya naririnig ko. “Prince Je