Chapter 10

2137 Words
Chapter 10 "Ano po Prof? Kami po yung magiging healer sa combat class ng mga elites?" pag-uulit ko sa sinabi ng aming adviser. Why bakit? Sa lahat ng gagamutin namin ni Minari ang mga elite monkeys pa! Tumigil sa pagsusulat sa class record si Professor Finn at napabaling ang matalim na tingin niya sa'kin. Halatang stress na stress siya ngayon. "I don't want to repeat myself, Since the two of you are my top students. I leave that task to you girls... Now go!" "Sige po alis na kami professor." sagot ni Minari. Hindi na sumagot si Prof at pinagpatuloy ang trabaho niya. I mentally sighed. Sinunod ko ang advice ng iba na umiwas sa mga elites. Matatamasa ko na sana ang peaceful school life ko dito, kaso hindi talaga maiiwasan na mag krus ang landas namin! Makakaharap ko ulit sila. Grr! Ang lakas ng kutob ko may masamang mangyayari. "Oh? Anong ningingiti mo d'yan? Ahh... Kasi andoon si Gray?" sabi ko kay Minari. She make a silence gesture. Hinila niya ang sleeves ko para mag bend sideward ako. "Wag ka ngang maingay, masaya ako dahil tayo ang tinalagang healer nila... Dagdag points pa'to sa grades natin, kaya wag ka na sumimangot d'yan." She said then chuckled. Sana lahat masaya makita ang crush nila. "Teka sa training hall ba tayo pupunta?" "Hindi doon tayo sa Grand Dome pupunta." sagot ni Minari. "Wow! Sosyal sa Grand Dome talaga ang training ground nila." Alma ko. "Dapat lang dahil mga high level spell attacks ang ginagamit nila sa training, kapag sa training hall sila panegurado mawawasak ang buong lugar." Hmm make sense. Gusto ko rin makita sa personal ang sinasabi nilang the big six elite students kasama na doon si Shawn at Gray. Ayon sa kanila mula sila sa mga noble tribe family. Malayo pa kami sa dome narinig ko na 'yung malalakas na pagsabog. Pagpasok namin yumanig ang buong dome. Parang gusto tuloy umurong ng mga paa ko. First time ko makapasok sa battle dome. Sabi nila pinapalutang daw ito sa ere tuwing magaganap ang annual magic tournament. Sa sobrang laki nito kaya nitong mag okupa ng mahigit kalahating milyon na manonood. Nangangalay na nga ang paa ko sa kakalakad para lang makarating sa center ground. Napaatras kami ni Minari ng biglang tumama ang tipak ng bato sa forceshield. Akala ko matatamaan kami nun. "Fvcking lates." "Ay! Sorry po professor Gurran!" ani ni Mina. Putcha! Bakit nakalimutan ko na adviser at combat trainer ng mga elementalist si Sir. Sumimangot ako sa kanya as usual wala paring interesting na nangyayari sa blanko niyang mukha. Agad siya tumalikod, hinila ako ni Minari pasunod kay Sir. Habang binabaktas namin ang daan patungo sa healer's station. Nanood ako sa laban ni Kairo at nang lalaking may blonde na buhok. Iyong guy na aksidente ko nahawakan ang crotch. Kaasar! Ang malas ng araw na'to. Nag cast ng fire type magic si Kairo at ibinato iyon sa opponent niya, pina-angat ni Blondie ang tipak ng lupa upang protektahan siya nito. 50/50 ang laban dahil kung physical strength ang pagbabasihan tiyak si Blondie ang panalo kung power attack naman at damage ang pag-uusapan panalo si Kairo. Noong bata pa ako gusto ko magkaroon ng fire Magic, sana iyon ang ability ko. Namangha ako nang magpa-ulan ng apoy si Kairo, ang astig! Sa tingin ko ang pinakawalan niyang atake ay isang Graduate type spell magic! Hindi nagpatalo si Blondie gumawa siya ng giant spear na gawa sa Crystal at binato ito sa direksyon ni Kairo. Gamit ang fireblast nawasak iyon ni Kai at nakahanap siya ng pagkakataon para atakehin ng malapitan si Blonde. The blonde guy let his guard down kaya tumalsik siya sa malakas at nag aalab na suntok ni Kairo. Ang cool talaga ng ability niya! Buhay pa kaya si Blondie? Kapag ako 'yun tiyak wasak na ang buong katawan ko sa sobrang lakas ng atake na pinakawala ni Kairo. Dumating na kami sa healer's station. "Hello! Good thing dumating na rin kayo, I need some hands here." bungad sa amin ng babaeng may ombre hair. I remember her siya 'yung cute na babae na naawa sakin noong binully ako ni Pink hair girl. Lumapit agad si Minari kay Airus na nasugatan ng matindi. Si Airus hindi siya kabilang sa big six pero parte pa rin siya ng Elite section of Elementalist. "Bakit kayo andito, nakakahiya nakita niyo pa ako sa ganitong hitsura." sabi ni Airus. "Obvious naman diba andito kami para gamutin kayo..." pangbabara ko sa kanya. "Gardenia! Do your fcking task, stop gawking around!" sermon ni Sir sakin. Putek! Nakalimutan ko andito pa pala si Sir. Agad ako lumapit kay Airus, may malaking sugat siya sa t'yan na kailangan agapan ang pagdurugo. Kapwa na kami nakahinga ng maluwag ni Minari nang umalis na si Sir para manood ng combat match. Napatingin kami at napamangha dahil may alaga Flower pet yung babae na may ombre hair na ngayon gumagamot sa mga sugat ni Airus. "Ah... By the way I'm Shara Roseville ako ang part time healer ng elite section pero i can be a monster sa battle ground... and you must be Rhein Gardenia right? And you are?" pa cute na pag papakilala samin ni Shara. "I'm Minari Leonel, nice to meet you." nag shake hands sila ni Minari sabay smile ng matamis. Tsk! Sa ibang mage ang bait ng babaeng 'to, kung sakin kulang na lang dumugo ang tenga ko sa kaka-sermon niya. Kulang na lang talaga iisipin ko na si Minari at si Mama ay iisa. "Pasensya na kayo kay Professor Gurran, always talaga siyang strict sa ibang students... Pero kapag nakilala niyo siya ng lubusan you will like him eventually..." chika ni Shara sa amin. Hmmm? Sa tingin ko maraming alam si Shara Girl tungkol kay Sir. "Ilang taon na si Sir?" tanong ko kay Shara. Sinimulan ko na ang mana healing ko sa t'yan ni Airus. Curios talaga ako sa age niya. Malay natin 60 years old na pala siya. Everything is possible in this world kayang mag mukhang bata ng isang matanda. "Mmmm... He's still 19 years old." simpleng sagot ni Shara. "WHAT THE DAFUQ!" reaction ko. "ARAAAAAAY KO PO!" na parami ko ang pagpasa ng mana sa katawan ni Airus kaya humamdi ang sugat niya. "Ay sorry Airus." pag hihingi ko ng pasensya. As in 19? Two years lang ang gap namin. How come he became a professor in such an early age? and Diba may asawa na siya? Grabe. "Wag niyo muna kasi unahin ang tsismis gamutin niyo muna ako!" reklamo ni Airus. Since close na kami ng slight tinampal ko yung noo niya. "Manahimik ka kundi tutuluyan talaga kita!" banta ko sa kanya. "Rhein, maghunos dili ka nga wala tayo sa department natin." awat ni Minari sakin. Narinig namin tumawa sina Airus at Shara. "Totoo nga ang sinabi ni Airus that you're so funny Rhein... I hope magiging magkaklase tayo." ani ni Shara. I hope not dahil mamamatay ako ng maaga sa mga nilalang na'to. "Pero seryoso 19? Ilang taon na ba siya nagtuturo dito?" curios na tanong ko kay Shara. Tumikhim si Minari at malisyosong tumingin sakin. Hindi ko crush si Sir noh? Slight lungs. "Mag the-three years na siya simula ng magturo siya dito nag improve sa pakikipaglaban ang mga warrior and support major dahil sa strict way of teaching niya... He's a prodigy na ipinasok ni Head Master dito." So? 17 siya simula ng magturo siya dito hanep ang galing. Sa murang edad na promote agad siya bilang head teacher ng elementalist department. "Nakita mo na ba ang asawa niya?" tanong ko. Diba sabi ko Lubos-lubusin ko na makakalap ng information na magagamit ko kay Sir. In case pahirapan niya ulit ako. "Yes. She's cute bagay na bagay sila ni Sir." sagot ni Shara. Ouch. Joke! Natapos na namin pagalingin si Airus. Bago siya magpahinga pinainom namin siya ng regeneration potion di naglaon nakatulog na siya. Hindi biro ang training ng mga elementalist. Buhay ang tinataya nila dito. Pumasok ang isang elementalist na may kargang duguang lalaki sa likod. Putcha si Blondie! "Shara, si Lenard hinimatay pagkatapos sermonan ni Prof." ulat ng lalaki nakahinga ako ng maluwag mabuti at wala siyang malay. Ako naman yung naatasan gumamot ng minor injury ni Kairo. "Rhein." baritonong tawag niya. Ako naman itong naguluhan dahil alam niya ang pangalan ko. Well, naging aso nga naman ako ni Shawn minsan. "Kailan ka bibisita sa Fuegos? Hinahanap ka na ni Ina." turan ni Kairo na kinagulat ko ng sobra. Teka? Kaano-ano ba ng dating Rhein si Kairo? "Huh? Bakit ako bibisita doon?" "Nagbago ka na nga Rhein! Hindi mo ba naalala na magpinsan tayo?" "HAAAAAAAAAAAA?!" Malakas na sigaw ko sa pagmumukha niya. Oh well, apat mage lang naman ang nakakaalam tungkol sa Identity ko. Mukhang wala pa siyang idea na ibang tao ang kaharap niya. So pinsan ko pala ang kinatatakutan na fire mage ng Rune Academy. "Ah... Oo pinsan sorry... nakalimutan ko madami kasi akong inaabala." He heaved a sigh, close his eyes and rested his back on the chair. "You're weird, ituloy muna ang panggagamot sakin." Muntik na ako dun ha? Pagkatapos ko gamutin si pinsan kuno. Lumabas ako ng healer's station. Isang digmaan ang sumalubong sakin Shawn vs. Professor Gurran. "Are they gonna spend a whole day again? Ugh, Alam naman natin na walang nanalo sa kanilang dalawa palagi draw." rinig ko na sabi ni pink hair kay Angela... Si Angela yung may freckles sa mukha na parang maarte. Automatikong umangat ang kilay ni Angela nang makita ako. "What are you staring at Rank Dog?" maarte na bati nito sakin. Patay! Nakakaamoy ako ng mga mean girls dito. "Excuse me hindi na po ako rank dog... Rank C... na po ako AS IN C FOR CHARMING!" enemphasize ko pa yung C para damang-dama nila. Umirap si Angela at tiningnan lang ako ni Pink hair girl. Attitude kayo girls? Tch. Binalik ko ulit ang attention ko sa laban, Napapitlag ako ng pareho sila nagpakawala ng malakas na light force mula sa kanilang kamay. Halata ang pagod sa mukha ni Sir. Gurran. Totoo ngang si Shawn ang pinaka malakas sa academy dahil ang professor niya mismo ang nakatapat niya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag sulyap ni Shawn sa direksyon ko. Kinilabutan ako ng maramdaman ko ang malakas na aura na nagmumula sa kanya. Lumakas ang ihip ng hangin sa loob ng battle ground. May malaking magic circle ang lumitaw sa paanan nilang dalawa. Don't tell me they're casting an ultimate type magic? Pumikit ako nang magliwanag ang buong dome. Nakakasilaw.... Di naglaon dumagundong ang malakas na pagsabog. Nag-alala ako bigla sa kaligtasan ni Sir. Gurran. Nang mawala ang liwanag agad ko hinanap si Gurran. Mabuti at nakabuo agad siya ng force shield at Napa-protektahan niya ang kanyang sarili iyon nga lang ay natumba siya sa sobrang panghihina. Ang lakas ni Shawn. Sa iglap lumitaw si Shawn sa tabi ko. "Did I impressed you?" swapang na tanong ni Shawn. "Opo." untag ko at nag madali na bumaba sa battle ground. Lumapit ako kay Sir. Nakaupo pa rin siya sa sahig. "Sir? Kailangan niyo ng tulong." He stood up. Nakababa ang ulo niya kaya hindi ko makita ang expression niya. Is he in pain or what? "I'm... fine." He mumbled. Muntik siya mawalan ng balanse pero agad din siya nakatayo ng maayos. Hindi ako expert pagdating sa spell casting pero nasabi ko agad na isa iyong destructive magic na kayang pumatay ng isang daang buhay. Hindi na ako nakapagtimpi inaalalayan ko na siya. "Diba sabi ko..." "Frince... You're in a bad shape, gagamutin kita." seryosong untag ko for the first time nakinig siya sakin. Palihim ako ngumiti. I called him by his first name again. Hindi kami dumiretso sa healer's station. Pinaupo ko si Sir sa sahig. Dumadaloy na yung dugo mula sa ulo niya. Wala akong dalang pamunas kaya hinubad ko ang uniform ko at pinunas doon. Nagsimula na ako gamutin ang sugat niya. We're silently staring at each other's eyes. Hindi ako naiilang dahil gustong-gusto ko talaga titigan ang mapupungay na mata niya. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko na gumagamot sa sugat niya. He pulled me closer and hugged me. Bumalis bigla ang pagtibok ng puso ko. I felt an unknown tickling sensation inside my stomach. "Sir?" "I miss you." bulong niya. Dilat na dilat ang mata ko. Kumalas siya ng yakap nais ko pa sana siya kausapin ngunit nawalan na siya ng malay. Hindi ito tama. Bukod sa professor ko siya may asawa siya. Hindi ako dapat makaramdam ng pagmamahal sa kanya. Maybe nag de-delusion lang si Sir. Akala niya seguro ako ang asawa niya. Isang hakbang na lang talaga at mahuhulog na ang loob ko sa kanya. -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD