Chapter 20 "Ayaw ka raw kausapin ni Minari," tugon ng classmate ko noon sa healing class. Gusto ko malinawan sa naging atraso ko sa kanya. Kung bakit bigla na lang ako iniiwasan ng kaibigan ko.Dahil ba nakipag-away ako? May nasabi ba akong mali noong nakaraan? Ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin. Kung space ang kailangan niya hindi ko ipagkakait iyon. Sumilip muna ako kay Minari dito sa may pintuan bago ako tumalima, kahit isang sulyap lang ay hindi niya ako pinagbigyan. Labag man sa aking loob umalis na lang ako. Kabagot naman. Kung saan natutuwa ako ngayon araw na'to dahil sa combat class ko. Sumabagal naman itong si suspension. Busy ako sa pagtipa ng scroll ng may biglang lumitaw na portal sa paanan ko. My heart took a leap. Nahulog ako doon sa portal at bumagsak sa lupa.