Danica's POV "Happy birthday!" Awtomatiko akong napangiti nang bumukas ang silid ng aking kwarto at doon ko nakita si Kuya Denver at ang asawa niya na si Sasha. They looked like a power couple wearing their elegant suit and dress. "Kuya! Sasha!" Kaagad nila akong niyakap nang tuluyan na akong humarap sa kanila matapos kong ikabit ang aking dalawang hikaw. "You looked stunning." Sumilay naman kaagad ang aking ngiti sa labi nang purihin ako ng aking kapatid. "Thank you, Kuya." Awtomatiko akong napatingin sa medyo may kalakihang rectangular box na hawak-hawak niya nang iabot niya 'yon sa akin. Napakurap ako bago ko muli silang tinignan na ngayon ay may malapad na ngiti sa kanilang mga mukha. It's a black rectangular velvet box tied with red ribbon. I know it's a gift, but I still as