IV: His Glares

2705 Words
Danica’s POV “Hmm, your new house is nice.” Tinanggal ko ang pagkakabit ng seatbelt bago nilingon si Sandro sa aking tabi. “You’re talkative.” Suplada kong wika sa kanya bago inabot ang aking purse. “You’re mean.” Hindi ko ito pinansin atsaka tuluyan ng lumabas sa kanyang Jeep wrangler na sasakyan. He had a good taste is choosing a car. Sinara ko ang pinto ng kanyang sasakyan ngunit hindi ko inaasahan na mapalakas ko ito. “What the—hey! Magdahan-dahan ka naman.” Salubong ang kilay niyang saad sa akin. Hihingi sana ako ng pasensya pero hindi niya deserve ‘yon. “Thanks for the ride. I hope I won’t do this again next time.” Maldita kong saad bago ito tinalikuran. “Ah, by the way, this is isn’t my house,” wika ko sabay turo ng malaking bahay sa aming tapat na pagmamay-ari ng aking mga magulang. “Hey!” Mas lalong nag salubong ang aking kilay nang tawagin niya ako ng ganon. I have a name, assh*le. “What?” Inis ko itong nilingon na ngayon ay nakatingin sa akon habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa manibela ng sasakyan. “Consider my offer—“ “No. Get lost.” “Danica, walang mawawala—“ “Shut up.” Narinig ko itong napatawa habang naglalakad na ako papalapit ng gate. Hindi ko naman maiwasang mapahinto atsaka ito muling tinignan sa aking balikat. “Anong tinatawa-tawa mo diyan? May nakakatawa ba?” “Nothing. It’s just that…” muli itong napatawa atsaka napailing sa pagkakataong ito. “May naalala lang ako. Ganitong-ganito ka nong first monthsarry natin. You’re very firm in your decision not to join me in riding a rollercoaster, pero bumigay ka rin nong magmakaawa ako.” Natigilan ako sa kanyang sinabi lalo na’t nakangiti na ito ngayon habang kinukwento niya ang nangyari nong nakaraan. Bigla akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko rin maiwasang maalala ang sandaling ‘yon. It was the best monthsarry I’ve ever experience… “S-Stop saying those nonsense.” “Nonsense? Ang alin? Yung monthsarry natin?” “Will you stop? Bakit ba sinasabi mo yan na parang wala lang? You’re pursuing somebody else yet here you are, trying to reminisce with your EX and even offered something—“ “Why?” Natigilan ako nang mas titigan niya ako lalo. “Why do you seemed bothered? Are you still affected, Danica?” Palihim akong napalunok nang ibato niya ang tanong na ‘yon sa akin. “Perhaps do I still have an affect on you—?” “No.” I immediately cut him, trying so hard not to show any emotions as of the moment. “The moment I broke up with you, your presence never matter to me.” I saw how he was taken aback for what I’ve just said. Ngayon ko lang na pagtanto na medyo masakit ‘yon… “I see…” tanging tugon niya bago hinarap ang kalsada. “I must go, I have more important matters to do.” Kaagad na niyang pinaharurot ang sasakyan paalis sa oras na binuhay niya ang makina ng kotse. Nanatili akong naestatwa sa aking kinatatayuan bago napabuga ng hangin atsaka tuluyan ng pumasok sa loob. Ito talaga ang pinakaayaw ko sa sarili ko. Minsan ay may masasabi na lang akong mga salita na dapat pagiisipan ko muna bago sabihin. And it was too late for me to take it back the moment I open my mouth. NAKAPALUMBABA ako habang nakatulala rito sa isang boutique kung saan nagsusukat kaming dalawa ni Mom ng gown na pwede naming suotin sa nalalapit na birthday party ng kaibigan ni Papa. We are invited into the said party so we have to prepare as a member of elite society. Ito rin ang ayaw ko eh. Paniguradong may ipapakilala na naman si Mama sa akin sa tuwing sasama ako sa party na ganito. Kung tutuosin, dapat may asawa na ako sa edad kong ‘to at nagsisimula ng bumuo ng pamilya. Yet here I am, single, and doesn’t have any single child. Hindi man halata pero thirty years old na ako. I know. I know you might probably think that I’m old enough to start a family pero hindi ko pa talaga alam kung magagawa ko pa ‘yan. May mga babae namang matagal nakasettle ah. And being single at the age of 30 is just common nowadays. We’re just a career woman and doesn’t have any interest in dating yet. “Sweetie, this silver gown suits you.” “Okay po, yan na lang ang susuotin ko.” “Are you sure? Hindi ka man lang naghanap ng sarili mong gown dito.” Hindi talaga dahil wala akong gana na maghanap ngayon, mom. “I trust your taste, mom. So, if you think that that gown is beautiful on me, I’ll consider it right away.” Nakangiti kong wika sa kanya na kaagad naman ikinatuwa ne’to. My mom is already in her mid-fifties yet here she is, standing so gorgeous in front of me. Parang hindi man lang tumatanda ang sarili kong ina. Nasa paboritong boutique lang naman kami ni mom ngayon. If I’m not mistaken, this is owned the daugther of my mother’s close friend, Tita Arlene. “Ah, nga pala Danny, naalala mo naman siguro ang ninong Carter mo hindi ba? Ang kaibigan ng papa mo.” She said, pertaining to the man who’s birthday is a few days from now. “Yes, mom. Why?” Wika ko bago ko ibinaling sa kanya ang aking atensyon mula sa aking cellphone. I am trying to text Harper to ask Noah’s cellphone number. Hanggang ngayon, hindi parin ako nirereplyan ng bruha. Maybe she’s busy in her career. “You know what? He has a son.” Oh, here we are again… “Mom—“ “Here me out first, please?” Aniya atsaka hinawakan ang aking kamay. Napabuga na lang ako ng hangin bago tumango sa kanya. “Fine.” “You should meet him! He’s single as well, I heard he’s 32. Diba mas gusto mo ang mga lalakeng mas matanda pa sa’yo?” Yes, I certainly am. At hindi ko inaakalang sa buong buhay ko ay may pagkakataong papatol ako sa lalakeng malaki ang agwat sa edad ko, sobrang bata pa. For example: Sandro Hidalgo. “I’ll try to consider it.” Masayang ngumiti sa akin si mama bago namin kinuha ang gown na binili na namin sa boutique. A 32 years old single man. Hmm, that’s a quite interesting bachelor. Ano kaya ang dahilan at bakit sa edad niyang ‘yan ay single parin ito at walang napupusoan? That’s one thing I want to know first the moment we met. “HARPER, alam mo ba ang address ni Noah?” Sambit ko sa kabilang linya. Ang bruha, noong nakaraang mga araw ko pa tinetext at sinubukang tawagin pero ngayon palang kami nagkausap ulit. “Ang alam ko lang ay ang luma niyang address. I have no idea about his new address right now. Nagstay rin kasi siya sa France ng dalawang taon bago umuwi rito.” I put my phone on speaker mode before placing it on top of my vanity table. Nag-aayos kasi ako ngayon para dumalo sa party kasama ang mga magulang ko. Today is my godfather’s birthday, Ninong Carter. “Ah ganun ba?” Tanging tugon ko. Nagtext rin kasi ako ni Noah pero hindi pa ako nirereplyan. Si Sandro kasi! Dapat hindi niya ginawa ‘yon! Paano kung ayaw na sa’kin nong tao? He’s stealing my opportunity to be possibly in a relationship again after those 6 years. Hindi ako papayag na siya lang ang nakakamove-on sa aming dalawa. “Hey, Danny, what’s the real score between you and Sandro?” Napatigil ako paglagay ng blush nang marinig ko ‘yon. “A-Anong ibig mong sabihin?” “Inuwi ka ni Sandro nong gabing ‘yon hindi ba? To be honest, I never expected him to be there. Kaya nagulat ako nang makita ko silang dalawa ni Noah na parang pinag-aagawan ka.” Biglang uminit ang aking pisngi nang sabihin sa’kin ‘yon ni Harper. God! I’m 30 years old, why do I feel something like this? “P-Pinag-aagawan nila ako?” sabi ko sa kanya bago palihim na inilagay ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga. “Yeah, akala ko nga magkakasakitan na silang dalawa. Buti na lang at nakarating kaagad ako.” I pressed my lips firmly to suppress my smiles pero kaagad din akong natigilan nang mapagtanto ko ang aking naging reaksyon. “W-We’re obviously ex lovers, Harper, anong klaseng tanong ba naman ‘yan?” Naiiling kong wika na tila hindi makapaniwala sa kanyang mga sinasabi. “Hmm, I see… Alright! I gotta go, Danny. May shoot pa akong aasikasuhin. Good luck sa party mamaya! May you finally get laid.” Natawa ako sa huli niyang sinabi bago nagpaalaman na rin. Hopefully, I’ll finally get laid tonight… 6 years is enough— actually it’s too much for me to wait that long. Hindi na ako magpipigil sa pagkakataong ito, lalo na’t alam ko nang may ibang babae na palang nagugustohan si Sandro. Who knows? He might already did those things with her. Sobrang unfair naman ata sa side ko kapag ipagpapatuloy ko pa ito na parang sobrang faithful ko sa kanya eh wala namang kami. Ugh! This is making me frustrated. “Danny! Are you done?” “Yes mom! I’ll be there in a sec.” Tumayo na ako atsaka tinignan ang aking sarili sa harapan ng salamin sa huling pagkakataon. What a goddess… Sobrang ganda ko talaga. I put my hair to a bun to showcase my flawless back. Buti na lang backless ang gown na ‘to, isa kasi ang likod ko sa pinakasexy’ng parte ng aking katawan. My ex lovers loves my back more than anything else. And that includes Sandro… I inhaled before taking my leave together with my parents. “IS this Danica?” Sambit ng isang lalakeng kasing-edad lang ni papa. Nasa mismong party na kami ngayon at ang lalakeng nasa harapan namin ay si Ninong Carter. “Yes, she is.” Sagot ni papa sa kanyang kaibigan habang ako naman ay kaagad na nakipagkamay sa kanya. “Happy Birthday, Ninong Carter.” Nakangiting wika ko sa kanya habang hawak ang kamay ne’to. “You’ve grown into a beautiful lady, Danny. Noong maliit ka pa, palagi kitang kinakarga sa tuwing bibisita ako sa inyo.” Kahit na hindi ko na naalala ang mga sandaling ‘yon, tumango lang ako sa kanya na tila alam na alam na may nangyari ngang ganon sa buhay ko. “Where’s your first born, Carter?” Tanong ni Dad sa kanya habang ako naman ay nililibot na ang aking paningin sa buong lugar. Ninong Carter owned a motor company. Kaya ganito na lang ka enggrande ang kaarawan niya dahil isa ang kompanya niya sa nagsusupply ng mga makina sa buong asya. “Andito lang yung batang yun eh— oh there he is.” Napatingin ulit ako sa kanila nang maramdaman ko ang paghawak ni mama sa aking braso. “He’s approaching towards our direction, Danny.” Bulong ni mama bago ko sinundan kung saan ito nakatingin. “Noah! Join us here for a minute.” Nabato ako sa aking kinatatayuan nang makita ang matangkad, makisig, at gwapong lalakeng naglalakad papaunta sa aming direksyon. Siya ang anak ni Ninong Carter?! Noah locked his gaze on me the moment he looked into my eyes. He looked amused when he saw me standing beside his father. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon pero isa lang ang masasabi ko… I have no idea how to start a conversation again with him after that incident. “Noah, this is my friend Darius, his wife Gwendolyn, and their only beautiful daughter, Danica.” Pagpapakilala ni Ninong Carter sa amin. Noah flashed his smile on my parents and greet them before looking at me. “Hi, Danica.” Palihim akong napalunok bago tinanggap ang kanyang kamay. “I’m glad we see each other again.” Dagdag niya bago ako mahinang hinila atsaka hinalikan sa magkabilang pisngi. “You already knew each other?” Kunot noong tanong ni mama sa aming dalawa. “Ah k-kasi ma—“ “We met in a plane. We have the same flight from France to here.” Buong katotohanang wika ni Noah sa aking mga magulang bago siya tumayo sa aking tabi. Kaagad kaming tinukso ng mga magulang namin dahil nga sa single pa kaming dalawa at nasa tamang edad na para ikasal. Noah and I just laughed on our parents mockery. “I’m sorry for not responding to your messages. I was about to call you after this party but then I saw you here.” Bulong sa akin ni Noah habang nakatingin kami sa mga magulang naming naguusap. “No, it’s fine. Ako dapat ang humingi ng paumanhin sa’yo.” Dahil sa nangyari nong gabing ‘yon. Nang makuha kaagad ni Noah ang aking pinupunto kaagad ito tumango sa akin atsaka ako ningitian. “It’s fine, he’s already your ex right?” “Y-Yes. I’m so sorry about his behavior.” “It’s okay, kung ako naman siguro ang nasa posisyon niya ay baka ganon din ang gawin ko.” I smiled when he said that. Good thing Noah is understanding. “Carter, sino-sino ang mga gumagawa ng mga produkto mo? Do you hire professional mechanical engineers from Europe?” Napatingin ako kay dad nang marinig ko ang boses niya. “Ah! Yun ba? Hindi ako naghire sa ibang bansa. My engineers are from here. Sobrang galing nga ng mga batang ‘yon. I owe their talents and intelligence in making my machines.” “That’s impressive.” “Actually, andito sila sa party. I should probably call the head of the team and introduce him to you.” Nasa gitna ako ng pag-uusisa sa pinaguusapan nina dad at ninong nang hawakan ni Noah ang aking bewang. “Do you want to sit down? There’s a vacant chair on that table.” Pag-aaya niya sa akin. “Sure! That would be nice.” Gusto ko na ring maupo atsaka kumain. Of course, with Noah. Having his accompany would be better. Siguro mas mabuti na ring kasama ko siya ngayon para naman hindi ako mabored didto. I might as well ask him some several questions. “Sandro!” Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan na ‘yon. Napahinto ako at ganon din si Noah ngunit may isang lalakeng biglang kumuha ng atensyon niya dahilan upang mapatingin siya roon. Habang ako naman ay deretsong napalingon sa aking likuran. “This is Sandro, the head of the team. Siya ang pinakamagaling kong mechanical engineer.” Nakangiting wika ni Ninong Carter habang nakahawak sa balikat ng isang matangkad, moreno, matipuno, at ubod ng gwapong binata. He seems so proud having him as his employee. Nakita ko naman ang mukha ng aking mga magulang na medyo nagulat. Ngunit andon din ang ngiti sa kanilang labi nang makita ulit ito. “Hi, Sandro.” My mother greet him first with a smile on her face. Botong-boto sila sa kanya noon. Both of my parents like him but it was just me who have the problem in the first place. Siguro kung kami parin hanggang ngayon… “Danny?” Kaagad akong napalingon kay Noah nang tawagin niya ako. I felt his bare hand touching my bare back which made me smile at him. It was gentle. “Yes, Noah?” “Shall we go?” “Of course.” Muli kaming naglakad patungo sa isang mesa nang mawala na yung lalakeng kausap niya kanina. Ngunit sa paglakad ko papalayo kasama siya, ramdam na ramdam ko ang mainit na titig mula sa aking likuran. I know who’s glaring at me at the moment. He might probably giving us his death glare using his beautiful set of orbs, for me to feel the uneasiness inside me. Sandro is glaring Noah’s hand placing against my bare back; his favorite part of my body.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD