Sandro's POV "Sigurado ka bang handa ka nang bumalik, anak?" Napalingon ako sa aking ina nang sabihin niya 'yon sa akin. When I saw how she looks so worried, I immediately reached for her hand to give her an embrace. Napabuga ako ng hangin habang yakap-yakap ko ang aking ina. Hindi lang ako umuwi rito para bisitahin siya, kundi dahil gusto ko ring lumayo muna kahit saglit. Masakit makitang harap-harapan ang pangyayaring 'yon. I thought everything will be under my control but then that sudden news broke me into thousands of pieces. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos mula nong inanunsyo sa mismong kaarawan ni Danica ang engagement nila ni Noah. Pinili kong mapakalunod sa alak nong mismong gabing 'yon at hindi na pumasok sa sarili kong shop kinabukasan. Gild contacted me several times