Danica's POV Hindi ko na mabilang kung pang ilang pagbuntong-hininga na ang ginawa ko sa pagkakataong ito. Nasa kasal ako ngayon ni Harper at kasalukuyang nakaupo habang nakatulala. Ang saya-saya ng mga taong nasa paligid ko, sobrang sigla ng music at rinig na rinig ko ang tawanan at ilang masasayang boses. Ako lang ata ang naiiba rito... Pano ba naman? Kakagaling ko lang sa banyo dahil tinawagan ako ni Kuya Denver na kinailangan ko raw bumalik sa France sa lalong madaling panahon para tuluyan ng magrant ang divorce papers naming dalawa ni Noah. We need to be present physically in the court to completely dissolve our marriage. Kung gusto kong mapadali ito, kinailangan kong makipagtulungan sa abogadong hinire ni Kuya para sa'kin. Both Noah and I decided to end this marriage as well.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books