Danica's POV "You did not!" Gulat na saad ni Charity nang sabihin ko sa kanya ang nangyari kagabi sa auction. Awtomatiko kong kinuha ang kanyang palapulsohan atsaka siya dinala sa gilid dito sa loob ng bahay namin. Sumunod naman kaagad si Harper sa amin. "Totoo ang sinasabi ko, Cha. Sandro was there, I saw him in my own two eyes." "Pero teka nga lang, sigurado ka ba talagang si Sandro 'yon? Purchasing a valuable painting is not his forte, at least 'yan ang pagkakaalam ko noon." Napalingon ako kay Harper nang marinig ko itong magsalita sa gilid naming dalawa ni Charity. Nilibot ko ang buong paligid at nang mapansin kong abala ang iba lalong-lalo na ang asawa ko na ngayon ay kausap sina Dad at ang sarili niyang ama ay muli kong hinarap ang dalawa kong kaibigan. "I am a hundred percen