Pagkatapos ng aking morning class, dumiretso ako sa cafeteria para kumain ng lunch. Doon na rin kami magkikita ni Havana, a very sweet girl na naging kaibigan ko kaagad nang makilala ko siya sa first day. Maganda at matalino rin siya katulad ko, pero nakakalungkot lang dahil wala na ang kanyang mga magulang. Ang nag-aalaga sa kanya ngayon ay ang bestfriend ng kanyang ama na sobra ding gwapo. Isa pa may pinsan din ito na kasing gwapo nito kung saan salitan nilang sinusundo si Havana mula sa school. Ang swerte nga niya dahil may dalawang lalake sa buhay niya na nag-aalaga sa kanya. Swerte rin naman ako dahil inaalagaan ako ni Yves, pati na rin si Diorr. Kaya lang ang hirap na kasama ko sila sa iisang bahay, lalo na at may relasyon sila.
Attracted pa naman ako kay Yves mula nang makilala ko siya sa birthday ko at nalungkot tlaga ako nang sinabi niya na may girlfriend na siya. Pero hindi pala girlfriend kundi isang hot boyfriend na para akong tinutukso araw-araw mula nang tumira na rin siya sa bahay ni Yves. It’s been difficult, pero habang tumatagal, may namumuo na akong feelings sa kanila. Is it too bad to like two guys at the same time? Hindi ko na kaya! Naka-survive na ako ng isang taon sa kanila at naging 19 na rin ako, going to 20 years old. Umuwi na rin ako noong sembreak namin sa bahay ng parents ko at talaga naman na na-miss ko silang dalawa. Gusto kong tawagan si Yves para marinig ang boses niya at hirap na hirap ako na pigilan ang sarili ko dahil nakakahiya naman pag tumawag ako sa kanya randomly. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at napahawak ako sa aking ulo. Ano bang gagawin ko?!
“Oh, bakit ganyan ang mukha mo?” Tanong sa akin ni Havana na super blooming ang lovelife. Kailan ko lang nalaman ang kanyang nililihim sa akin na bestfriend niya. Nabalitaan ko na lang kasi na nasa ospital siya nang hindi pumasok sa aming klase. Nang dinalaw ko siya, buntis ang bruha at sinabi niya ang tungkol sa kanyang relasyon sa kanyang guardian na bestfriend ng kanyang ama at sa pinsan nito na may isang anak. I mean sobrang nawindang talaga ako, lalo na at buntis pa siya. Kaya tatapusin niya lang ngayon na semester habang hindi pa halata ang kanyang tiyan. Sana all na lang ako, ang lakas din lang talaga ng alindog ng bestfriend ko. Hindi tulad sa akin na wala man progress. Hindi lang ‘yon, ah, dalawa na silang gusto ko ngayon, dahil siguro naiinggit ako kay Havana. Hindi eh, dahil lagi nilang pinaririnig sa akin kung paano nila pinapaligaya ang isa't-isa every night. I am very curious kung ano ang feeling ng dalawang lalake na nagpapaligaya sa kama. Ayaw naman kasing magkwento ng babaeng toh! Malakas akong bumuntong hininga
“Sobrang naiinggit lang ako sayo bruha ka!” inis kong sabi sabay sabunot ko sa kanya ng bahagya. Napalabi naman siya at umupo sa aking tabi.
“Ano bang sinasabi mo? Kung pwede lang sana na magpalit tayo ng pwesto ngayon. Ikaw na ang palaging naduduwal at palaging pagod araw-araw.” tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Natural lang na palagi kang pagod, dalawa ba naman ang kasama mo sa kama…” pabulong kong sabi sa kanya. Natawa naman ako nang namilog ang kanyang mga mata at kinurot niya ako sa tagiliran.
“Naku, ang pilya mo talaga! Ikaw din naman may dalawa ng kasama sa tinitirahan mo na ngayon. How is it? With the professor and the Coach of the football team? Sinong hindi maiinggit sayo.”
“Manahimik ka nga, baka may makarinig sayo. Baka giyerahin ako ng mga babae rito pag nalaman nila na kasama ko sa iisang bahay ang hottest mature men dito sa campus. Alam mo naman na sila ang ang may pinakamaraming fans dito.”
“Oo nga eh, mula ng grumaduate na si Axid Stone at iba pang seniors na kinababaliwan ng lahat, parang napasa na sa kanila ang atensyon. Hindi naman gaanong napapansin si Coach Diorr noon, eh, kahit nag-champion pa sila.”
“Duh? Kung nagpalit tayo ng buhay ngayon, tingnan ko na lang kung makakaya mo ang marinig sila gabi-gabi. They are going at it like bunnies at hindi ako makatulog. Kaya ganito ang mukha ko ngayon, puyat at pagod ako. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko at mababaliw na talaga ako.” napatawa naman siya at hinawakan niya ang aking kamay.
“Jaeda, gusto mo ba talaga si Yves o gusto mo na silang dalawa?” pinisil ko naman ang kanyang kamay at ngumiti na lang. “Noong nasa cruise ship ako, akala ko si Kloss na talaga ang lalake para sa akin. Pero nang makilala ko si Jibi, I feel something for him too. Madali lang na na-develop ang feelings ko sa kanila, and he we are, happy, the three of us.”
“Alam ko at halatang-halata naman… Pero iba ang sitwasyon ko, they are together. Kung alam ko lang, sana noong maaga pa lang pinatay ko na ang feelings ko para kay Yves. Tapos ngayon may dumagdag pang isa. Maybe I should leave, makikiusap na lang ako sa Papa ko na lumipat ako sa dorm.”
“Gusto mo ba talaga ‘yon? Akala ko ba nag-decide ka na landiin silang dalawa?” napailing naman ako. Hindi ko na talaga kasi kaya, parang pinamumukha ng nakapaligid sa akin na wala akong pag-asa na magka-lovelife. Tsaka parang nai-invade ko ang privacy ng dalawa, I mean parang nest na nila ang bahay ni Yves at ako ang third wheel. Ayoko non, deserve ko na magka-boyfriend, and someone who can take my virginity!
“Ayoko ng maging third wheel, ayoko na maging extra lang, Havana. Gusto kong magkaroon ng katulad sayo. Isa pa, hindi talaga kami pwede ni Yves dahil matalik silang magkaibigan ng Papa ko. I don’t want to ruin that.”
“Well, I think Professor Yves is not thinking about that. Hindi ko ba alam kung bakit hindi mo napapansin, pero may gusto rin siya sayo and I think his boyfriend too.” tumawa ako sa kanyang sinabi.
“Alam mo effect lang yan ng pregnancy mo,” bulong ko sa kanya at kinurot niya ulit ako sa aking tagiliran.
"Hindi mo ba naisip kaya sila nagpaparinig every night para ma-curious ka? You know, sneak on them, tapos sisilip ka sa nakabukas nilang pinto." Napakurap naman ako at parang may nag-jumpstart sa aking isipan. "Ganito na lang pag ginagawa nila 'yon tingnan mo yo’ng pinto nila kung nakasara ba o nakaawang ng konti. Come on, Jaeda, sapat ba sayo na naririnig mo lang sila? See them in action." Pabulong niyang sabi sa akin at di makapaniwala naman akong tumingin sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang mukha at pinisil ko ang kanyang pisngi.
“Havana? Ikaw ba talaga yan? Anong nangyari sa mahinhin na bestfriend ko?” Tanong ko sa kanya. Tumawa siya ulit at pinalis niya ang aking kamay.
“Ganyan talaga pag may dalawang daddies na nagpapaligaya sa akin. And maybe because gaya na rin ng sinabi mo, effect ng pregnancy ko.” lumabi ako sa kanya habang malawak naman siyang nakangiti. Kung hindi lang talaga buntis toh, mababatukan ko siya ng malakas. Niyaya na niya akong kumain dahil gutom na siya. Tumayo na kami para kumuha ng tray at pagkain, tapos ay umupo ulit sa pwesto namin kanina.
Nag-usap pa kami sandali hanggang sa time na ng economics class namin kung saan si Yves ang magha-handle ng class namin. Maingay sa classroom nang pumasok kami, pero tumahimik nang dumating na si Yves looking so handsome and regal with his suit and glasses. Para ngang narinig ko lahat ng mga babae rito na nag-dreamy sigh at nakakatukso na ngiti naman ang iginawad sa akin ni Havana. Pinandilatan ko lang naman siya ng mga mata. Hindi ko naman maiwasan ang sarili ko na titigan siya hanggang sa hindi ko napansin na tapos na pala ang kanyang class. Nililigpit ko na ang mga gamit ko nang tinawag niya ako.
“Miss Venetta, a word please…” seryoso niyang sabi. Tumango ako sa aking kaibigan at nauna na siyang lumabas. Lumapit naman ako sa harap kung saan naka-half sit siya sa mesa. Hinintay niya na nakalabas na ang lahat tapos ay tinitigan niya ako. “Jaeda, I want you to focus in class. Mabuti at hindi kita tinawag kanina, dahil alam kong hindi ka nakikinig. Are you thinking about boys again?” sabi niya sa akin at bigla naman akong nainis.
“No, iniisip ko kung mag-iingay na naman kayo mamayang gabi. Paano ako makaka-focus kung ang ingay-ingay niyo.” inis kong sabi sa kanya. Tumayo siya, matalim ang tingin niya sa akin at nilapitan niya ako. Sobrang close na halos one inch na lang ang distansya ng aming mukha.
“Don’t tell me your not enjoying it…” malalim ang boses niyang sabi at napaawang naman ang aking labi. “Just focus on your studies, okay?” pagkasabi nito, kinuha na niya ang kanyang bag at lumabas na ito ng classroom. Malakas naman akong napabuntong hininga at lumabas na rin. Ang lakas talaga mang-asar ng lalakeng ‘yon, pareho lang sila ng kanyang boyfriend. No wonder kung bakit match silang dalawa.
Matapos ang aking last class ngayon araw, maaga pa naman kaya nauna na akong umuwi sa bahay. Wala na rin naman ako gagawin dito sa campus, alangan namang tumambay pa ko habang nakikita ang mga happy couples sa paligid. Pagkapasok ko pa lang, dumiretso na ako sa aking kwarto. Nilagay ko sa tabi ang aking bag at bagsak akong humiga sa aking kama. Parang drain na drain ang katawan ko kaya mabilis lang akong nakatulog. Nang gisingin ako ni Diorr, madilim na sa labas at niyaya niya na ako na mag-dinner. Wala akong imik habang kumakain kami, sila lang ang nag-uusap. Wala rin naman kasi akong gana, pero pinilit ko na lang na kumain at nakakahiya naman. Nang matapos kami, ako na ang nag-volunteer na maghugas ng mga pinagkainan namin.
“Pasensya na kung maingay kami, Jaeda…” lumingon ako sa nagsabi nito at nakita ko si Diorr na may hawak na bote ng beer. “It must been traumatic for you.” napakunot noo namn ako.
“Traumatic?” taka kong sabi. “Why would it be traumatic for me? You're just too loud and I’m a young woman na wala pang experience. Nakaka-distract lang, kung pwede hinaan ng konti.”
“Well, pinagalitan kasi ako ni Yves. Hindi ko naman kasi mapigilan lalo na at magkatabi kami sa kama.” unti-unti siyang lumapit sa akin at napalunok naman ako dahil sa pagnanasa niyang tingin sa akin. “It’s not about we are both guys, isn’t it?”
“Hindi noh! Wala akong problema sa inyong relationship.” tumango lang naman siya at lumapit pa sa akin. Hinawi niya ang aking buhok sa aking mukha at sinabit sa tenga ko.
“You know, kung curious ka, you can watch if you want.” tukso niyang sabi at hindi naman ako nakasagot. Bigla siyang tumawa at bahagya niyang pinisil ang aking ilong. “Ang cute ng reactions mo, Jaeda, nagbibiro lang ako.” lumayo siya sa akin, at nagpaalam na papanhik na siya sa taas. Mahina naman akong napamura at tinuloy ko ang aking ginagawa. Bwisit talaga ang dalawang lalakeng toh!
Pagulong-gulong ako sa kama habang nakahiga na ako roon. Hindi na ako makatulog dahil natulog na ako kanina. Gumugulo sa isipan ko ang dalawang lalake na nasa kabilang kwarto lang. Ang hilig kasi nila akong tuksuhin, tapos ako naman itong hindi sila mapakawalan. Isa pa, iniisip ko din ang mga sinabi sa akin ni Havana habang nasa cafeteria kami. I am curious, really curious what two men pleasuring each other looks like. While I am thinking that, nakarinig ako ng mahinang ungol sa kabilang kwarto. Natigilan ako at tumingin ako sa wall na nagse-seperate sa akin at sa dalawa. Mas mahina na ngayon ang naririnig ko but then again, may banging in the wall pa rin na nagaganap. Diniin ko ang aking tenga sa pader at mas naririnig ko na ang kanilang ungol.
“Bahala na!” sabi ko sa aking sarili at bumaba ako sa kama. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at maingat akong lumabas. Lumakad ako papunta sa pinto ng kanilang kwarto kung saan naririnig ko pa rin ang sounds na kanilang ginagawa. Natutop ko ang aking bibig nang makita na may konting siwang sa kanilang pinto. O-M-G! Mukhang tama nga ang sinabi ng bestfriend ko! This is really it! May nagbukas ng chance para sa akin!