I was so busy sa aking pagre-review na hindi ko na napansin ang oras. Hinintay ko sina Yves at Diorr sa library carrel ni Yves at lagpas 5pm na pala. Akala ko siya na ang kumakatok sa pinto at dahil nasa akin ang susi niya, binuksan ko ito. Pero hindi si Yves o Diorr ang nasa labas ng pinto, isang di-pamilyar na lalake, matangkad and he looks so handsome with his cute smile. Hapit na hapit ang shirt nito sa ma-muscle nitong katawan, may bagpack siya sa likod at mukha siyang student rin. Natulala talaga ako dahil gwapo naman talaga siya, pero mas pa rin naman ang mga lalakeng kinababaliwan ko ngayon. Pero sino siya? At bakit siya nandito sa carrel ni Yves? Magkakilala kaya sila? “Oh, hi! Hindi ko alam na pinapagamit pala sa iba ni Professor ng kanyang carrel.” sabi nito sa matamis na boses