Nang matapos ang lahat ng klase ko ng araw na ‘yon, agad kong tinawagan si Havana at kinumusta ko siya. Nakauwi na raw sila galing sa ospital at normal lang daw ang dull pain sa pagbubuntis, at na-stress lang daw siya siguro dahil sa bigla niyang pagkatumba. Talaga humingi ako sa sorry sa kanya dahil nabangga ko siya, sa nag-ingat pa ako o iniwas ang aking katawan. Pinagtawanan lang naman ako ng lokaret at sinabi na wala akong kasalanan. In fact siya pa nga daw ang may kasalanan dahil pumwesto siya sa likod ko. Para matapos na ang sisihan namin, nag-ayos na lang kami na kaming dalawa ang may kasalanan. Pero sobrang alala daw ng mga lalake sa buhay niya at ayaw pa daw siyang papasukin bukas. Kaya lang ayaw niya namang mag-skip dahil mabo-bore lang daw siya sa bahay nila. Pagkatapos namin