CRISTINA SAAVEDRA Kalalapag lang ng eroplano ng mabalitaan kong nagpakasal na ang kapatid ko sa secretary niya. Hindi man lang ako na invite. Anyway, nandito naman ako para bisitahin siya kaso lang nang puntahan ko siya sa Sa-Ad at Mansyon hindi ko na siya naabutan pa. Ang sabi nila nasa honeymoon na daw. Kaya nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagsa shopping at gala hanggang sa isang araw may nakasalubong akong babae na mukhang pamilyar sa akin at hindi ko lang alam kong saan ko nga ba siya nakita. Kaya sinundan ko kong saan siya pupunta, pumasok ito sa loob ng Star Caffe at naupo. Doon na ako naka kuha ng tyempo para lapitan siya. "Excuse me, Miss, have we met before? You look familiar to me, I don't know when.." wika ko. Napalingon ito sa akin at nagulat ako sa pagtili niya. "OMG!