The next day Morning. Na re-energize ako sa mga nangyari nang nagdaang mga araw. Irealized that I'm going to continue my life kaya balak kong mag apply muli nga trabaho. Kong may nag sara, paniguradong may magbubukas na oportunidad sa akin. Kaya hindi dapat magmukmok na lang ako sa bahay at paka isipin pa 'yon. For me isa lang itong bad memories na dapat ko ng kalimutan. Hindi madali, pero kinakailangan para rin naman sa sarili ko 'to.
Napatingin ako sa wall clock na naka sabit, 10:30 a.m na pala. Wala ako sa mood lumabas pero wala na akong stocks ng food kaya no choice ako kundi mag bihis. Umakyat ako sa taas at kumuha ng damit. Napili ko ang isang color mint green na crop top at tenernuhan ko pa ito ng skinny jeans. Nananalamin muna ako at tiningnan ang aking sarili. "Well, sexy naman ako at makinis kaya okay lang na mag suot ako ng ganito." usal niya.
Naalala niya rin na kailangan niya pang asikasuhin ang bagong a-applyan. Kaya kinuha nito ang cellphone na nakapatong sa table. Mabilis siyang nakapag log-in sa social media account nito at isa isang nag check ng mga hiring or vacant work na related sa position niya.
She continued browsing until she saw a post. Binasa niya ito at napangiti, dahil ito na ang sagot sa tanong niya. Kumuha siya ng sticky note pad at isinulat ang pangalan ng hotel pati ang telephone nito just incase na kailanganin niya in the near future.
Nang matapos sa kaniyang ginagawa nag log-out na siya ng maalala na kailangan pala niyang bumili ng stocks niya para sa mga susunod na mga araw.
Naglakad siya palabas at sinara niyang mabuti ang pintuan. Bago siya sumakay ng kotse. Nakarating ako ng Mall at nag park lang ako sandali at lumabas na rin kaagad.
Pagpasok ko sa Mall isa isa nilang cheneck ang mga laman ng shoulder bag ko. Nang matapos na ang mga guard sa pag inspect ay agad naman nila akong pinapasok. Diretso ako sa shopping Mall para mamili ng mga stocks sa bahay. Kumuha ako ng push cart para lalagyan ng mga bibilhin ko. Ilang oras rin ang ginugol ko sa pamimili hanggang sa nag bayad na ako sa cashier gamit ang card ko.
Nang matapos ako sa pamimili naisipan ko naman maglakad lakad pa. Napadpad ang mga paa ako sa woman sections. Naisipan ko na rin bumili ng mga bagong blouse ko at kong ano ano pa, ginamit ko ulit ang card ko. Nang mapagod ako naupo ako saglit.
Maya-maya pa ay umalis na rin ako ng Mall. Nilagay ko sa car trunk ang mga napamili ko.
Mabilis akong sumakay ng kotse at pinasibad na ito.
Mahigit mag- tatatlong oras ang tinagal bago ako nakauwi ng bahay, dahil sa traffic. Wala naman akong mahanap na short cut kaya nag tiis na lamang ako sa traffic. Inisa isa kong isinalansan ang mga pinamili ko sa cabinet. Hanggang naisipan ko na rin maligo, dahil lagkit na lagkit na rin ako sa katawan ko. Hindi na ako nag abalang kumuha ng damit, dahil madami naman akong roba sa comfort room.
Habang ako'y nagpapatuyo ng buhok dahil katatapos ko lang maligo. Umupo muna ako saglit sa sofa at kinuha at binuksan ang laptop ko. Naisipan kong mag send ng cv sa nakita kong hiring post. Nakita ko naman agad ang email nito. Sana lang matanggap agad ako 'yan ang panalangin ko. Nag sign out na ako at itinago na muli ito bago ako umakyat sa taas. Nag muni- muni muna ako sa taas ng terrace bago dalawin ng antok.
Kinaumagahan nagising ako ng mag ring ang cellphone ko. Tuwang tuwa ako dahil may interview ako bukas. Hindi mapag lagyan ang kasiyahang nadarama ko.
"Thank you God!" usal ko.
Maaga pa lang naman kaya naisipan ko muna mag jogging. Nalibot ko na buong subdivision namin nang mapagod ako bumalik na rin ako kaagad ng bahay.
Sobrang inip na inip ako at gusto ko ng hilahin ang oras para mag alas onse na. Napasandal ako sa sofa pagkatapos kong kumain at hindi ko namalayan na naka idlip na rin pala ako.
Halos mapamura ako sa inis dahil nagising ako ng alas dose ng tanghali. 1 p.m ang interview ko. I have one hour left. Mabilis akong naligo at nag bihis nang makitang okay naman ako mabilis akong sumakay ng kotse ko at pinasibad na ito.
Nakarating ako ng Makati.
Kitang kita ko ang tayog ng building na ito. Hindi ko maiwasang maisip na siguro ang yaman na nang matandang hukluban na may-ari ng hotel na ito. Pag pasok ko ng looby nagpa assist ako sa guard kong saan ang floor ng mag i-interview sa'akin. Nang maituro niya agad naman akong nag pasalamat dito.
Sumakay ako ng elevator at namangha ako saaking nakita mga nag gagandahang ilaw at dekorasyon na halatang galing pa sa iba't-ibang panig ng bansa at pawang mga sikat ang nag disenyo at gumawa. Napatingin naman ako sa wall design na naka sabit dito at napukaw lalo ng aking atensyon ay ang disenyo na may naka indicate na
"Saavedra" gawa ito sa wood carving. Bigla naman sumikdo ang puso ko at hindi ko malaman kong bakit. Ano kayang meron sa surname nito.
Kumatok ako sa pintuan at nakarinig ako ng nag-uusap. 'Yong isa ay babae at 'yong isa naman ay lalaki sa tantya ko mga halos kaedaran ko lang rin naman sila.
Hindi sinasadyang makita ko ang ginagawa ng mga tao sa loob. Humingi ako ng sorry sa nakita ko. Nagulat ako at napatanong kong bakit ba kailangan gawin 'yon sa mga gantong lugar.
Narinig ko naman inutusan niyang lumabas muna sandali ang babaeng kalandian niya at pinaupo niya na ako. Habang ini interview ako hindi pa rin ako mapakali sa'aking nakita. Napansin naman niyang mukhang 'di ako komportable.
" Forget what you saw a while ago." he said. I simply nodded my head as a sign that is okay for me." Ngunit sa loob loob ko para silang walang delikadesa at sa office pa talaga ginawa ang kahalayan.
Maya-maya bigla na lang itong nagsalitang muli. Ms. Hannah, I got your cv and I already reviewed it. You're hired and you can start by tomorrow for the position of manager. Congratulations.
Nilahad nito ang kaliwang kamay tanda na binabati niya ako. Inabot ko naman kaagad ang kamay ko rito. Nakipag shake hands naman siya sa'akin at nagulat ako ng biglang pisilin niya ang kamay ko.
Medyo naasiwa lang ako sa ginawa niya kaya sabi ko na lang na "Sir ang kamay ko." para bitawan niya ako at nakakabastos naman kong aalisin ko na lang bigla. Mabuti na nga lang rin na gets naman agad nito ang nais kong ipahiwatig kaya binitiwan na rin nito ang kamay ko. Nagpa salamat ako sa kaniya at nagpaalam na rin ako kay Mr. Saavedra. He nod his head at binalik muli ang tingin sa laptop nito sa kaniyang ginagawa bago ako dumating. He asked me politely then he said; "Can you close the door, Ms. Hannah. Thank you and see you tomorrow."
Sinara ko ang dahon ng pintuan at mabilis akong sumakay ng elevator.
Paglabas ko ng building na 'yon hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko. Kong kanina ay halong kaba at excitement ngayon ay puro kagalakan na lamang. Walang sasaya pa sa araw ko ngayon at dahil diyan sobrang napa sambit na lamang ako nang; "Thank you God. May trabaho na ulit ako." usal ko.
Masaya akong naglakad pabalik ng sasakyan at pinaharurot kaagad ito papalayo ng hotel. Excited akong ibalita kay besh na lumipat na ako ng bagong kumpanya. Wala kasi siyang alam sa nangyari sa akin, nahiya akong sabihin sa kaniya hangga't wala pa akong trabahong nakukuha, kaya ngayong meron na makikipag kita ako sa kaniya at ililibre ko siya sa paborito naming ramen house.