DRAKE Paalis na kasi ng Australia at pasakay na kami ng chopper na kalalanding lang rin. Nagpaalam at nag pasalamat lang ako sa mga maids, mayordoma, guards at driver ko lalo na si Kuya Manuel sa pag-aasikaso nila sa amin. Kaya bilang ganti pina aga ko na ang salary at christmas bonus nila at ang kanilang thanks giving gift na umabot rin naman ng 2,500 USD. Kulang pa nga yan sa serbisyong ibinibigay nila sa akin. Kahit na matagal akong wala maayos pa rin ang Mansyon. Matapos naming magpaalaman sa bawat isa sumakay na rin kami sa chopper. At pina andar na rin agad ito ng private pilot na si Captain Luke. Nasa ere na kami ngayon at tanaw ko na lang ang maliit na tuldok nang Mansyon mula sa himpapawid. Pina tulog ko muna ang anak kong si Harold na nakasiksik sa akin at maging ako at ang asaw