Nang matapos ang kasal namin hindi ko alam na may surpresa pa lang hinanda si Drake para sa aming mag-ina. Dinala niya kami sa Australia gamit ang isa sa chopper na pagmamay-ari niya. Kalalapag lang nang chopper sa malawak na lupain ng mga Saavedra. Kaya naman halos mawindang ang anak ko sa kan'yang nakikita. Inalalayan naman kaming mag-ina ng asawa ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang asawa. Nang makarating kami sa Mansyon niya dito napagod na rin ang anak naming si Harold kaya pinagpahinga na muna namin siya. May mga katulong naman dito kaya okay lang na maiwan siya. Nang maihatid ko na ang anak namin sa room niya. Nag aya naman ang asawa ko na lumabas kami. Ewan ko ba kong saan kami pupunta. "Hon, mag bihis ka. May pupuntahan lang tayo saglit lang." yaka