CHAPTER ONE
ITALY
“Signore, Diego. Tuo padre ti sta chiamando,” tawag sa kanya ni Bretoni, purong Italyano na kanang kamay ng kanyang ama. Napatigil siya sa pagsusuntok sa kalaban at napabaling sa lalaki.
“Demmi che sono il promisso,”
tugon ni Diego kay Bretoni. Hindi nagtagal umalis na ito sa kanyang harapan.
“What the f**k! Bro!" singhal sa kanya ni Nick dahil sa malakas nasuntok ang pinakawalan niya na tumama sa mukha ng kaibigan at hindi sa kanyang ka sparring sa gitna ng boxing ring. Pagkatapos naglakad na ito papunta sa gilid na tila ba walang pakialam. May lumapit na lalaki kay Diego para tanggalin ang gloves sa kanyang suot.
“What? Sa gitna ng ring kalaban kita kaya dapat maging alerto ka! Tanggapin mo na lang na hindi ka talaga mananalo sa akin.” Nakangisi niyang saad. Matalik niya itong kaibigan kagaya ng kanilang mga ama. Parehong Italyano ang kanilang ama at Pilipina ang kanilang ina. Bihisa sa wikang pilipino si Nick dahil sa ilang beses na itong nagpabalik-balik from Italy to Philippines. Pero may alam din naman si Diego sa wikang pilipino dahil minsan na siyang nakatira sa Pilipinas. Doon siya nagkaroon ng muwang hanggang sa edad na sampu. Ngunit nang namatay ang kanyang ina dahil sa pinaslang ito sa mga hindi nakikilang tao. Ang hinala ng pulisya ay pagnanakaw ang dahilan dahil sa nawala ang ibang mahalagang bagay nadala ng kanyang ina. Simula noon dinala na siya ng kanyang ama sa Italya at sa kanyang murang edad namulat ang kanyang kaisipan sa kalakaran ng kanilang negosyo.
Isang hacker expert si Nick samantalang si Diego, matinding training ang kanyang dinaanan para sa paghahanda na maging susunod na pinuno ng kanilang oraganisasyon ang ‘BLACK DRAGON ORGANIZATION'.
Ang Black Dragon ang isa sa pinakamalaki at pinakakatakutang organinsasyon ng hindi lang sa buong Italya kundi sa karatig bansa. Ang bawat kasapi nito ay may tattoo na black dragon sa kanilang mga kanang dibdib. Ngunit may iilang matatapang na naglakas loob na banggain sila gaya na lamang Iron Eagle, na hanggang ngayon hindi pa rin nila kilala ang mga namununo.
Inisang lagukan lamang ni Diego ang laman ng kanyang water bottle. Pagkatapos nagpunas ito ng pawis sa kanyang buong katawan.
“I'll go ahead, Bro. I recieved message from Deshna,” paalam ni Niccos sa kanya. Hindi na siya nagtataka kung iba't-ibang babae ang kasama nito dahil mas playboy pa ito sa kay Diego. Mas marami kasi itong time magliwaliw kompara sa kanya na masyado niyang siniseryoso ang ginagawang training sa loob ng labing walong taon hindi pa sapat para sa kanya ang ginagawang paghahanda dahil mahirap ang kanyang gagampanang tungkulin.Kailangan niyang magpakitang gilas at hindi biguin ang kanyang ama.
“I thought you're inlove to Akesha? Bakit may ibang baba ka na naman?”
“Bro, guwapo itong kaibigan mo. Sayang naman kung tatanggihan ko ang grasya.Palay na ang lumapit sa manok kaya sino ba naman ako para humindi.” Napailing-iling na lamang si Diego sa kanyang narinig. Ibang klase talag itong si Nick. Will, kung tutuusin mas lamang ang kagwapuhan niy kumpara sa kaibigan. What he wants, what he gets. But as of now he need to focus they're business.
“Enjoy f*****g, asshole!” pahabol niya sa papalabas na kaibigan. Lumabas na rin siya ng gym at nagtungo sa opisina ng kanyang ama.
“Tuo padre ti stava aspettando da un po." Ipinagbukas siya ng lalaki. Gaya ng dati sumalabong sa kanyang ang kanyang ama na si Albert. Prenting nakaupo sa swivel chaire. Sa edad na sixty two hindi mo makikitaan ng kunting kahinaan ang kanyang postura. Maangas at mabagsik pa rin ang mga tingin nito.
“Set down, hijo." itinuro nito ang bakanting upuan na sa harapan ng mesa nito. Kahit purong Italyano ang kanyang ama bihasa ito sa salitang filipino dahil ilang taon din itong namamalagi sa Pilipinas.
“Diego, as a next leader in our organization. Part of you mission is to get close Cindy Melanie Aragon.”
Naningkit ang mata ng binata sa kanyang narinig. Maagap niyang kinuha ang brown envelope na inabot ng kanyang ama. Binuksan niya iyon, laman ang dalawang pictures ng babae na may iba't-ibang anggulo. At dalawang bond paper. Laman doon ang files ng dalaga.
‘Cindy Melanie Aragon' basa ng kanyang isipan habang pinasadahan ang tingin ang larawan ng babae. Maganda, maamo ang mukha at sexy ang babae.
“Who is she, Dad?” Napangiti ang matanda sa kanyang tanong.
“You're not ready to be the next Mafia Boss, Diego. Kulang ka pa rin sa kaalaman.” Napapailing ito sabay hablot sa hawak niyang larawan.
“This woman, is the only child of General Robert Aragon. Magagamit natin siya para malaman ang mga kilos ng kanyang ama.”
Napangisi si Diego sa kanyang narinig. By his looks and charm alam niyang madali lamang kanyang trabaho. Walang babae ang makakatanggi sa isang Diego. Hindi pa man niya magawa na upsasabi na niya kaagad na mission accomplish.
“Huwag ka munang magpapakasiguro. Remember, Cindy still Aragon. Maaring namana niya ang katusuhan ng kanyang ama.”
“Will, if that's the case, Dad. I will make sure na mas tuso pa ako kaysa sa kanya,” kampanting saad niya. He heard his father smirk.
“Siguraduhin mo lang, hijo. Dahil nakasalalay sa mission mo ang posisyon mo sa sa ating organisasyon!” matigas nitong saad. Alam niya sa kung gaano katigas ang puso ng kanyang ama. Pagdating sa kanilang negosyo at organisasyon walang anak at ama, walang kamag-a kamag-anak. Nasanay na siya sa kanyang ama. Ngunit gayun paman kailangan niyang magtagumpay sa kanyang mission.
“In order to hide your true indentity. Kailangan mong mag-disguise na bakla kapag kasama ang anak ng General.”
“Hell no, dad!” malakas na hampas ang ginawa niya sa mesa. Mariin ang kanyang pagtutol. He can't imagine to see himself na aaktong bading. Isang Diego Razzi, magpapanggap na bakla? Kalokohan!
“That's my order! You can't say no! You are still under my control, Diego. You may go now!” walang magawa si Diego sa kagutuhan ng kanyang ama.
Buong lakas niyang isinara ang pintuan sa opisina ng kanyang ama. Na ba-bad trip siya. Bakit kailangan pang magpanggap na bading kung kayang-kaya naman niyang makuha ang loob ng babae sa kanyang isang tingin pa lang.
“f*****g life!” he curse.