Chapter 20

2323 Words

Napatingin si Greta sa karagatan. It's been a long time after she was back here. Mabuti na lang at ang Ligaya Beach ang pinili ng Safe Haven kung saan magaganap ang outing ng mga bata. Nauna na sa cottage nila ang dalawang bata na sina Chloe at Megumi kasama si Lexi. Siya naman ay nakatayo sa dalampasigan. Nakahalukipkip at mapayapang nakatanaw sa karagatan. Sinabayan ng mga alon ang kaniyang paghinga. Sa tuwing hihigop siya ng hangin ay humahalik sa dalampasigan ang alon at sa tuwing bumubuga siya ng hangin ay iyon naman ang pagkakataon na binabawi ng dagat ang alon nito. Dito siya namuhay noong musmos pa lang siya. Dito siya nanlilimos sa mga tao para lang matapos ang araw na may maipasok siya sa sikmura niyang nangangalam. Kung minsan ay sa basurahan na lang siya kumakalkal ng mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD