Chapter 6

2684 Words
Umahon bigla si Greta nang biglang nakaramdam siya ng pagkahilo. Tumakbo siya sa restroom at agad siyang lumuhod upang sumuka sa kubeta. Sunod-sunod na dumausdos mula sa kaniyang bibig ang malapot na laway. Mas lumalakas ang posibilidad na totoo ang hula niya. Palaginna oang siyang nasusuka at pabalik-balik pa ang kaniyang lagnat. "Diyos ko! Ano ba ang nangyayari sa akin?" tanong niya sa sarili nang nakabawi siya ng lakas. Umupo siya sa sahig ng banyo. Nakatukod ang kaniyang mga siko sa kaniyang mga tuhod. She's pulling her hair because of the exhaustion that jailed her mind. Hindi maaari ito. It's been two months and she kept on experiencing morning sickness. Alam niyang hindi ito normal sa babaeng nagalaw na ng lalaki. Sa kaniyang pitong taon na pagiging bayaran ay ngayon lang siya napuruhan. She was sure about the father of the child and it was that man—Parker. She pulled her emotions and she hurried up to stand. Tumungo siya sa kaniyang kuwarto at agad siyang tumalukbong. She cried on top of her lungs. Naalala niya ang sinabi ni Lexi sa kaniya tungkol sa karanasan nito. She was so frightened about that. Takot na takot siyang mawala ang kaniyang mga kustomer kapag tuluyan siyang mabubuntis. She must do something about this. Inabot niya ang kaniyang smartphone at tinawagan niya si Monique. Ilang beses niya pang inulit ang pagtawag kay Monique pero hindi ito sinasagot ng bakla. Naisipan niyang tawagan si Lexi. Akala niya ay hindi ito sasagutin ni Lexi pero nagkamali siya. Mabilis pa sa alas quattro ang pagsagot ng babae sa tawag niya. "Greta, ano ang nangyayari?" "L-Lexi— k-kasi—" Hindi alam ni Greta kung ano ang sasabihin niya. Binalaan na siya ng babae na mag-ingat pero sa huli niya lang naalala na bago pa ang paalala na iyon ay nagkamali na siya. "Greta, kinakabahan ako. Ano ang nangyari sa iyo?" tanong ni Lexi. Huminga nang malalim si Greta. Takot na takot siya sa pagkakataong ito. Nilamon na siya ng mga hinuha niya kapag natuloy ang pagdadalang-tao niya. "L-Lexi," aniya. "Calm down, Greta. Pupuntahan kita ngayon din. Malapit lang naman ako sa bahay mo," sabi ni Lexi. Naputol ang linya sa pagitan nilang dalawa ni Lexi. Sampung minuto lang ang lumipas ay dumating na si Lexi. "Greta! Greta, buksan mo ang pinto! Nandito na ako!" Inayos niya ang kaniyang sarili. Lumabas siya sa kaniyang kuwarto at pinagbuksan niya ng pintuan si Lexi. "What's wrong?" tanong ni Lexi. Sa halip na sagutin ni Greta ang tanong ay bigla na lang siyang yumakap sa babae at binuhos niya ang kaniyang emosyon rito. Iyak lang siya nang iyak habang si Lexi naman ay hagod nang hagod sa likod niya. Dinala siya ni Lexi sa sofa at pinaupo niya ito. Tumayo si Lexi at kumuha siya ng tubig sa kusina ni Greta. Binigay niya ang baso na may lamang tubig kay Greta. Ininom ito ng balisang si Greta at kahit papaano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam. "Lexi," sambit ni Greta. Tumingin sa kaniya ang babae. Unang tumulo ang luha ni Greta bago niya pa masabi ang kaniyang nais sabihin. "Greta, kung ano man iyan ay taos-puso akong makikinig sa iyo. Pinapangako ko na hindi kita huhusgahan sa bagay na sasabihin mo," sabi ni Lexi. Nanginginig niyang hinawakan ang kamay ni Lexi. Pinisil ni Lexi ang kamay niya kaya'y nakasisiguro siyang nakikiramay sa pighati niya ang kausap. "Sa tingin k-ko— b-buntis ako," sabi ni Greta. Kahit na nakapikit ay todo bulwak ang kaniyang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Tinodo niya muli ang pag-iyak. "How do you say so? Nag-pregnancy test ka na ba? Baka d-delayed lang ang menstrual period m-mo," anang Lexi na halata sa boses ang pagkagulat. Kilala si Greta sa pagiging maingat pagdating sa pakikipagtalik sa mga lalaki. Hindi siya pumapayag na papuputukan siya sa loob kung walang proteksyon. Hindi makapaniwala si Lexi sa sinabi ni Greta sa kaniya. Umiling si Greta. "Lexi, dalawang buwan na akong hindi dinadatnan. Simula noong nag-mens ako ay hindi ako nadelay k-kahit na isang beses, Lexi," sabi ni Greta. "H-How? Y-You are not like that, Greta. Maingat ka at alam ko iyon. Sa lahat tayong nagtatrabaho sa night club ay alam ko na ikaw ang pinaka-maingat sa atin," anang Lexi. Lumapit si Lexi kay Greta at inayos nito ang buhok niya. "N-Nag-kamali ako, Lexi. Nadala ako sa tawag ng laman noong gabing 'yon. N-Nakalimutan ko na bayarang babae ako kaya ay hindi ko na maisip na kailangan ko ng proteksyon at hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil sa lalaking iyon. He was hot and seductive. I gave in to him unprotected, Lexi. I-I gave in to that married man!" iyak ni Greta. Humugot ng malalim na paghinga si Lexi. Halos hindi na makilala na si Greta ang kausap niya. This is not how she knew Greta. Greta was strong and fierce but right now, Greta seemed to be losing her sanity. "Y-You can be mistaken, Greta. We can find second opinion from—" "Second opinion!? What for!?" Napamulat si Greta at sabay silang tumingin sa baklang lumapit sa kanilang gawi. Yumuko ang bakla at agad niyang hinila sa bisig si Greta. "Monique! Ano ba!?" angal ni Lexi. "Nasasaktan si Greta!" "Huwag kang makealam dito, Lexi!" Piniga ni Monique ang bisig ni Greta kaya ay namilipit ito sa sakit. "M-Monique, let me explain," sabi ni Greta. Pahagis na binitawan ni Monique ang bisig ni Greta. "Ano, Greta!? Ano ang sasabihin mo? Itatago mo ba sa akin ang totoo? You called me many times. I wasn't able to answer because I was taking a bath. Tinawagan kita but you are not answering that's why I came here! And now, tell me about the things I heard," sabi ni Monique. Bumagsak sa sahig si Greta at agad siyang lumakad papunta kay Monique gamit ang kaniyang mga tuhod. She was crying painfully. Kung puwede niyang ibalik ang panahon na iyon ay sana inuna niyang isipin ang kahihinatnan ng isang sandaling kaligayahan niya. "M-Monique, I'm sorry. Hindi ko sinasadya. N-Nagkamali ako!" paghingi niya ng tawad. Inalis ni Monique ang mga kamay ni Greta na humawak sa kaniyang mga tuhod. "So, it's real! Totoo na buntis ka, Greta!" sigaw ni Monique. "Kaya pala hindi mo na mapuntahan ang mga pinapalakad ko sa iyo! Akala ko normal na lagnat lang ang tinatamasa mo, iyon pala ay may tiyanak na riyan sa lintek mong sinapupunan!" "Monique, hindi pa siya nagsagawa ng pregnancy test. She just—" "What!? She just what, Lexi!? Baka nakakalimutan mo na ito rin ang sinabi mo sa akin noong ikaw ang nabuntis! You reasoned out about having yet a second opinion!" sigaw ni Monique kay Lexi. Inayos ng bakla ang buhok niya at salitang tinitigan sina Greta at Lexi. "I'm so disappointed!" diing sabi ni Monique at tinalikuran ang dalawa. Hinarang ni Greta ang sarili niya upang hindi makaalis si Monique. Wala na siyang mapapasukang trabaho. Paano na lang kapag nawala sa kaniya ang kaisa-isang trabahong bumubuhay sa kaniya? "M-Monique, please! Monique! N-Nag-kamali ako," iyak ni Greta. Masama sa buntis ang pag-iyak na wagas pero hindi niya na ito inintindi pa. Kailangan niya ang trabaho niya. Saan na lang siya pupulutin kapag nawala ang trabahong ito sa kaniya? "Nagkamali? Really? Ngayon ka pa talaga nagkamali, Greta? How!? You were a veteran! No! I mistook you as one. Wala ka rin palang pinagkaiba kay Lexi! At kung sinasabi mo na nagkamali ka, then, let me tell you that I am the one who did a mistake. Nagkamali ako na pinagkatiwalaan kita. Among all the girls, ikaw ang paborito ko dahil akala ko ay hindi mo ako madidisappoint but I was wrong! From now on, you are not part of my Angels anymore!" sabi ni Monique. Saglit na tumigil ang mundo ni Greta. Pakiramdam niya ay natabuman siya ng lupa dahil sa narinig niya. Pitong taon niyang inalagaan ang trabaho niya pero mawawala lang pala ito na parang bula buhat sa kaniyang pagdadalang-tao. "M-Monique, forgive me," iyak ni Greta. "Gusto mong patawarin kita?" Yumuko ang bakla hanggang sa malevel nito ang mukha kay Greta. Tumango si Greta. "Kill that s**t in your womb!" saad ni Monique. "Monique! You are too much! Walang kinalaman ang bata sa nangyayari! You should watch your words!" sabi ni Lexi. Hindi nakapagsalita si Greta dahil sa sinabi ni Monique. Lumuluha lamang ang kaniyang mga mata habang ninanamnam ng puso niya ang pait ng kinalalagyan niya ngayon. Tumayo si Monique at bumuntong-hininga ito. "Iyan lang ang choice mo, Greta, para manatili kang Angel! If you choose that thing over your job, then, I am sorry. Kahit na ipanganak mo pa iyan at gumaling ka na ay hindi na kita tatanggapin pa sa night club. You get it? I remember Lexi. She was on top but you replaced her. Like her, madali ka lang palitan!" Tumalikod si Monique at agad itong lumabas ng bahay ni Greta. Tumalima si Lexi at agad niyang inahon si Greta. Iyak pa rin nang iyak si Greta dahil sa sakit na nararamdaman niya. Mahal niya ang trabaho niya. Mahal niya ang pagiging bayaran dahil ito lamang ang paraan para makapagpatuloy siya sa buhay. "Lexi, ano ang gagawin ko?" "Huwag kang makinig sa baklang iyon, Greta. Hindi mo puwedeng idamay ang b-bata kasi wala siyang kasalanan," sabi ni Lexi na naiyak na rin. Sobrang sensitibo ni Lexi kapag anak ang pinag-uusapan, kaya ay nadala na rin siya ng emosyon niya. Kung kanina ay ang tatag niya, ngayon ay lumalambot na siya dahil sa takot na baka gawin ni Greta ang option na iyon. "If I will not going to kill this child, paano ako mabubuhay? Paano ko bubuhayin ang bata kung hindi aabot ng apat na taon ang perang naipon ko, Lexi. I am afraid that I will become a bad mother to this innocent," iyak niya. "Still, do not abort the child, Greta. Kinaya ko. Oo, mahirap, pero kinaya ko. Mas matatag ka kumpara sa akin kaya alam ko na kaya mo rin. Kaya mong buhayin ang bata lalo na at kilala mo ang ama niya. Hindi ka matatakasan ng lalaking iyon, Greta. Hindi mangyayari ang bagay na nangyari sa amin ni Chloe sa inyo ng magiging anak mo," sabi ni Lexi. Suminghot si Greta. She wiped her tears away kahit alam niyang papalitan din ng bago ang mga luhang inalis niya na. "Paano kung hindi niya ako paniniwalaan? Paano kung itakwil niya ako—ang anak niya sa akin? Ayaw ko na makaramdam ng pighati ang bata sakaling hindi siya kayang tanggapin ng ama niya, Lexi," sabi ni Greta. "Paano kung maniniwala siya? Paano kung sasabihan ka niyang susustentuhan niya ang bata? Paano kung kikilalanin naman niya ang anak niya sa iyo?" "But, Lexi, ang trabaho ko ang malaking balakid dito. Isa akong bayaran at alam ng kahit na sino na sandamakmak na lalaki ang nakatikim at nakapasok sa lungga ko. Kung ikaw siya at sasabihin ko sa iyo na anak mo ito, maniniwala ka ba? At isa pa, may asawa na siya at anak," anang Greta. Iniisip ni Greta ang kinabukasan ng bata. "What if mali ang akala mo? What if dala lang ito ng pag-ooverthink mo?" "What if I am right? Bubuhayin ko ang bata at puro pasakit lang ang matitikman niya sa mundong ito? Pamilyadong tao ang ama niya. P-Paano kung pagsalitaan siya ng masama at tratuhin ng hindi kaaya-aya ng kapatid niya at asawa ng ama niya? I can't stand it, Lexi. H-Hindi ko kayang marinig ang panghuhusga nila sa akin at isusumbat nila sa anak ko ang katarantaduhan ko," anang Greta. "But remember that the foetus inside you has no sin. Alam ko na dumating ang batang iyan para pasayahin at iparamdam sa iyo na ang buhay ay may hatid na ligaya kahit papaano. A-Ako, kapag gusto ko na talagang sumuko ay tinititigan ko ang mga mata ni Chloe. Kapag nakikita ko ang anak ko ay nabibigyan ako nito ng lakas at rason para lumaban sa bawat pagsubok na hatid ng buhay. Always remember that having a child is a precious gift from God. Hindi lahat ng baba. Kaya ay huwag ka sanang mag-isip ng hindi mabuti para sa munting anghel na nasa sinapupunan mo, Greta," payo ni Lexi. Pinupunit ng sitwasyon ang puso ni Greta. Naiipit siya sa gitna ng pagpili kung ano ang dapat niyang gawin. Ilang weeks na rin ang lumipas. Napapansin ni Greta na lumalaki na ang kaniyang tiyan. Mahirap pero alam niya sa sarili niya na tama ang desisyon niyang ito. Tama na buhayin niya ang bata dahil wala itong kasalanan sa nangyari. Kung mayroon mang may kasalanan dito ay siya at ang puso niyang nahulog sa pamilyadong lalaki na iyon. Mas naging matatag ang pagkakaibigan nila ni Lexi dahil ito na ang siyang katuwang niya sa kaniyang pagbubuntis. "Ano, Greta? Kailan mo balak sabihin kay Parker ang tungkol kay Baby Megumi mo?" tanong ni Lexi sa kaniya habang abala silang nag-go-grocery. Kumuha siya ng limang piraso ng hilaw na mangga at nilagay niya ito sa kaniyang cart. "Kapag malakas na ang loob ko." Lumungkot ang mukha ni Greta. "And what's with that expression? Hindi ba ang sabi ko ay huwag mong bigyan ng pansin ang lungkot dahil baka maging sensitive at iyakin si Megumi kapag nailuwal mo na siya?" anang Lexi. Humarap siya sa kaibigan. Hindi inakala ni Greta na magiging matalik na kaibigan niya ang babaeng ito. Kung hindi siguro dahil kay Lexi ay matagal na niyang pinalaglag ang bata. "Gusto kong makita si Parker, Lexi," pag-amin ni Greta. "Kung namimiss mo, edi dalawin mo," suhestiyon ni Lexi. "Ewan ko kasi kay Megumi, marami naman puwedeng hanapin tapos iyong lalaking iyon pa na hindi naman sigurado kung tatanggapin siya nito," anang Greta na naka-ngiti pero may lungkot ang tono. "Ako na lang ang maghahatid ng mga grocery mo sa bahay mo. Pagkatapos natin dito ay dumiretso ka na kay Parker. Alam ko na namimiss ka na rin noon," sabi ni Lexi. Napangiti si Greta. "Kung may namimiss man siya sa akin ay tiyak ako na hindi ang existence ko, kun'di ang sexperience na pinaranas ko sa kaniya." Huminga siya ng malalim. "Sabihin mo na kasi sa kaniya ang totoo—na buntis ka at siya ang ama. He is not allowed to forsake his child, baka batas ang hahabol sa kaniya," sabi ni Lexi. "Wow! Edi sana kung mananagot sila sa batas ay nanagot na ang ama ni Chloe," bara ni Greta sa kaibigan. "Thanks but no thanks, Greta. Hindi ko na siya kailangang habulin pa 'no! I am content with my daughter now. Kaya ko namang buhayin si Chloe at lalo na ngayon na medyo kumikita na ang maliit na business natin," sabi ni Lexi. Naging mag-business partner ang dalawa. Ang ipon ni Greta ay pinatubo niya sa pamamagitan ng maliit na negosyo nila ng kaibigan. Isang maliit na flower shop lamang ito pero palagi naman silang kumikita at hindi tuyot ang mga pitaka dahil sa tulong ng shop. "Bahala ka nga riyan. Nasasabi mo lang iyan kasi hindi ka in love sa Daddy ni Chloe," sabi ni Greta. "Kasi ako, mahal ko si Parker—mahal na mahal," dagdag pa niya. Matapos silang namili at nagbayad ay agad silang lumabas mula sa grocery-han. Ngayon ay bumibiyahe na si Lexi pauwi sa bahay ni Greta habang si Greta naman ay tumungo sa opisina ni Parker. Sumakit ang tiyan niya mula kagabi dahil gustong-gusto niya talagang makita ang lalaki. Isang buwan at higit na rin kasi nang huli silang magkita. "Megumi, help mo si Mama mag-pray na matatanggap ka ni Papa mo ha?" Ngumiti si Greta habang hinihimas niya ang kaniyang tiyan na namumukol na. Kinakabahan si Greta pero sa tingin niya ay kailangan na talagang malaman ni Parker na buntis siya at ito ang ama. It's a difficult decision but she chose this para habang maaga pa ay malalaman na niya kung pananagutan ba ni Parker ang anak niya o hindi. Sa kabila ng mga hinuha niya ay umaasa siya na kikilalanin ni Parker ang bata bilang anak nito pagdating ng araw— Sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD