Parang wala sa sarili si Alonzo habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Hindi niya makalimutan ang umiiyak na mukha ng babaeng nakasama niya kagabi. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niyang guilt dahil sa nangyari. Although alam niyang it was an honest mistake pero hindi pa rin maikakaila na malaki ang nagawa niyang kasalanan. She was a virgin for Christ sake.
Inis na hinampas niya ang manibela ng huminto siya sa isang stop light. Wala sa loob na nasalat niya ang kanyang bibig. Pakiramdam niya ay dama pa niya ang malambot nitong labi. He knows she liked what they did last night kaya hindi niya naisip na nagkamali siya ng kuwartong pinasukan.
Nagulat pa siya ng malalakas na busina ang narinig niya. Nakita niyang green na ang kulay ng stop light. Go na pala. Tapos ay napatingin siya sa telepono niyang tumunog. Si Robine ang tumatawag. Lalo na siyang na – guilty sa nangyari.
“Hi love,” sabi niya ng sagutin ito.
“Hi hon. Where are you?” masayang bati nito.
“Pabalik na sa hotel. Nagkayayaan lang kagabi with the guys,” sagot niya.
“Oh please. For sure puro kalokohan na naman ang ginawa ‘nyo?” sabi nito. Wala talagang katiwa – tiwala si Robine sa mga kaibigan niya.
Napatawa siya. Ano ba ang sasabihin niya?
“Anyways, I already found someone who is going to make our wedding cake. Ni – refer ni Elaina sa akin na supplier nila. Knowing Elaina, I know this cake maker is one of the best. I already saw her works and I am impressed,” masayang sabi nito.
“Good. Ikaw na ang bahalang pumili ng gusto mo,” sagot niya.
“She is still out of town, eh. May opening daw ng new restaurant ng boss niya and she’ll be back maybe tomorrow. I’ll set an appointment and cake tasting with her, ha?” malambing pang sabi nito.
“Yeah. Sige,” tanging nasabi niya. “I’ll call you later, honey. Nandito na ako sa hotel. I’ll be in Manila at six pm tonight. See you,” sabi niya dito.
“Can’t wait to see you. Love you,” sabi nito at pinatayan na siya ng telepono.
Nang maka – park siya ay parang nanghihinang napasandal siya sa kinauupuan.
-------------------------------------------------////
“Okay ka lang?”
Napatingin si Emille kay Cindy na nagsalita sa tabi niya. Hindi na niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya dahil kanina lang ay nakita niya itong naglalabas ng pastries sa dining.
Pinilit niyang ngumiti dito at ipinagpatuloy ang paglalagay ng icing sa mga cupcakes.
“May problema ka ba? Inaway ka na naman ni Jared?” tanong pa nito habang kumuha rin ng piping bag at naglagay ng icing doon para tulungan siyang maglagay ng frosting sa cupcakes.
Umiling lang siya. “Okay lang ako. Pagod lang. Nalasing kasi ako kagabi. Alam mo naman hindi ako sanay uminom,” sagot niya dito. Napalunok siya ng maalala ang nangyari kagabi. Gusto na naman niyang umiyak. Ayaw na niyang maalala iyon.
Napatawa si Cindy sa sinabi niya.
“Dapat pala girl, lagi kitang nilalasing. Kasi lumalabas ang pagiging wild mo. Aba, nakipagkilala ka ba naman dun sa type kong guy kagabi,” at napatawa pa ito. “Pero buti na lang at ginawa mo iyon, hindi naging malamig ang gabi ko,” at kumindat pa ito sa kanya.
Nagugulat at napapatawang napatingin siya dito.
“What?” natatawa din ito ng makitang nakatingin siya. “Well, he was good in bed. So I can call him every time I’ll visit this store. Hindi na ako maiinip kahit hindi mo ako samahan,” at natawa na ito.
Naisip niyang sobrang kabaligtaran niya si Cindy. Almost every week ay iba – ibang lalaki ang ka – date nito. She is a good friend and wala siyang masasabi doon. Medyo may pagka – liberated lang talaga and mahilig sa adventure.
“What happened to you last night? Akala ko hindi ka na makakaakyat sa hotel room mo kagabi,” sabi pa nito.
Napalunok lang siya. Gusto niyang maiyak ng maisip ang nangyari kagabi. Kasalanan niya. Hindi siya nag – ingat. Masyado siyang nalunod sa isang gabing kalayaan na wala si Jared kaya iyon ang nangyari.
“H – hindi ko na maalala ang mga nangyari. Nag - black out na ako sa sobrang lasing,” sagot na lang niya.
“Sana pala pinasama ko na lang ‘yung friend ng boylet ko kagabi para hindi malamig ang gabi mo,” pagbibiro pa nito.
Pilit na lang siyang ngumiti at pilit na inabala ang sarili sa ginagawa para makalimutan ang nangyari ng nagdaang gabi.
“Maaga rin siguro tayong makakabalik ng Manila mamaya. Sabi ni Beth after lunch at natapos na ang demo mo for the cakes we can go home,” sabi pa ni Cindy sa kanya.
“Yeah. Kailangan ko ding makabalik agad at marami akong naiwang orders for this week,” tanging sagot niya. Nakita niyang nagbi – blink ang telepono niya at nakita niyang si Jared ang tumatawag. Napatingin siya kay Cindy at nakita niyang sumimangot ang mukha nito.
“Hon,” tanging sabi niya.
“What time are you coming back in Manila? Two days ka na diyan, ah. Baka kung ano – ano na ang ginagawa mo diyan?” iyon agad ang bungad sa kanya ni Jared.
“I am working here, Jared. ‘Di ba pinadala ko na nga sa iyo ang picture ng bagong store namin?” parang sa bata siya nagpapaliwanag. First day pa lang niya dito sa Baguio ay pinadala na niya ang lahat ng picture na pinupuntahan nila dahil request iyon ni Jared. Pati ang mga kasama niya.
“May mga boys kayong kasama?”
“I am only with Cindy and my boss will be coming later sa opening. Jared, I am working,” sagot niya dito.
“I know you are working. Pero malayo ko sa akin. Paano ako makakasiguro na wala kang lalaki diyan?”
Napahinga siya ng malalim. He is starting a fight again kahit sa walang kuwentang bagay.
“Hon, I need to do my work para maaga akong matapos. I’ll call you once nasa biyahe na ako,” iyon na lang ang nasabi niya. Ayaw na niyang patulan pa ang mga sinasabi ni Jared dahil siguradong mas malaking away lang kapag iyon ang ginawa niya.
“Just make sure you will come home whole. Baka kung sino – sino na ang ka – s*x mo diyan,” at iyon lang ay pinatayan na siya nito ng telepono.
Pakiramdam niya ay nanginginig ang kamay niya ng ibalik sa mesa ang telepono niya. Pigil na pigil niya ang sarili niyang maiyak.
“Inaway ka na naman?” paniniguro ni Cindy. Marahil ay nakita ang itsura niya.
Napahinga lang siya ng malalim at napailing.
“Huwag mo na lang intindihin. Ikaw na nga nagsasabi, mahal ka kamo ng boyfriend mo kaya siya ganyan. Gawin mo na lang ang trabaho mo. Huwag ka ng paapekto,” sabi ni Cindy at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa.