“I still cannot believe that you are getting married!”
Kinailangan pang sumigaw ni Dom para lang marinig ni Alonzo ang sinasabi nito dahil sa lakas ng tunog mula sa bandang tumutugtog sa stage.
Ininom na lang muna niya ang hawak na beer bago sumagot sa kaibigan.
“You need to believe it now! I’ll be officially off the market in three months,” sagot niya habang ini – scan ang buong paligid at muling itinuon ang tingin sa tumutugtog na banda. Gumanti siya ng kaway sa drummer ng banda na si Lars ng makita siya. Pinsan niya ito at inaya siyang manood ng gig dahil bagong dating nga lang siya galing Amerika.
He just got home a week ago at wala ng katapusan ang gimik nila ng kanyang mga barkada. He had been living in Amerika since high school at paminsan – minsan siyang umuuwi ng Pilipinas para sa bakasyon at ngayon ay para sa kanyang nalalapit na kasal. He loves Robine, his girlfriend for three years. She is working as a Media Planner in an advertising agency in Makati. He met her when she was attending a convention in US and the rest was history.
They will be getting married in three months time. And Robine asked him if he can come and stay in Manila for some time that is why he asked the company he works if he can transfer her in Philippines. Since their company has a branch here, he didn’t have a hard time for his transfer.
Nakita niyang napatawa ang iba pa nilang kasama.
“That is why we organized a stag party for you,” sabat naman ni Edgar habang patingin – tingin ito sa mga babaeng naroon sa loob ng South of Heaven Bistro. Nakipagngitian pa ito sa isang babaeng dumaan sa harap nila.
Napailing siya.
“There’s no need for that stag party. I love Robine. I am sure to myself that I want to spend the rest of my life with her,” sagot niya.
“Huwag ka ng kumontra. Hindi naman makakarating kay Robine ang mangyayari ngayong gabi. We already planned this since you proposed to her,” sabi pa ni Dom.
May iniabot na key card sa kanya si Edgar. Nakasulat doon ang pangalan ng hotel kung saan daw nakabook ang babaeng kinuha ng mga kaibigan niya.
“Here is the key card. She is waiting for you in Hotel Jasmine. Please puntahan mo ‘yan. It cost us a fortune to get that woman from Ultima Club. You know the rates there,” sabi pa nito. Kilalang high end men’s club sa Baguio ang binanggit nito kaya sigurado siyang hindi nga ito nagbibiro na gumastos ang mga ito ng malaki.
Napatawa na lang siya.
“Mga gago talaga kayo. Pagpahingahin ‘nyo na muna ako. Kakauwi ko lang. Alam ‘nyo naman na umuwi lang ako dito para sa kasal namin ni Robine,” sagot pa niya.
“Wala ng pahinga – pahinga. Puntahan mo na ‘yan,” sabi pa ni Dom bago siya iwan at sumama sa isang babaeng nakilala.
-----------------------------------------------------///
“Cinds, balik na ako sa hotel room ko. Alam mo naman na hindi ako sanay uminom,” sabi ni Emille sa kaibigan. Kung bakit kasi napilit pa siya nitong pumunta sa bar ng hotel. Talaga naman kasing hindi siya sanay sa mga ganitong lugar. Kung hindi nga lang kailangan nilang mag – overnight dito sa Baguio para sa launching kinabukasan ng panibagong branch ng baking school kung saan ay isa siyang managing partner ay hindi talaga siya sasama na mag – out of town.
“Ano ka ba naman? Dalawang shot pa lang ng vodka ang naiinom mo. Ang kj mo naman. Saka i – enjoy mo na ngayon ‘no. Dahil siguradong pagbalik natin ng Manila, guwardiyado ka na naman ng boyfriend mong seloso,” sagot nito sa kanya at nakita niyang kumaway pa ulit sa waiter para umorder.
Iyon pa ang isang iniisip niya. Baka malaman ng boyfriend niyang si Jared na ganito ang ginagawa niya, siguradong aawayin na naman siya noon.
“Baka kasi tumawag si Jared,” nag – aalalang sabi niya at tiningnan ang hawak na telepono. Wala namang missed call or message ang nobyo niya.
Nakita niyang napailing – iling ang kanyang kaibigan na para bang hindi makapaniwala sa nangyayari.
“Hindi ko maintindihan sa iyo kung bakit nagtitiyaga ka diyan sa boyfriend mo. Napakaganda mo. Matalino. Creative. Successful as a well known cake artist. Pero pagdating sa pag – ibig tanga ka. Hindi ko alam kung paano ka nakaka – survive sa abusive relationship ninyo ni Jared,” dama niya ang inis sa bawat salita ni Cindy.
Hindi na siya nakasagot. Totoo naman kasi ang sinasabi nito. Sa tatlong taon niyang pagiging Pastry Chef at Instructor ng KitchenMate International Cuisine and Academy ay nakita na ni Cindy ang lahat ng puwedeng gawin sa kanya ni Jared. Yes. She admits it. Totoo ang mga sinasabi ng kaibigan sa kanya. Seloso ang kanyang boyfriend. Although he is not hurting her physically most of time, emotionally ay talagang durog na durog na siya. But still, he loves him. Alam niyang magbabago din si Jared at gusto niyang siya ang makagawa na mapagbago niya ang nobyo.
“Dami – daming nanliligaw na mga kilalang chef sa iyo. ‘Yung may – ari ng Ysabelle’s Restaurant. Sino ba ‘yun? Si Mr. Luis Mendoza. Guwapo na, mayaman pa. Hindi ko alam kung bakit nagtitiis ka diyan sa Jared na iyan,” napairap pa si Cindy ng sabihin iyon at tuloy – tuloy na ininom ang hawak na alak.
Napahinga lang siya ng malalim. Lahat na lang ng kakilala niya ay iyon ang sinasabi sa kanya. Naisip niyang hindi lang nila kilala si Jared. He is a loving person. They just need to know him more. Iyon ang pilit niyang sinasabi sa kanyang sarili.
“Inumin mo na ‘yan. Forget Jared for tonight. Let’s enjoy this one night of your freedom,” sabi pa ni Cindy sa kanya at muling iniabot sa kanya ang baso ng vodka.