Oh my god! Oh my god! Ano ba ‘to? Bakit nandito siya? s**t! s**t! Ano ang gagawin ko?
Pakiramdam ni Emille ay nangangatal ang buong katawan niya sa kaba. Para siyang nawawala sa sarili na paroo’t – parito sa loob ng kitchen niya. Akala niya ay isang masamang panaginip lang ang nangyari sa Baguio. Hindi niya akalain na susundan siya nito hanggang Maynila.
Sumilip siya sa window pane ng kitchen door niya at nakita niyang nakatayo doon sa loob ng office niya ang lalaking iyon at parang ini – scrutinize and buong office niya. Lumapit pa ito sa isang painting doon na siya ang may gawa at tumango – tango.
Ngayon lang niya napagmasdan ng maige ang lalaking iyon. He stands tall maybe around 6 – 6’2. He is just wearing a simple maong and white polo but he still looks fresh and clean. His unkempt hair give justice to his squared face and his shadowed facial hairs give his face more masculine and mysterious look.
What will I do?
Muli siyang sumilip sa office niya at this time, nakita niyang nakatingin na sa lugar niya ang lalaking iyon. Alam niyang nakita siya nitong nakasilip kaya mabilis siyang nagtago.
Shit! s**t! What will I do?!
She took a deep breath. Pilit na pinalakas ang loob. Kailangan niyang harapin ito.
Nakangiti na siyang lumabas mula sa kitchen bitbit ang ilang slices ng cake samples. Hindi na niya pinansin ang pagtitig sa kanya ng lalaki. Gusto niyang batuhin ito ng suot na sapatos. Pakiramdam kasi niya ay hubad na siya sa paraan ng pagtingin nito.
“Oh my god, Emille! These are all yummy. Red velvet, dark choco ganache! My golly my favorite carrot pound cake! Puwede bang lahat itong flavor nasa wedding cake ko?” iyon ang narinig niyang sabi ni Robine ng matikman ang mga cakes. Bumaling pa ito sa lalaking kasama. “Love, do you want to taste this? It’s really good,” sabi pa nito at akmang susubuan ang lalaki pero mabilis itong tumanggi at parang nahihiyang tumingin sa kanya.
“Yes. You want all edible layers naman. I can do that,” tanging sagot niya. Hindi talaga niya tinatapunan ng tingin ang lalaki sa harap niya dahil alam niyang hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.
“Yehey!” tanging nasabi nito at napatingin sa tumunog na telepono. “I need to get this call. This is my couturier calling. I’ll be back agad,” sabi nito at tuloy – tuloy na lumabas.
Parang dinadamba ng elepante ang dibdib ni Emille habang naroon lang siya kasama ang lalaking iyon. She hates him dahil sa ginawa nito sa kanya but wala siyang magawa. Sino ba ang maniniwala sa kanya na hindi niya ginusto ang nangyari sa kanila?
“I’m sorry,” narinig niyang sabi nito.
Napatingin siya dito at kitang – kita niya ang pagsisisi sa mukha nito.
“It was really a huge mixed up. Hindi ko ginusto –“
“Please stop. Tapos na iyon. We need to move on,” tanging nasabi niya.
“But –“
“I am fine. Let’s forget what happened. Ayoko ng maalala iyon,” sabi pa niya at tumayo na. Hindi niya kayang magtagal na silang dalawa dito.
Pero mabilis siyang hinawakan sa kamay ng lalaki at hindi niya maipaliwanag ang kuryenteng dumaloy sa katawan niya ng hawakan siya. Mabilis niyang inalis ang kamay.
Pareho silang napatingin sa pinto ng makitang pumapasok si Robine kasama ang isang lalaki. Nagtatawanan pa ang mga ito.
“This is really a surprise! After how many years, I cannot believe na makikita ko pa ulit ang lalaking ito,” nakangiting sabi ni Robine.
Si Jared ang nakita niyang kasama ng babae papasok sa office niya.
“This guy is my bestfriend in college. We lost contacts when I went to the States. Dito lang pala tayo magkikita uli. And she is your girlfriend?” paniniguro pa nito habang nakatingin sa kanya.
Ngumiti lang si Jared at lumapit sa kanya.
“Two years,” sabi pa nito at inakbayan siya.
“Well, mauuna kami ni Alonzo sa iyo. Three months from now Mrs. Navarro na ako,” sabi pa nito.
Pakiramdam niya ay para lang siyang spectator doon. Kitang – kita niya ang kasiyahan sa mukha ni Jared habang nakikipag – kuwentuhan sa babae. Hindi sinasadyang napatingin siya sa gawi ni Alonzo at nakatingin din ito sa kanya. Parang napapasong nagbawi siya ng tingin. Hindi pa talaga niya kayang salubungin ang tingin nito.
“This is really exciting! Ganito na lang, why don’t we have a double date tonight? Alonzo and I will be staying at Azure. I want the two of you to join us,” nakangiting sabi ni Robine.
“I need to finish some orders tonight. I am sorry I cannot come,” mabilis niyang pag – decline.
“No. We will go. We will be there tonight,” mabilis namang sagot ni Jared.
Maang siyang napatingin sa nobyo at nakita niyang desidido itong pumunta.
“Great! See you later,” sabi ni Robine at tumayo na. “It was so nice to meet you, Emille. I am a fan!” sabi pa nito pa nito bago lumabas ng office.
Tumayo din si Alonzo at nagpaalam sa dalawa bago sumunod na lumabas sa nobya. Nakasakay na sila sa kotse ay panay pa rin ang kuwento ni Robine. Pero wala doon ang atensiyon niya. Nakatingin lang siya sa loob ng office ni Emille at pinagmamasdan ang babae. Sa tingin niya ay nagtatalo ito at ang boyfriend. Maya – maya ay nakita niyang hinawakan ng lalaki ang braso ni Emille at padabog na isinalya sa upuan na naroon ang babae.
Gustong – gusto niyang bumaba at pumasok ulit dahil sa nakita.
“Hindi pa tayo aalis?” takang tanong ni Robine.
Napilitan siyang paandarin ang sasakyan at umalis doon.
“Bakit ayaw mong sumama mamaya? Nakakahiya sa kaibigan ko. Ang tagal – tagal namin na hindi nagkita tapos ayaw mong sumama?” kitang – kita ni Emille na talagang nagagalit si Jared. His temper is too short at sa kahit na maliliit na bagay ay talagang nag – aaway sila.
“I need to finish my work, Jared. Tatlong cakes ang kailangan kong i – deliver tomorrow,” paliwanag niya.
“Damn it! f**k your work. Lagi ka namang ganyan. Inuuna mo ang trabaho mo dahil gusto mong magpa – impress sa ibang mga chef sa pinapasukan mo,” sabi pa nito sa kanya at inis na ibinato ang nahawakan na cupcake figurine na display niya sa office. Gusto niyang maiyak dahil nabasag iyon. Regalo iyon ni Cindy sa kanya ng magpunta ito sa France.
Hindi na siya kumibo. Sigurado siyang away na naman ito kapag sumagot pa siya. It’s always been a fight pagdating sa trabaho niya. Jared is a businessman pero hindi niya maintindihan kung bakit pati ang trabaho niya ay pinagseselosan nito.
“I’ll pick you up at 7pm later. Huwag ka ng umarte,” sabi nito at umalis na rin.