“Alam mo, Fina, hindi ako sanay na may tumatanggi sa akin,” sabi ni Karlos, may halong seryosong tono sa kanyang boses. Napatingin si Fina sa kanya, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. “Ano’ng ibig mong sabihin? Dahil ba mayaman ka, sanay kang nakukuha ang gusto mo?” Ngumiti si Karlos, ngunit hindi ito tulad ng dati—may bahagyang lungkot sa mga mata niya. “Hindi lang dahil sa pera. Sanay ako na kapag may gusto ako, ginagawa ko ang lahat para makuha iyon. Pero ikaw... parang wala kang pakialam. Hindi ko maintindihan kung bakit.” Natigilan si Fina. Hindi niya inaasahan ang ganitong sagot mula kay Karlos. “Ano bang iniisip nitong lalaking ito?” tanong niya sa sarili. “Eh paano naman kasi, Senyorito, lagi ka namang nagbibiro. Hindi ko alam kung kailan ka seryoso,” sagot niya. “Bakit, kai