Henry’s POV Kanina ko pa tinatawagan ang number ni Raul ngunit hindi man lang ito sumasagot sa tawag ko. Halos naka-twenty misscalls na nga ako hanggang sa nalowbat na lang ang cellphone ko. Naisipan kong tawagan si Drakos at baka sakaling magkasama ang dalawa. “Hello bro, nasaan ka?” Ang tanong ko dito ng sagutin nito ang aking tawag. “Sa opisina pare bakit may problema ba?” Ang tanong nito sa akin. “Hindi kasi sumasagot si Raul sa mga tawag ko, naiwan ko kasi iyong wallet ko sa Condo niya. “Puntahan mo na lang don bro baka mamaya may sakit na yung isang ‘yon, nakausap ko kasi kanina at ang loko parang namamaalam.” Ang sabi nito na bahagya pang natawa. “Sa totoo lang bro kanina pa ako kinakabahan. Lalo na ng makausap namin si Clinton at ibinalita ang tungkol sa pagkamatay ni Remz