Drakos POV Nakabibinging hiyawan ng mga tao ang maririnig sa buong paligid dahil sa matinding laban na namamagitan sa aming dalawa ng aking katunggali. Napakainit ng laban at kahit isa sa amin ay walang nagpapatalo. Sinubukan kong mag-overtake sa unahan ng aking kalaban upang madiscourage ito ngunit nagulantang ako ng mas nauna pa itong mag-overtake sa akin at ngayon ay nasa unahan ko na ito. Nag-over speed na ako upang malampasan ko ito ngunit hindi ko inaasahan ng makipag-gitgitan ito sa akin. Malakas ang loob ng kalaban ko at ang pagkakaalam ko ay baguhan pa lang sa racing ang isang ‘to, masyado nitong minamaliit ang kakayahan ko. Dahil ito ang unang pagkakataon na nakalaban ko ito ay wala akong ideya kung sino at kung paano ito maglaro. “s**t!” Ang malakas kong mura ng bigl