Zoe’s POV Kanina pa ako nakatulala sa kawalan pakiramdam ko ay hindi na gumagana ng matino ang utak ko tila wala na ako sa’king sarili. Iniisip ko kung paano nahulog ang loob ko sa Aragon na ‘yon at nang dahil sa kan’ya ay nagulo ang lahat ng plano ko. Sa totoo lang ay napakadali para sa akin na patayin ito ngunit sa tuwing nasa harap ko na ito ay nawawala lahat ng tapang ko. Pinagmasdan ko ang puntod ni Collin at halos magdikit ang aking mga kilay dahil sa pagtataka ng mapansin ko ang isang kumpol ng sariwang bulaklak sa ibabaw ng lapida nito. Bago pa ang mga iyon at sa palagay ko ay kaaalis lang ng naglagay nito dahil paupos pa lang ang kandilang itinirik ng kung sino mang taong bumisita sa puntod ng aking kapatid. Halos gabi-gabi ako dumadalaw dito kung kailan wala ng tao sa buong
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books