PAG-GISING ni Ava ay agad na pumasok sa isip niya ay ang makausap o makita sina Bianca kung totoo bang pinakawalan na ito ni Dimitri. Narinig naman niyang inutos nito sa tauhan nito na pakawalan ang dalawa pero hindi siya sigurado kung pinakawalan na ba talaga nito ang dalawa. Baka kasi mamaya ay sinabi lang iyon ni Dimitri sa kanya. At gamitin na naman nito iyon para mapasunod siya sa lahat ng gusto nito.
Napakagat naman si Ava nang ibabang labi nang bumalik sa alaala niya ang nangyari sa kanila ni Dimitri kahapon. Swerte pa din niya kahit papaano dahil ganoon lang ang ginawa ni Dimitri. Pero paano kung tuluyan siya nitong inangkin?
Ipinilig na lang ni Ava ang ulo para maalis iyon sa isip niya. Hindi muna niya iyon iisipin, ang isipin muna niya ay masigurong ligtas ang dalawa para makapag-isip siya kung ano ang gagawin niya para makatakas siya sa poder ni Dimitri.
Yes. Nasa isip pa din niya kung paano niya ito matatakasan kahit na alam niya ang posible nitong gawin sa kanya. Maybe, if she will escaped with him, isasama niya si Manang Esve at Bianca na magtatago para hindi sila nito mahanap.
Kaya pagkatapos gawin ni Ava ang morning rituals niya ay sinubukan niyang lumabas para puntahan si Dimitri sa kwarto nito para makausap. Luckily, hindi nakasara ang pinto mula sa labas kaya nakalabas siya ng kwarto.
Lumabas naman siya at humakbang siya palapit sa kwarto nito. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago tumaas ang isang kamay para kumatok ng mahina sa pinto nito.
Pero ilang segundo na siyang nakatayo at wala pa ding nagbubukas sa kanya. Sinubukan niyang pihitin ang seradura at napaawang ang bibig nya nang bumukas iyon. Kaya tinulak lang niya iyon ng dahan-dahan at sumilil siya do'n. Medyo madilim ang kwarto nito pero may konting liwanag na sumisilip mula sa bintana nito. Agad namang tumuon ang tingin niya sa malaking kama sa gitna ng kwarto. Nakita niya ang nakahiga na si Dimitri doon and he is sleeping while topless. Bumaba kasi ang kumot nito hanggang sa dibdib nito.
Saglit siyang nanatiling nakatayo habang nakatitig sa gawi ni Dimitri. Nagtatalo ang isip kung lalabas na ba siya o lalapitan ito para gisingin para makausap.
At nang maalala sina Bianca ay nagpasya siyang lapitan na lang ito para gisingin. At akmang hahawakan niya ito sa balikat para sana yugyugin ng magulat siya ng biglang may humawak sa kamay niya.
And the next thing she knew, Dimitri was on top of her, pinning her down on the bed. His hand is on her neck and he is straggles her.
Tumaas naman ang isang kamay niya para itulak ito dahil kinakapusan siya ng hininga dahil sa pagkakasakal nito.
Papatayin ba siya nito?
"D-dimitri...h-hindi ako makahinga," wika niya sa nahihirapang boses dahil hindi siya makahinga, medyo teary eye na nga din siya.
Nang marinig nito iyon ay doon lang lumuwag ang kamay nitong nakasakal sa leeg niya hanggang sa dahan-dahan nito iyong tinanggal.
Napahawak si Ava sa leeg habang inuubo. Pakiramdam niya ay konting sandali na lang ay malalagutan na siya ng hininga kung hindi pa din nito binibitawan ang leeg niyang sakal nito.
Umalis si Dimitri sa ibabaw niya. "A-are you going to kill me?" hindi niya napigilan na itanong sa lalaki ng medyo makabawi ng hininga, medyo maluha-luha pa din ang hininga.
Dimitri glared at her. "What the f**k are you doing inside my room?" he asked her in a angry voice.
Bago naman sagutin ni Ava ang tanong ni Dimitri ay bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa kama.
Tiningala niya si Dimitri at mula sa sinag ng araw na ngamumula sa labas ng bintana ay nahagip ng mata niya ang topless na katawan nito, tanging puting pajama ang suot nito ng sandaling iyon.
Tumigil naman ang tingin niya sa mga mata nito at kinabahan siya nang makita ang dilim sa mga mata nito habang nakatunghay iyon sa kanya.
Pansin din niya ang pagkakasalubong ng mga mata nito habang nakatingin ito sa kanya. "Are you aware that I prohibit anyone from entering my room?" wika nito nang hindi pa siya nakakasagot sa tanong nito, kaya yata ito nagagalit dahil pumasok siya sa loob ng kwarto nito ng walang abiso.
Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. "I'm...sorry," paghingi naman niya ng paunmanhin sa lalaki.
"Sa susunod ay huwag kang papasok ng kwarto ko ng walang abiso. Baka sa susunod ay hindi ka na makalabas ng buhay," wika nito sa kanya.
Naramdaman naman niya ang pagtaas ng balahibo niya sa katawan dahil sa takot para sa sarili nang marinig niya ang sinabi nito. So, swerte pa din siya ngayon dahil buhay pa siya?
"So, what the hell are you doing in my room, Ava?" tanong ni Dimitri sa kanya.
"M-may...gusto lang akong itanong sa 'yo," wika niya sa pakay niya kung bakit siya naroon.
Napansin niya ang pagtaas ng isang kilay nito. "It must be very important dahil pumasok ka pa sa kwarto ko," wika ni Dimitri sa kanya.
"Tungkol kina Bianca at Manang Esvi," wika niya sa pakay niya.
"Again," wika nito, napansin niya na mas lalong nag-isang linya ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya. "You asked me about them last night. Are you still not satisfied?"
Pilit na sinasalubong ni Ava ang titig ni Dimitri. "Gusto kung maka-siguro na pinakawalan mo na sila," wika niya dito.
Napansin niya ang pagdilim ng ekspresyon ng mukha nito. Nanlaki ang mga mata niya ng lumapit ito sa kanya. Inatras naman niya ang mukha niya ng ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nito sa kanya.
"My words is my rule, Ava. When I say it, I mean it," wika nito sa seryosong boses.
"G-gusto ko pa ding makasiguro, Dimitri," wika niya sa lalaki.
Medyo nakahinga naman siya ng maluwag nang lumayo si Dimitri sa kanya. "Fine. I will let you see them," pagpayag nito sa kanya. "But let me f*****g sleep first."
Nang sabihin iyon ni Dimitri ay dali-dali siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya mula sa gilid ng kama. Pero hindi inaasahan ni Ava na maapakan niya ang kumot ni Dimitri na nalaglag sa sahig, napatid siya do'n.
Agad nama siyang naghanap ng makakapitan at dahil nasa harap niya si Dimitri ay dito siya kumapit. Kumapit siya sa balikat nito, hindi nga siya napasubsob sa sahig pero napasubsob naman siya sa matitipunong dibdib nito. Naramdaman nga din niya ang paghawak nito sa baywang niya.
At nang inalis niya ang pagkakusobsob ng mukha at nang tumingla siya ay nakita niyang nakayuko ito sa kanya.
And there is something in his eyes right at the moment. Same as the expression when he kissed her lips before. As he stared at her, his eyes were filled with desire. At dahil natakot siya na baka maulit muli ang nangyari ay mabilis niya itong itinulak at halos kumaripas siya ng takbo palabas ng kwarto nito, paalis doon. Palayo kay Dimitri.
PAPASOK sana si Ava sa banyo ng makarinig siya ng mahinang katok sa labas ng kwarto niya. At sa halip na tumuloy sa nayo ay humakbang siya patungo doon para buksan ang pinto ng kwarto niya ay nakita niyang si Claire iyon.
"Bakit?" tanong ni Ava sa babae.
"Miss Ava, pinapatawag kayo ni Sir Dimitri," wika ni Claire sa kanya.
"S-si Dimitri o si Attorney Sarmiento?" tanong niya kay Claire. Kapag pinupuntahan kasi siya ni Claire para ipaalam na pinapatawag siya ni Dimitri ay palaging si Attorney Sarmiento ang humaharap sa kanya. Kaya sa pagkakataong iyon ay gusto niyang makasiguro kung si Dimitri ba ang haharapin niya o si Attorney Sarmiento. Gusto niyang malaman para maihanda niya ang sarili.
"Si Sir Dimitri po, Miss Ava. Hinihintay niya kayo sa baba sa may living room," imporma ni Claire sa kanya.
Tumango naman siya bilang sagot. "S-salamat," wika niya dito. At sa halip na puntahan si Dimitri kung nasaan ito ay pumasok siya sa loob ng kwarto. Pero hindi pa siya nakakadalawang hakbang ng mapatigil siya nang tawagin siya ni Claire.
"Hindi mo pupuntahan si Sir Dimitri?" tanong nito.
"Pupuntahan. Pero call of nature," wika niya. Hindi na nga din niya hinintay na magsalita ito dahil tumakbo na siya papasok sa loob ng banyo para umihi. Kanina pa kasi siya naiihi, naantala lang iyon dahil mas inuna niyang buksan ang kumakatok sa kwarto niya.
Nang matapos ay naghugas siya at lumabas ng banyo. Dumiretso na din siyang lumabas patungo sa kwarto para puntahan si Dimitri.
Iniisip naman niya kung ano ang dahilan kung bakit siya nito pinapatawag. Hindi naman siguro tungkol sa gusto nitong mangyari ang pag-uusapan nila. Hindi naman siguro sila bubuo ng bata ngayon. Dahil kung iyon ang pakay ni Dimitri ay bakit sa living room siya nito pinapatawag? Hindi ba dapat sa kwarto o hindi kaya ay pinuntahan na siya nito sa kwarto niya?
Ipinilig na lang ni Ava ang ulo para maalis iyon sa isip niya. Nagpatuloy naman na siya sa paglalakad, nasa dulo na nga siya ng hagdan nang makita niya si Dimitri.
Medyo napaawang nga ang bibig niya nang makita ang magkasalubong na mga kilay nito, kitang-kita niya ang pagkabagot ng mukha nito ng sandaling iyon.
Nang makita niya iyon ay nagmadali siya sa paglalakad para makalapit dito.
"Bakit mo--
"Let's go."
Napakurap-kurap naman si Ava nang hindi man lang siya pinatapos ni Dimitri sa pagsasalita niya. Hindi na nga din siya nito hinintay dahil humakbang na ito paalis. At sa halip na sundan ito ay nanatili siyang nakatayo habang nakatingin sa lalaki.
At mukhang naramdaman nito na hindi pa din siya sumusunod dito dahil huminto ito sa paglalakad at nilingon siya.
"Akala ko ba gusto mong makita ang mga pinakawalan ko?" tanong nito na halos magkasalubong ang mga kilay.
At nang marinig niya iyon ay dali-dali siyang humakbang palapit dito. Nang makita nito iyon ay nagpatuloy na ito paghakbang.
Napatingin naman siya sa suot ng sa sandaling iyon. At hindi niya napigilan na manlaki ng mga mata nang makita ang suot ng sandaling iyon. Nakasuot siya ng itim na leggings at maluwag na t-shirt. Wala siyang suot na bra ng sandaling iyon kaya kita niya ang pagbakat ng n*****s niya sa suot.
Sa sandaling iyon ay gusto niyang umakyat muli sa taas para magbihis pero baka magalit si Dimitri sa kanya kung paghihintayin niya ito. Eh, mukhang ayaw nito ng pinaghihintay.
Bahala na.
Inipon na lang ni Ava ang mahabang buhok at inilagay niya iyon sa harapan para takpan ang bakat na n*****s niya.
Nakita naman niyang pasakay na si Dimitri sa itim na kotse, pinagbuksan ito ni Rocco. Hinintay naman siya nito na makalapit, hindi pa nga nito isinasara ang pinto sa backseat. Mabilis siyang sumakay sa loob ng sasakyan. Napatingin nga siya kay Dimitri na seryosong nakatingin sa harapan.
Pinaandar na ni Rocco ang kotse paalis. Hindi nga din niya napigilan na igala ang tingin sa paligid. Naisip niya ang pagsubok niyang tumakas noon. Mukhang mahihirapan siya dahil ang layo pala noon sa kalsada, hindi din siya pamilyar sa lugar.
At makalipas ng matagal na biyahe ay nakarating na din sila sa pamilyar na lugar.
Hininto naman ni Rocco ang minamaneho nito sa tapat ng apartment ni Bianca.
"Rocco," wika naman ni Dimitri. Hindi na nito kailangan magsalita dahil agad na nakuha ni Rocco ang gustong sabihin ni Dimitri.
Mayamaya ay may tinawagan si Dimitri. Napatingin naman siya sa apartment ng kaibigan nang may lumapit na isang lalaki doon, naka-damit pang-pulis.
Nanubig naman ang mga mata ni Ava nang makita niya pagsilip ni Bianca sa apartment nito hanggang sa lumabas ito ng pinto nang makita nitong pulis ang nasa labas.
"Satistied now?" narinig niyang tanong ni Dimitri.
Pero hindi niya ito pinansin. Ang atensiyon niya kasi ay nasa kaibihan at sa pulis na kasama nito.
Nang makita kasi niya ang pulis ay bigla siyang nabuhayan ng loob. Pwede kasi siyang humingi ng tulong dito.
Mabilis naman siyang tumingin sa pinto sa gawi niya. At akmang bubuksan niya iyon ng mapatigil siya ng may kamay na humawak sa kanya.
"And where do you think you're going?" dumagundong ang boses na iyon ni Dimitri, naramdaman nga din niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya. "Tatakas ka?" tanong nito sa malamig na boses.
Pilit naman niyang pinipigsi ang kamay niyang hawak nito pero kahit na anong gawin niya ay hindi pa din ito bumitaw, mas lalong humigpit lang ang kamay nito. Nasasaktan na nga siya.
"Let me go," wika niya dito.
Pero hindi ito nakinig sa kanya. "One thing I hate the most is being fooled. And I already told you, don't make me mad. Because you won't like me when I'm mad, Ava."
"What...will you do to me?" hindi niya napigilan na itanong iyon dito.
"You will be punished."