KUMUNOT nag noo ni Dimitri nang marinig niya ang pagtunong ng ringtone ng cellphone niya na nasa ibabaw ng executive table niya. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng i-alis niya ang tingin sa monitor ng computer niya at inilipat niya iyon sa cellphone na tumutunog pa din. Dinampot niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag at mas lalong kumunot ang noo niya nang makitang overseas call iyon galing sa tauhan niyang mata niya sa Italy habang narito siya sa Pilipinas.
"Buon pomeriggio, signor Dimitri," narinig niyang bati ng tauhan ng sagutin niya ang tawag nito. (Good aftenoon, Sir Dimitri)
"Why did you call?" he asked him straight to the point. Alam niyang hindi ito tatawag sa kanya kung wala itong magandang sasabihin. His men, knew him, he knew that he didn't want to be bothered if what he had to say wasn't important.
"Signor, I just have something to report to you," wika nito sa kanya.
Isinandal naman ni Dimitri ang likod sa swivel chair niya. "What is it?" malamig na boses na tanong niya sa tauhan niya.
"There is a party happening next week at Occulto. And all the members are invited, Signor Dimitri," he informs him.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Dimitri sa sinabi nito, sa sobrang pagkakasalubong nga ay nag-isang linya iyon. "And how is in the earth that I am not f*****g invited at the party? Eh, I'm their boss?" he said in a cold and serious voice. He is the head of Occulto, how in the world is he not invited? "And who the f**k organized the party?" dagdag pa na tanong niya.
"It's Signor Riccardo, Signor Dimitri," sagot nito sa kanya.
"Oh, what the f**k?!" he cursed in gritted teeth.
Riccardo Gotti is his uncle. It was his father brother. Mataas din ang posisyon nito sa Occulto. Isa din ito sa miyembro ng Occulto ang hindi sang-ayon sa kagustuhan ng ama na pumalit dito bilang leader ng organisasyon. Wala kasi itong bilib sa kanya. Kulang daw siya sa kakayahan, kulang daw siya sa karanasan. At babagsak ang Occulto kapag siya daw ang mamamahala. Tutol ito na maging leader siya ng Occulto dahil ang gusto nito ay ito mismo ang mamuno sa nasabing organisasyon. But his father, stood by what his decision. At iyon ay ang siya ang maging leader ng organisasyon. Kaya walang nagawa si Riccardo kundi tanggapin ang desisyon na ama kahit na labag iyon sa kalooban nito.
Pero kahit na siya na ang namumuno ng organisasyon ay hindi lingid sa kaalaman niya ang ginagawa nito, alam niyang palihim nitong kinakausap ang ilang miyembro ng Occulto para siraan siya, para mawalan ng tiwala ang miyembro sa kanya at para tulungan si Riccardo na pabagsakin siya. Alam din niyang nakikipagsabwatan din ito sa ibang kalaban para pabagsakin siya.
But he was Dimitri Gotti, he will never be overthrown immediately. They will go through hell first before he is overthrown.
"Keep an eye on him, Simon. And inform me his whereabouts," he commands his men.
"Va bene, Signor Dinitri," wika nito sa kanya. (Yes, Sir Dimitri.)
Pagkakababa naman niya ng tawag ay agad naman niyang tinawagan si Rocco. "Come to my office, Rocco," wika niya ng sagutin nito ang tawag niya.
Hindi naman nagtagal ay nakarinig siya ng katok sa labas ng opisina niya. At pumasok do'n si Rocco.
"Why did you call me, Sir Dimitri?" tanong nito ng magtama ang mga mata nilang dalawa.
Sinabi naman ni Dimitri ang tungkol sa ibinalita sa kanya ni Simon.
"So, what was your plan?" tanong naman nito sa hakbang na gagawin niya.
Sa pagkakataon iyon ay hindi niya napigilan ang pag-angat ng dulo ng labi dahil sa pag-ngisi. "We will attend the party, even if we are not invited, Rocco," wika niya sa naisip na plano niya.
He wanted to surprise them. He wanted to surprise his uncle for not inviting him. And he wanted to see his reaction when he saw him.
This time, it was Rocco smirked. "I should ready my suit," wika naman nito sa kanya.
Dimitri just smirked. Saglit pa silang nag-usap na dalawa sa magiging plano nila bago ito umalis. Pero hindi pa ito tuluyang nakakalabas ng opisina nang tumunog ang cellphone nito.
"Okay. I'll inform Sir Dimitri," narinig niyang wika nito sa kausap.
Muli naman siyang hinarap ni Rocco. "Sir Dimitri, tungkol sa inutos niyo sa akin," wika nito.
Sumeryoso naman ang ekspresyon ng mukha niya sa sinabi nito. "Is there any news?" tanong naman niya sa malamig nguit seryosong boses.
"Yes, Sir," sagot nito sa kanya. "Our men called, and she was seen where she was hiding," sagot ni Dimitri sa kanya.
Dimitri jaws tightened. "And where the hell is she hiding?" He asked in gritted teeth
"Somewhere in north," sagot nito. "Lady Ava is hiding in Baguio City, Sir Dimitri," dagdag pa na sa kanya.
Nagtagis ulit ang bagang niya nang marinig niya ang sinabi nito at nang marinig niya ang pangalan na binanggit. He was f*****g mad right now. He was f*****g mad with Ava for running away from and for fooling him.
It's been two days since he ran away with him. Hindi niya inaasahan na pina-plano na pala nito na takasan siya noong araw na iyon, kaya pala lahat sunod-sunuran ito sa kanya noong araw na iyon dahil binabalak nito na takasan siya. And after he punished her in the men's restroom, she runs away.
Nawala lang ito saglit sa paningij niya ay tinakasan na siya nito.
His hand turns into a fist because of anger. And how dare her to keep fooling him? He is Dimitri Gotti. The Leader of Mafia. The boss of Occulto Organization. Isa sa mga kinatatakutan ng mga crime syndicate sa bansa? Pero nagawa pa din siya nitong lokohin at nagawa pa din siya nitong takasan siya?
The hell with that women. Sa oras na magkita sila ay hindi na ito makakawala. Sisiguraduhin niyang matatanggap nito ang kaparusahan na mababagay dito.
And he Dimitri Gotti, no one dares to fool him and get away with it.
"Ready the chopper, Rocco. We're going to pick up a stubborn woman."
DAHIL walang stocks sa tinutuluyan na Apartelle ni Ava ay kinakailangan niyang lumabas para bumili. Naisip naman niyang magpunta sa palengke. Walking distance lang naman kasi iyon sa Apartelle na tinutuluyan.
Sa Baguio naisipan ni Ava na pumunta pagkatapos niyang matakasan si Dimitri. Hindi niya sukat akalain na matatakasan niya ang lalaki pero mukhang mabait pa din sa kanya ang tadhana dahil nagawa niya. Amd now she ia free.
Nang makatakas sa pagkatapos ng ginawa nila sa loob ng men's restroom ay sa totoo lang ay hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Gusto niyang humingi ng tulong kay Bianca pero hindi niya magawa dahil baka madamay pa ito at naisip niyang baka ito ang unang puntahan ni Dimitri kapag nalaman nitong tinakasan niya ito. Gusto din niyang pumunta ng police station para isuplong ito pero naalala niya ang sinabi ni Attorney Sarmiento sa kanya. Dimitri is powerful and dangerous man. Naisip niyang walang magagawa ang pulis kung isusuplong niya ang ginawa nito. Lalo na at wala siyang matibay na ebedensiya na magpapatunay sa ginawa nito.
Hindi din niya alam kung ano ang gagawin. Wala siyang kapera-pera ng araw na iyon. Pero nagka-pera din siya dahil sa mga alahas na pinasuot sa kanya noong um-attend sila sa party. Sinangla kasi niya ang mga iyon at hindi siya makapaniwala kung magkano ang mga alahas. It worth millions. Iyong earrings na nga lang ay nagkakahalaga na ng million. Iyon nga lang ang sinangla niya, itinago niya ang necklace na pinasuot nito. At nang magkapera siya ay ang una niyang ginawa ay bumili ng damit at sapatos na pamalit niya sa suot niyang gown at heels. At pagkatapos niyon ay dumiretso na siya sa terminal ng bus.
Hindi niya alam kung saan pupunta para magtago pero nang makita niya ang bus na patungo sa Baguio ay naisip niyang doon na lang pumunta at magtago.
Hindi naman kasi iyon ang unang pagkakataon na nakapunta si Ava sa Baguio.
At nang makarating siya ay agad siyang naghanap ng matutuluyan. Hindi siya sa tumuloy sa kilalang hotel baka kasi mahanap siya ni Dimitri, kaya sa isang maliit na apartelle na lang ang pinili niyang tirahan.
And so far, so good, it's been two days since her escape with Dimitri and he didn't find her.
Ipinagdasal na lang din ni Ava na sana ay hindi na lanh siya hanapin ni Dimitri at maghanap na lang ito ng ibang babaeng magbibigay sa gusto nito. Iyong babaeng willing bigyan ito ng anak.
Pagkalabas ni Ava sa apartelle ay agad niyang nayakap ang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin na nanuot sa kanyang katawan. Nakasuot na siyang jacket ay bonnet pero nanuot pa din ang lamig sa katawan niya. Iba talaga ang klima sa Baguio.
Yakap ni Ava ang sarili na nagpatuloy siya sa paglalakad. Medyo foggy din dahil siguro alas sinko na ng hapon. At habang naglalakad siya ay hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo ng maramdaman na parang may sumusunod sa kanya. Pasimple naman siyang tumingin sa kanyang likod at may nakita siyang lalaking nakasuot din na jacket na nasa likod niya. Nakaramdam naman siya ng kaba ng sandaling iyon. Pero ganoon na lang ang relief na nararamdaman niya ng lagpasan siya ng lalaki.
Hindi naman siguro siya mahahanap do'n ni Dimitri? Ipinilig na lang ni Ava ang ulo at nagpatuloy sa paglalakad.
At nang makarating si Ava sa palengke ay agad niyang binili ang mga kailangan niya. Bumili siya ng prutas, tinapay, gatas at kape. Pati noodles at canned goods.
At bukas ay naisipan niyang magpunta sa Mall para bumili ng mga damit at mga underwear niya. At iba pang kailangan niya sa apartelle.
Naisipan na din ni Ava na do'n na lang kumain ng dinner. Tinatamad na kasi siyang magluto. Sa isang paresan siya kumain. Tamang-tama ang mainit na sabaw para sa malamig ma panahon.
At halos mahigit isang oras din siyang nasa labas. At nang maisipan niyang umuwi na ay halos madilim na. Naglakad ulit siya pabalik, hindi naman siya masyado natakot dahil may nakakasabayan naman siya.
At hindi nagtagal ay nakarating na din siya sa apartelle na tinutuluyan. At mayamaya ay napakunot siya nang bubuksan niya ang pinto sa apartelle niya ay napansin niyang bukas iyon.
Hindi ba niya iyon na-ilock? Hindi niya napigilan na itanong sa isipan. Hindi naman siya masyado nag-aalala dahil sinabi naman ng landlady niya na safe ang lugar. At zero crime rate do'n kaya napanatag ang loob niya.
Pinihit na niya ang seradura pabukas at saka siya pumasok sa loob ng hindi pa binubuksan ang ilaw. Isinara na din niya ang pinto at ini-lock. At nang makapasok ay do'n lang niya binuksan ang ilaw.
At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Ava nang pagbukas ng ilaw ay nakita niya ang isang taong hindi niya inaasahan na makikita. Hindi nga din niya napigilan ang manginig ang katawan ng sandaling iyon.
"Miss me?" He ask her in a deep and baritone voice.
"D-dimitri," she mentioned his name in a trembled voice.