Chapter - 02

2014 Words
TRISTAN'S FAMILY.... Yuna's POV.... " Nakasimangot ka dyan? " Nilapitan ako ni Vanessa sa table ko sa production. "Hindi naman, " " anong hindi?  Ayan at ang haba ng nguso mo,  nung problema? " pangungulit niya. Kilalang -kilala talaga ako ng bestie ko. Pero nahihiya akong magkwento sa kanya about Tristan. Ewan koba pero wala akong kapal ng mukhang magkwento, kase naman pareho kaming lapitin ng boys kahit san kami magpunta. Tapos heto ako assuming sa isang lalaki. Hmmmp pero di naman basta lalaki si Tristan eh,. I love him.. Iba sya sa lahat. Iba ang kagwapuhan nya, iba ang dating nya sa puso ko. " wala akong problema,  may iniisip lang ako! " sagot ko sa kaibigan. " hmm ano naman yon? " " wala, saka kona ikwekwento pag okey na. " " sure ka ha, baka kung ano na yan bestie! " " hindi, wala to" Medyo down pa rin ako makalipas ng araw,  sumigla lang muli ang araw ko ng sumapit ang sabado. Dala na namin ang gamit na dadalhin kina Tristan. Ang sabi nya ay sa Isang subdivision sa makati sila nakatira.  Maynila na rin .. Alas singko ng hapon, magkakasabay kami nila Tristan, Criselda, Norman, Jun ,Jane Vanessa at Lenard na nagbyahe .magkatabi kami sa buss ni Vanessa, sila Norman naman at Criselda ang magkatabi sa tapat namin. Sa unahan ng upuan naman sila Jun at Lenard, samantalang si Tristan ay si Jane ang katabi sa unahang upuan nila Criselda. Hmmm ako dapat don eh nahihiya lang ako kay bestie na di sya tabihan. Sabagay mabait naman si Jane at ang alam ko eh may Boyfriend na ito sa probinsya nila. Maganda din si Jane. Minsan ko na rin itong nakalaban sa pagka muse ng company pageant. Marami din nagkakagusto dito. Yun nga lang masyadong tahimik ang babae. Pinsan ito ni Norman na ka-close namin kaya naging barkada na rin namin si jane. Gabi na nang makarating kami ng Makati. Traffic kase.. Pagkababa namin ng buss ay isang itim na van ang tumigil sa tapat namin. Ang ganda ng sasakyan. " let's go guys". Si Tristan. Wow may pasundo pa kami... Sa tabi ng driver umupo si Tristan, kami naman tatlong babae sa pangalawa at sa likod na ang mga boys. " andon na po ba si Mommy sa bahay? " tanong ni Tristan sa lalaki na driver pala ng pamilya. May family driver?  " wala pa po señorito,  si sir Paolo palang ang nasa bahay kasama ng mga bata" Señorito?  Lihim kaming nagpapalitan ng mga makahulugang tingin nila Vanessa at Criselda, si Jane naman ay tila balewala lang ang narinig. Ilang saglit pa ay isang subdivision ang pinasok nang sinasakyan namin. Tsineck pa kami ng guard bago pumasok ng makilala nila si Tristan. Wow, mukhang makikilala kona ang buong pagkatao ni Tristna ngayon. Nanlalaki ang mga mata naming magkakaibigan habang sinisipat ang naglalakihan at naggagandahang mga bahay na nadaraanan namin, hindi lang bahay.. Mansion nang matatawag ang mga yon. Alam kong maging ang mga kasama ko ay tahimik na nagmamasid sa paligid. Marahil tulad ko ay nagtataka din sila na bakit ang tulad ni Tristan Villanueva na nakatira sa subdivision na tulad nito ay nasa A&A company. Lalo na kaming walang masabi nang tumigil sa isang mataas na gate ang sinasakyan namin .kanda haba ang leeg ko sa katitingin sa labas. Isang maid na naka uniform ang nagbukas ng gate. Pagkababa namin ay lalo kaming namangha sa laki at taas ng bahay. "Bahay nyo ito? " i asked Tristan. He simply nodded at me. "Naks , sir anak mayaman ka pala" si Jun. Ngumiti lang si Tristan saka kami inayang pumasok sa loob. Ngayon lang ako nakapasok sa ganoong kaganda at kalaking mansyon. Alam naming mayaman ang pamilya ng lalaki pero di namin akalain na ganito karangya ang buhay ni Tristan. Apat na maid ang nakita namin na busy sa paghahanda ng mesa. Alas nueve na yata yun ng gabi. " señorito ,handa na po ang mesa,  " " sila Mona? "Tanong ng binata sa maid. " nasa room na po nila, tapos na silang maghapunan, ang mommy nyo po ay mamaya pa daw uuwi. " Tumango -tango si Tristan. " where's uncle? " " nasa study room po ng daddy nyo. May tinatapos daw na project. " " okey,  guys tara na munang kumain. Mamaya ko kayo dadalhin sa kwarto nyo. "Baling ni Tristan sa amin. Kimi naman kaming sumunod sa binata. Ingat na ingat ako na makatabig ng mga naka display na figurine. May pagka careless pa naman ako. Masasarap ang mga nakahain sa lamesa, pawang noon ko lang nakitang mga pagkain. Ganado naman kaming kumain kahit nakakailang ang mga maid na nasa paligid. Hindi kami sanay na may nakabantay sa pagkain. After kumain ay naupo muna kami sa living room. Sya namang baba ni Mona. " ate Yuna! ". Malakas na sigaw nito na may halong galak .mabilis itong tumakbo papunta sa dereksyon ko. Saka ako niyakap. Kasunod nya ang mga pinsan siguro nito na tatlong babae. " Mona, happy birthday in advance" niyakap ko din sya. " thanks ate, akala ko nagsisinungaling lang si Kuya na isasama ka nya dito eh. " , Ipinakilala nya samin ng mga pinsan nyang sila Margarette 16 ,cassey 16 at jade 14.si Tristan naman ang nagpakilala sa mga kasama namin. " oh sige ate, bukas nalang tayo magkwentuhan, pasok na ulit kami sa room, baka makita kami ni Uncle Paolo na di pa natutulog eh" " okey, sige" sabi ko nalang. Sino bang uncle Paolo yon?  Mukang takot na takot ang mga bata sa kanya. Hmmmm... Larawan ng isang mabagsik na lalaki ang naisip ko about sa uncle nila. " san ang daddy mo Tristan? " tanong ni Jane sa lalaki ng nagkwekwentuhan na kami sa tabi ng pool. Nakilala na kase namin ang mommy nito kanina. Sobrang mabait at bata pa ang mommy Lolita ni Tristan. Abogado pala ang mom nya. Dalawa lang sila ni Mona na magkapatid. Pero madami silang magpipinsan. " nasa ibang bansa si Dad,  si mommy lang ang kasama namin dito saka mga kasambahay" sabi nya. " kala ko andito din yun uncle mo, " sabi ko naman. " pansamantala lang naman si Uncle Paolo dito" Tumango- tango ako. Inilinga-linga ang paningin sa paligid. Curious kase ako sa uncle paolo ni Tristan eh. Siguro matandang binata na yon kaya masungit at istrikto, yun kase ang madalas ikwento sakin ni Mona sa chat. Mga himutok niya sa uncle nila na sobra daw ang higpit. " kung si Uncle ang hinahanap mo,di mo yon makikita pag nasa office na, workaholic kase yun," " ganon ba" " yup,hindi yon mahilig makihalubilo sa tao." Nanahimik na ako s narinig. Di kona inisip ang uncle Paolo ni Tristan. Iniisip ko nalang kung paano magpa good shot sa family ng lalaki. Well kay Mona okey na ako, muka naman gusto din ako ng mommy nya. Sa mga uncle nalang siguro nito tulad ng uncle Paolo nila. Bukas makikilala kona ang masungit at istrikto na uncle nila.   Kinabukasan, sabay sabay kaming nagaalmusal,  kasama ng mommy at kapatid at mga pinsan ni Tristan sa mahabang dinner table .pero di ko pa rin nami-meet ang uncle nya dahil maaga daw itong pumasok sa trabaho. Narinig kong architect pala ang uncle niya. " gabi na daw makakauwi si Uncle Paolo sabi nya sakin" naka pout na kwento ni Mona . " bakit daw?  Di ba sya aatend ng party mo? " si Tristan. Nakikinig lang kaming magkakaibigan sa kanila. " may project daw syang tinatapos, kaya gagabihin sya. Babawi nalang daw sya sa gift," " intindihin nyo nalang ang uncle nyo,  he' s so busy, kita mo naman nagkukulong na lage sa office puro trabaho ang ginagawa. " si tita Lolita. " i know mom" si Mona. " i just think na kailangan din naman nya ng break, look at his life, work- home -work lang lage sya. Di na din sya masyadong sumasama sa mga friends nya na sila Brix. " " choice nya yun Mona" si Tristan. " mas gusto ko pa nga na wala sa party si uncle, mas mage-enjoy tayo.. Walang kj" sabat naman ni Jade . " jade!  " saway ng mama ni Tristan. " sorry tita, kase naman hindi ko ma gets ang ugali ni Uncle" " siguro need na nya magka gf" si Mona ulit. " Mona!!  Stop it, " saway dito ng mommy nito.  " makarating pa yan sa uncle mo, yari ka don" Hagikgik naman ang mga pinsang babae nito. Nangingiti lang kami sa usapan ng pamilya. " ihanap kaya natin sya ng gf" si margarette. Anak pala ito ng babaeng kapatid ng daddy ni Tristan. Don din sa loob ng sudb na yon nakatira. " sino naman ? "Si Mona. " ipakilala kaya natin sa kanya ang mga friends ni Kuya Tristan? " mungkahi ni Cassey na nakatingin saming apat. " good idea" sabi ni Jade. Natawa naman ng malakas si Tristan. " basta di kasali si Ate Yuna,  she is my ate. Para lang sya sa kuya ko" Namula ang buong mukha ko sa narinig. Di tuloy ako makatingin sa mommy nila, muka naman nakangiti ang mommy Lolita nila sakin. Kaya okey na ako don. Kaya lang.... " we're just friends,ano kaba.".  Si Tristan. Ouch oh puso... Wag kang masaktan please. Alas kwatro ng hapon nagsimula ang party. Dumating ang iba pang kamaganak nila Tristan na don din nakatira sa malapit. Nakilala namin ang mga uncle at unti nya. Sila Miguelito at Romina Villanueva kasama ng mga anak nito na sila Cassey ,jade at Xander.  Saka ang nagiisang babaeng kapatid ng daddy na si Mylene Villanueva Santos at ang tatlo nitong anak na sila Margarette, Princess at ang cute na si Aaron. Ang lolo at lola nila Tristan ay nasa bikol .masaya ang party ni Mona. Dumating ang ilang family friends nila. Likas na mababait ang mga villanueva, galing din daw kase sila sa hirap. Nakaraos ng masaya ang party. Alas otso ng gabi kami nang paisa isang nabawasan ang mga bisita. Kaming magkakaibigan ay naginuman sa tabi ng pool. Di ako masyadong sanay uminom kaya mabilis akong tablan. Hilong hilo ako kaya di ko na napansin ang malambing na harutan nila Tristan at Jane. Diko alam kung paano ako napunta sa kama sa kwartong nakalaan samin sa bahay nila Tristan. Nagising akong masakit ang ulo at nahihilo. Napansin kong wala sa tabi namin si Jane. Asan kaya yon? Naisipan kong bumaba ng bahay para uminom ng tubig at para hanapin na rin si Jane. Madilim ang buong paligid ng kabahayan. Pilit inaaninag ng mata ko kung san kaya maaring pumunta si Jane. Imposible naman na sa ibang kwarto sya natulog. Uminom muna ako ng tubig bago hinanap si Jane. Pero tahimik na masyado ang bahay. Kaya nagpasya akong bumalik nalang ng silid ko. Paakyat na ako ng hagdan ng mabangga ang isang anino. Malaking anino ng isang lalaki. Muntik na akong mahulog ng hagdan kung di ako mabilis na nahawakan sa bewang ng nakabangga ko. " ha?  S-sorry... " agad kong sabi. Nadama ng palad ko ang makapal na balahibo sa dibdib niya. Walang suot na pangitaas ang lalaki? Alam kong lalaki yon. " who are you? " kahit madilim ay ramdam ko ang pagsasalubong ng kilay ng kabanggaang lalaki. May pagka paos ang tinig nito na lalaking lalaki ang dating. At napaka bango nito. Shit, lumalandi ako sa bahay ng lalaking gusto ko. Sino kaya ito?  Baka isa ito sa mga bisita na doon din nag stay. Pero sa klase ng pagtatanong nito ay tila may ari ng bahay. " k-kasama po ako ni Tristan,hinahanap ko lang po yun isa naming kasama" nauutal na paliwanag ko. Baka kase isipin nito na malikot ang kamay ko . Ilang sigundo ang lumipas bago nya pinakawalan ang bewang ko.gusto ko pa sanang damhin ang mamasel nyang dibdib pero nakakahiya naman. Kaya bahagya akong lumayo sa kanya ng konti. " Tristan? " may pagka bossy ang tinig ng lalaki. " o-opo" " he's in a pool with your friend" turo nito sa swimming pool sa tabi ng bahay. " ha ah okey".  Mabilis akong lumayo sa lalaki at binagtas ang daan papuntang swimmingpool. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD