Impression

1892 Words
Princess.” Mahinang wika ni Sophia saka marahang inalog ang dalaga. Natutulog ito sa on-call room. Unang araw nang internship niya sa hospital at agad silang napasabak sa maraming ginagawa sa Emergency room. Halos hindi maubos ang mga pasyenteng dumarating. Kahit ang ibang intern ay bagsak din ang katawan sa silid. Nang marinig ni Elizabeth ang tinig ni Sophia at ang mahinang boses nito. Marahan siyang nagmulat nang mata. Hindi na niya namalayan na nakatulog siya dahil sa labis na pagod. “Ilang oras akong tulog?” Tanong ni Elizabeth. “Three hours and Dr. Alexander is already furious dahil lahat nang intern wala sa emergency room.” Wika ni Sophia. “What?” wika nang dalaga saka mabilis na tumayo. “Bakit di mo sinabi kaagad. I’ll go first please wake up the rest. Baka umuusok na ang ilong niya ngayon.” Wika nito na ang tinutukoy ay si Alexander. “Yes Princess.” Wika nang dalaga saka inihatid nang tingin ang dalagang nagmamadaling lumabas saka naman niya nilapitan ang ilang mga intern na tulog din dahil sa pagod. Hindi nama niya masisisi ang mga ito. Dahil sa labis na dami nang ginawa nila sa Emergency room. And kalahating araw ay parang isang buong lingo na halos hindi sila makaupo. Nagmamadaling bumalik si Elizabeth sa emergency room. Hind niya gustong sa unang araw niya maging masama na agad ang impression ni Alexander sa kanya. Nang pumasok Siya sa Emegency room Nakita niya ang busy na mga doctor at Nurse. May mga bagong car accident victims ang dinala doon. Ilang oras lang silang Nawala para na uling war room ang emergency room at hindi maubos -ubusan nang mga pasyente. Napatingin si Elizabeth kay Alexander na Kahit na abala ito sa pag-aasikaso nang isang pasyente kapag may lumalapit sa kanyang Nurse para humingi nang tulong hindi ito nag dadalawang isip na magbigay nang instruction kung ano ang gagawin. Para itong hindi napapagod. Kanina pa ito nanggagamot nang mga pasyente. Hindi niya alam kung nakapagpahinga na na ba ito. Habang nakatingin siya sa binata nakikita niya ang Binatang doctor na dating intern sa Costa Estrella. He is really serious sa trabaho nito. He is still the most attractive doctor habang nanggagamot. “You might drop your jaw.” Bulong nang isang boses sa dalaga. Bigla namang napaigtad si Elizabeth nang marinig ang nagsalita. Taka siyang napatingin sa may-ari nang boses saka Nakita si James. Ang isa sa mga doctor doon. “It is not suprising na humanga ka sa kanya. Lahat naman nang nurse and doctors na nandito talagang humahanga sa kanya. He is one of the top General surgeons here. A trauma specialist at Cardiologist. Siya rin ang head doctor nang Emergency department. Handsome and skilled. Wala ka nang hahanapin pa.” wika ni James sa kanya saka naglagay nang alcohol sa kamay. “Tatlong taon palang siya ditto sa hospital but he has gained his reputation. Isa siyang magaling na doctor. Interns would kill just to be his mentee. He can be cruel sometimes. But he is a good man.” Dagdag pa nito bago mag suot nang disposable gloves. Bago lumapit sa isang pasyente. Sinundan naman niya nang tingin ang binata. I can see that. Wika nang isip niy Elizabeth saka napadako ang tingin kay Alexander na ngayon ay na isang gilid kasama ang isang resident doctor. Nakita niyang tila pinagagalitan nito ang isang doctor. Para namang isang basing sisiw na nagyuko lang nang ulo ang kawawang doctor. Maya-maya may bagong pasyenteng dinala sa emergency room. Nang makita ni Alexander ang stretcher na pumasok kasama ang ilang medical team napabaling ang tingin nito sa bagong dating. Napadako naman ang tingin ni Elizabeth sa bagong dating. Muntik na siyang maduwal nang makita ang malaking sugat sa paa nang isang pasyente. Halos labas ang buto nito sa binti dahil sa laki nang sugat. Napatingin si Elizabeth sa lalaki. Nakaupo ito sa Stretcher habang nag-aamok. Bagong dating ito kasama ang dalawang medic na panay ang pigil sa nag-aamok na lalaki. May malaking sugat sa ulo ang lalaki na halos hindi pa nabibigyan nang first aid dahil sa pag-aamok nito. Napansin din ni Elizabeth na madumi ang suot na damit nang lalaki na para bang isang itong taong grasa o mas mabuting sabihing taong kalye. Tumutulo din ang laya sa bibig nito na parang isang Asong ulol. “Princess.” Wika ni Sophia na hinawakan ang kamay ni Elizabeth nang akmang lalapit ang dalaga sa pasyente. Taka namang napalingon di Elizabeth sa dalaga. “What are you doing?” tanong nang dalaga saka simpleng inagaw ang kamay sa kaibigan. “It’s dangerous. Let them handle him.” Wika pa nito. “Sophia!” wika nang dalaga dahil sa hindi makapaniwala sa sinabi nang kaibigan. Alam naman niya ang dahilan nang pagpigil nito sa kanya. Pero hindi naman iyon rason para hindi niya gawin ang trabaho niya. Hindi naman siya nag-aral nang medicina para lang panoorin ang mga taong may sugat o may kapansanan. “But your highness.” Wika nito saka tumingin sa dalaga. “Just do your job.” Wika ni Elizabeth dalaga. “It’ll be fine.” Ngumiting wika nang dalaga saka marahang naglakad papalapit sa lalaking nag-aamok. Napakagat labi naman si Sophia habang nakatingin sa dalaga. Minsa na iinis siya sa katigasan nang ulo nang dalaga pero wala naman siyang magagawa dahil mas mataas ang estado nang buhay nito sa kanya. “Doc!” wika ni Elizabeth nang makita ang isang Resident doctor na nabuwal sa sahig matapos itong iwaksi nang lalaking nag-aamok. Maging ang Medic na may hawak sa lalaki ay nabitiwan din ang lalaki. Patuloy ang pag-aamok nang lalaki. Binubuwal nito ang makitang mga bagay sa nakaharang sa kanya. Walang kahit na doctor or nurse na nagtangkang lumapit Lalaki dahil sa takot nang mga ito. Isang upuan ang kinuha nang lalaki at winasiwas, Nakita ni Elizabeth na nagtangkang lumapit si Alexander ngunit hindi ito makalapit dahil sa panay na wasiwas nang lalaki nang upuan. Lahat napapaatras dahil sa pag-aamok nang lalaki. “Ah!” impit na tili ni Elizabeth sabay yuko nang ihagis sa kanya nang lalaki ang upuan. Mabuti na lamang at nakayuko siya at naiwasan ang upuan. Tumama ito sa pinto. Taka siyang napatingin sa upuan. Maging si Sophia at ang ibang nurse at pasyente ay hindi maiwasang matakot dahil sa ginawa nang lalaki. Mabuti na lamang at naging mabilis ang reflex niya dahil kung hindi baka tinamaan na siya nang upuan. Napatingin siya sa direksyon nang lalaki. Biglang natigilan ang dalaga nang makitang nakatingin ito sa kanya. Their eyes meet. Biglang kinilabutan si Elizabeth sa mga tingin nang lalaki. Nakita din niya ito ngumisi habang nakatingin sa kanya. Maya-maya pa biglang na lamang ang lalaking nag-aamok na tumatakbo patungo sa kanya. Bigla siyang napaupo sa sahig dahil sa pagkabigla. It was too late para makaiwas siya. Nakita niyang dinakma siya nang lalaki. As a reflex ipinangsangga niya ang kamay sa mukha niya dahil wala na rin naman siyang oras para makaiwas. “Your highness.” Mahinang usal ni Sophia nang makita ang nangyari. Hindi siya nakakakilos mula sa kinatatayuan dahil sa labis na gulat. Maging ang ilang nurse ay natuptop ang bibig nila nang makita ang biglang pagatake nang lalaki sa dalaga. What happen? Tanong nang isip ni Elizabeth. Hindi siya dinakma nang lalaki? Tanong nang isip niya. Napansin nang dalaga ang tila anino nakakatayo sa sa harap niya. Una niyang Nakita ang mga binti nito. Tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa mukha niya at nag-angat nang tingin. Nakita niya nag matangkad na Binatang nakasuot nang putting coat. “Princess, Are you okay?” tanong ni Sophia na agad na lumapit sa dalaga at inalalayan itong tumayo. Napatingin naman si Elizabeth sa lalaking nasa harap niya. Habang nakatingin siya dito saka niya nakilala kung sino ang nagligtas sa kanya. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang kinakagat nang lalaking nag-aamok ang braso nang binata. Lalo pa siyang na bigla nang Makita ang dugo na umaagos sa kamay nito. Natuptop ni Elizabeth ang bibig niya. Hindi tinanggal nang lalaki ang pagkakakagat sa braso nang binata para itong isang asong kagat-kagat ang isang buto. Agad namang lumapit ang mga nurse upang pigilan ang lalaki. Nang mailayo ang lalaki sa binata agad na hinawakan ni Alexander ang kamay niya sa dumudugong braso. Kahit na may sugat ito, nagawa parin nitong lumapit sa lalaking nag-aamok. Kahit hawak na ito nang mga medic at nurse para pa rin itong isang asong ulol na nagpupumiglas. Nang makalapit si Charles sa lalaki agad na itinurong ang isang syringe sa likod nang lalaki. Laman nito ang isang sedative na naging dahilan upang mawalan nang malay ang lalaki. Inalalayan nang mga nurse ang lalaki upang ihiga sa isang hospital bed, Kanila naman itong nilagyan nang tali upan kapag nagising ay hindi na makagawa nang kahit anong gulo. “Dr. Alexander. Ang sugat niyo sa kamay.” Wika nang isang nurse na lumapit sa binata. Napatingin naman si Elizabeth sa binata. Kahit hindi nito sabihin tiyak na nasasaktan ito sa sugat sa braso niya. “I am okay. Let’s treat him first Malaki ang sugat niya sa ulo. It will just be a matter of time before --------” wika ni Alexander habang hawak-hawak ang sugat sa braso. “Stop acting like a hero or what.” Wika nang isang boses na pumutol sa sasabihin ni Alexander. Napalingon naman si Alexander sa pinangagalingan nang boses maging si Elizabeth ay napatingin din saka nila Nakita si Erica na dumating sa Emergency room. “Let’s go.” Wika ni Erica saka hinawakan ang braso nang binata. “I said I am fine. Nothing to fuss about.” Wika ni Alexander. “Nothing? You call this nothing?” wika ni Erica saka ipinakita kay Alexander ang sugat sa kamay. “Who says, you use your arms as a bait? You are always reckless.” Wika ni Erica saka tumingin kay Elizabeth. Bigla namang natigilan ang dalaga nang mapatingin sa kanya ang dalaga. “Let’s treat your wound.” Wika nito saka bumaling kay James. “Ikaw nang tumingin sa lalaki yan.” Anito bago bumaling kay Elizabeth. “Assist Dr. James. You can do atleast that right? Aside from inviting trouble?” sakristong wika nito. Lihim namang napalabi si Elizabeth mukhang nasa hindi magandang impression na agad siya ni Erica. Hindi lang dahil sa kasal nitong nasira kundi maging ang nangyari sa araw na iyon. “Let’s go.” Wika ni Erica saka inakay si Alexander papalabas nang emergency room. Napatingin lang ang lahat sa kanila habang papalayo sila “Stay out of trouble.” Wika ni Alexander nang mapadaan ito sa tapat ni Elizabeth. Narinig nang dalaga ang sinabi nang binata kaya naman taka siyang napasunod nang tingin dito. Was he worried? Anong ibig sabihin nang sinabi nito? Iyon ang nasa isip niya. “She is a real boss, Is she not.” Wika ni James habang nakatingin kay Erica at Alexander. “Let’s go and treat him.” Wika ni James sa kanya. “Can you do it?” tanong nang binata na nag-aalala baka in shock parin ang dalaga sa nangyari. “Yes Doc.” Simpleng wika ni Elizabeth sa binata. “Good Then.” Nakangiting wika nito saka naglakad papalapit sa lalaking walang malay. Simple namang sumunod si Elizabeth at Sophia sa Binatang doctor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD