Condition

1792 Words
Here.” Nakangiting wika ni Alexander saka inilagay sa kamay nang dalaga ang isang candy. Taka namang napatingin ang dalaga sa candy na inilagay nang binata sa kamay niya saka tumingin sa mukha nito. “What’s this for?” Tanong nang dalaga. “Your reward. Because you have been a good patient.” Wika nito saka tumayo at kinusot ang buhok nang dalaga dahil sa ginawa nito bigla namang inilayo nang dalaga Ang ulo niya. Walang ibang gumagawa nang gesture na iyon sa kanya kundi ang dalawang nakakatandang kapatid niya. Bigla namang natigilan si Alexander nang mapagtanto ang ikinilos. Saka niya na realize na hindi basta-bastang pasyente ang dalagang nasa harap niya dahil ito ang bunsong anak nang hari. He was into his doctor character na nakalimutan niya kung sino ang dalagang nasa harap niya. “I’m sorry Princess. I have that habit to pat the head of my patients.” Wika nang Binatang doctor saka binawi ang kamay. “It’s fine.” Wika nang dalaga saka tumayo. “Thank you.” Wika pa nito saka ipinakita ang candy naibinigay ni Alexander saka ngumiti. “But I think I am already old for this kind of stuff.” Natatawang wika nang dalaga. Napangiti naman si Alexander dahil sa sinabi nang dalaga. Habang nakatingin siya sa dalaga. Hindi niya maiwasang hindi maalala ang kapatid niya. Ang sinabi niya kanina sa dalaga na wala siyang kapatid ay hindi totoo. May kapatid siya but she died due to a terminal illness. Kung buhay pa sana ito ngayon, siguro kasing gulang na ito nang dalagang prinsesa. She is actually the reason kung bakit siya naging isang doctor dahil ayaw niyang may iba pang pamilya na mag suffer nang kalungkutan dahil sa pagkawala nanag mahal nila sa buhay. “Did you get your wound treated?” tanong nang Binatang naka horse back riding na damit na lumapit kay Alexander at sa dalaga. “Yes. See.” Wika nito saka ipinakita ang sikong may benda. “Good. I think we should be going. And you are coming with me.” Wika nito sa dalaga. Saka lumapit dito. “I’ll go with Leon----” putol na wika nang dalaga nang biglang hawakan nang binata ang kamay niya. “You’re not going anywhere young lady. Leonard still had things to do here. Whereas you. Is nothing but a nuisance. So you are coming with me.” Wika nito. “Leonard.” Tila nag mamakaawang wika nito sa kapatid. Umiling lang ang binata nang makita ang kapatid. Alam niyang wala din naman siyang magagawa. Kapag nagsalita na ang nakakatanda nilang kapatid everything is absolute. Kahit ama nila hindi rin makatutol dito. “Stop with that puppy eyes. He can’t help you.” Wika pa nito. Napasimangot lang ang dalaga dahil hindi rin naman siya makakatakas sa kapatid niya. “Just listen to Rupert. I’ll be back once I’m done here.” Wika ni Leonard sa kapatid. Simple namang tumango ang dalaga sa kapatid niya. “Doctors, we will be on our way.” Wika nang binata sa mga doctor doon. Napatanggo lang si Elize at Alexander. “Let’s go.” Wika nito saka inakay ang dalaga papalabas nang medi-cube. Napangiti lang na sinundan nang tingin ni Leonard ang dalawa. Nang makalayo ang mga ito saka naman siya bumaling kay Elize at Alexander. “I remember, the palace doctor asked you to check on her test results. That’s the reason why I am here.” Wika nito kay Elize at Alexander. Sakto naman dumating ang head doctor nang mga volunteer. Malapit nang kaibigan nang Palace doctor ang head doctor nang mga volunteer at kilala ding isang Critical Care Surgeon. Nang malaman nang palace doctor na magpupunta sa bansa nila hindi na ito nag dalawang isip na e-refer sila dito. Mas marami itong alam tungkol sa sakit nang dalaga. “Prince Leonard.” Wika nang head doctor. “Good think you are here. I was suppose to visit Dr. Chavez.” Wika nito na ang tinutukoy ay ang palace doctor. “I have already looked into the test results.” Wika pa nito agad namang nabasa nang binata ang expression nang mukha niyo. “I think Dr. Chavez already informed you about this. Her condition is not good at all. She needs to have a heart transplant as soon as we can. Or else----” hindi nito itinuloy ang sasabihin “We have hospitals, who can help you with the operation. But------” “But there is no guarantee when we can get a donor for her.” Dugtong nang Binatang prinsipe. “I am afraid I have to agree.” Wika pa nito. “Ironic isn’t it. Royalty can’t do anything with her condition.” Wika ni Leonard. “I think, the Princess knows her condition. She knows she’ll die without the surgery. I also heard her say the same thing you just said your highness.” Wika nit Alexander. Napatingin naman si Elize sa binata. Tumingin lang si Leonard sa binata at bahagyang ngumiti. “Don’t worry your highness. Dr. Chavez and I are working together to help find a donor for her.” Assurance naman nang Head doctor sa binata. “Thank you.” Wika nang binata. ***** What are you doing?” Tanong nang dalagang prinsesa kay Alexander nang maabutan niya ito sa harden nang palasyo. Nasa palasyo ang ibang volunteer doctor ipinatawag sila nang hari. Nagpaplano silang bisitahin ang mga lugar sa Costa Estrella na hindi napupuntahan ang mga doctor para sa isang medical mission. Habang nag-uusap ang head Doctor nang mga volunteer kasama ang Hari at ang crown prince. Naisipan ni Alexander na maglibot saka siya napadpad sa Harden sa likod nang palasyo. It was actually a greenhouse sa likod nang palasyo. Nang marinig ni Alexander ang boses nang dalaga bigla siyang napaigtad dahil sa gulat. Hindi naman niya sinasadya na pumasok doon. Sinusundan niya ang dalawang paru-paru na pumasok sa greenhouse ngayon ay hindi na niya alam kung saan nagpunta ang mga ito. Nang pumasok siya sa greenhouse mga magagandang bulaklak ang Nakita niyang nandoon. “Princess.” Wika nang binata saka nilingon ang dalaga. “You’re not with Dr. Elize?” tanong nang dalaga. “She’s with your dad—His Majesty and the Professor.” Ang professor na tinutukoy nito ay ang head doctor na kasama nila. “They are talking about the medical mission?” Tanong nang dalaga. “Yes. And I am not really good at listening to meetings. So, I've decided to step out.” Napakamot na wika nang binata. “Sorry, I enter withour permission.” Wika nang binata na ang tinutukoy ay ang harden. “It’s okay. Visitors usually visit this part of the palace. Every year we are opening this garden to the public. Costa Estrella’s people likes to visit this place and pays tribute to my mom.” Wika nang dalaga. “The queen?” tanong nang binata. Naikwento sa kanya nang isang kasamahan niya na namatay ang asawa nang hari nang isinilang nito ang bunsong anak nila. She also has the same illness. She was lucky nakapag-asawa pa siya at nagkaroon nang tatlong anak. With her illness normally getting pregnant can be very dangerous. It was a miracle for her na magkaroon nang tatlong anak. Sadly, she died giving birth to her. “She likes flowers.” Wika nang dalaga saka naglakad papunta sa isang raw na puno nang magagandang bulaklak habang nakatingin ang binata sa dalaga. Bigla namang lumabas mula sa bulaklak ang paru-parung kaninag pa niya sinusundan. Napangiti ang dalaga nang makita ang paru-paru saka iniunat ang kamay sa mga ito. Sabay namang dumapo sa daliri nang dalaga ang paru-paru. “You heard from Leonard, right? If two butterflies are seen together, they symbolize a long-lasting commitment and eternal love. Costa Estrella has this myth, that if you profess your love in the presence of these butterflies. Your eternal love will be granted.” Wika nang dalaga saka tumingin sa binata. “But these butterflies are rarely seen.” “Really?” takang tanong nang binata. Akala niya common na makita ang magkapares na paru-paru. Nang nakaraang araw nagawa pa nang makahuli nang dalaga at ngayon naman ay sinundan niya ang dalawa papasok sa greenhouse. “But I just saw---” “These?” tanong nang dalaga saka ipinakita ang paru-paru. “They're different.” Anang dalaga taka namang napatingin ang binata sa mga paru-paru. Paano sila iba? Hindi maintindihan nang binata ang sinasabi nang dalaga. “Remember the butterflies the other days? Those are the the ones in the myth.” Ngumiting wika nang dalaga. “But then, they are difficult to find.” “You went to the forest to get those?” Takang wika nang binata. “Dr. Elize said, you’ve been together since high school. I thought if you----” “I appreciate the gesture.” Putol ni Alexander sa sasabihin nang dalaga. Taka namang napatingin ang dalaga sa binata. “Don’ get me wrong princess. But I don’t rely on myth when it comes to my happiness. I’ve known Elize for the longest time. I love her. Myth or not. It will not stop me from marrying her. I am just finding the right timing. She still has dreams she wants to achieve. Of course, I don’t want to rush her.” Wika nang binata. Napatingin lang ang dalaga sa binata. No wonder, she is deeply in love with him. Iyon ang nasa isip nang dalaga habang nakatingin sa binata. “But I am not saying that the myth----” wika ni Alexander nang mapansin ang tahimik na dalaga. “I understand.” Ngumiting wika nang dalaga. “You don’t have to explain. Dr. Elize is quite lucky, I would say.” “I am lucky to have her.” Wika nang binata saka ngumiti. “I think I would agree.” Wika nang dalaga saka naglakad papalapit sa binata. “When you are ready to profess your love to her let me know. I will find the perfect pair of butterflies for you.” Wika pa nang dalaga napangiti naman si Alexander sa sinabi nito. “Promise you won’t go back to the forest alone, you’ve got a deal.” Wika ni Alexander saka inilahad ang kamay sa dalaga. Napangiti naman ang dalaga saka tinanggap ang pakikipagkamay nito. Hindi alam nang dalawa na habang nag-uusap sila nasa labas nang greenhouse si Elize at nakikinig sap ag-uusap nila. Gusto sana nitong lapitan si Alexander ngunit nang makita nito ang dalaga nakausap ang nobyo mas pinili nitong magkubli at makinig sa usapan nila. Hindi naman lingid sa kanya na parang kapatid ang tingin ni Alexander sa dalaga. Pero bakit may kirot sa dibdib niya habang nakikitang masayang nag-uusap ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD